zana • one. nostalgia
Nagising ako sa pagtunog ng alarm clock ko. Kanina pa 'to, a! Tss.
Marahan kong ibinuka nang napakalawak ang aking bibig at madiin akong pumikit, sabay hikab.
Nabaling ang aking tingin sa alarm clock kong 'kring' lang nang 'kring.' O, ang aga pa naman. Alas syete pa ng umaga. Ibig sabihin, may 30 minutes ako para maghanda. Teka-
Loading . . .100%
DAPAK!! ANO?! KALAHATING ORAS KAMO?!
"LATE NA 'KO!" Wala sa oras akong napasigaw. Shoot! First day ko ngayon, tapos baka ma-late pa 'ko. Wah!
Dali-dali akong pumasok sa palikuran at naligo. Maraan ang limang minuto, natapos na ako. Agad akong nagbihis, nag-ayos, tsaka ako bumaba sa kusina.
"Ma, magsa-sandwich nalang po ako." Sabi ko sabay dukot ng sliced bread at pinalamanan ito ng ham. Nilagay ko ito sa bibig ko at mabilis akong lumabas ng bahay.
Binilisan ko ang pagnguya tsaka ko madaliang nilunok ang sandwich. Isinangal ko ang limang piraso ng Tic-Tac para hindi bumaho ang hininga ko.
"ENZO!" Sigaw ko sa kakambal ko. Paalis na sana siya sakay ang motor niya. Agad-agad ko siyang nilapitan. Buti nalang at naabutan ko pa siya.
"Pasa-huh-bay huh naman a-huh-ko, o." Humihingal akong nakiusap sa kanya. Medyo nairita siya. Ayaw na ayaw niyang nakikisabay ako kasi sagabal raw ako.
Mabigat daw ako kaya nahihirapan siyang magmaneho kapag ako daw 'yong nakaangkas. Psh! Parang hindi niya alam na kailangan kong kumain ng madami para sa recovery ko. Tss.
Inilabas ko ang aking secret weapon. Alam ko namang hindi niya matitiis ang napakatamis kong ngiti. "Please, Kuya Enzo." Dagdag ko pa with matching puppy eyes at pout. Combo attack!
"Psh! Sige na nga. O! Helmet mo!" Sabi niya sabay abot ng pink na helmet. Seryoso? Ba't may pink siyang helmet? Hindi naman siya masyadong bading 'no? Adik talaga siya sa rosas.
Hindi naman gano'n kabilis ang takbo ng motor. Hindi na kailangan kasi malapit lang naman ang school.
If that's the case, ba't ako nakisakay?
Simple, kasi tamad ako. O, okay na?
After three minutes, tumambad sa akin ang isang kulay abo na building. Siguro, may apat na palapag ito. Nakalagay sa facade nito ang steel letters na 'Eligere University.' Oh, this is the one.
Ipinarada ni Enzo ang motor niya sa gilid ng pavement. Bumaba naman ako at ginala-gala ang aking tingin sa paligid.
Wow, ang ganda dito.
"Girl, ba't may nakikiangkas sa motor ni Hynden? Is she his girlfriend?" Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ni Enzo. I tried to trace where it came from and figured out that my brother is being talked about by a herd of clown-look-a-likes. Oh, I apologize for the confusion.
Enzo's whole name is Hynden Lorenzo. Only those who are close to him call him 'Enzo.' And those who aren't call him Hynden. Enzo personally wanted it to be that way. It's his own way of segregation.
"Girls, she's looking at us." Sabi ng isa sa kanila. I think she's the leader. By the amount of cosmetics applied on her face, I can tell that she is.
Ang sama ng tingin nila sa 'kin. Parang babalatan na nila ako nang buhay, e.
"Don't mind them, Zana. They're just a bunch of mentally-retarded girls." Sabi ni Enzo habang inaayos niya ang bag niya.
"Okay, Enzo." I simply retorted. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanila. "Wait, Enzo raw kamo?" Tanong ng leader sa mga alapores niya. Gulat na gulat siya. Hindi ba talaga nila masabing kambal kami?
"Girl, close sila. Hindi kaya jowa 'yan ni Enzo? Maganda rin naman kasi siya, e." Sagot ng isa sa mga alapores niya. "Shut up, Sally." Singhal niya rito.
"Let's go, Zana. Ihahatid pa kita sa room mo." He offered his arm to me and so I linked mine into his. Alam niyang kapag bago ang environment ko, all he has to do is to give me comfort. Now, I feel safe.
For the last time, nilingon ko ang mga babae at sobrang sama pa rin ng tingin nila sa 'kin. Especially nung leader. Nakakatakot nga, e. For a second there, I felt goosebumps.
Pumasok kami sa gate at agad kaming binati ng school ground na kay lunti-lunti at ng mga gusaling nakapalibot dito.
"We should check the bulletin board for your section. This way." Tumango naman ako sa sinabi niya. Naglakad kami sa daan na sementado. May canopy ito kaya hindi kami natatamaan ng sikat ng araw.
Napansin ko ang kumpol-kumpol ng mga estudyanteng nagsisiksikan. Siguro ito na 'yong bulletin board.
Huminto sa paglalakad si Enzo. Gano'n na rin ang ginawa ko. "Ehem." Malakas na utas ni Enzo. Napatigil naman ang mga estudyante sa pagsasalita.
Pagkakita nila kay Enzo, nagsitabi sila upang bigyan kami ng daan. Ano ba ang kapatid ko dito? Ba't ba sikat na sikat siya?
Tumungo kami sa bulletin board para masilayan namin ang listahan nang mas malapitan.
"This will take us ages." Sabi niya na parang nalulula sa dami ng mga estudyante sa listahan.
Biglang tumugtog ang background music ng Super Mario. "Ba't ba ganiyan ang ringtone mo?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan niya ang phone niya.
"Hindi ko naman inaano ang ringtone mo kahit buwisit na buwisit ako kay Pikachu, a? Walang pakialamanan ng ringtone." Sumbat niya sa 'kin. Aba! Cute kaya si Pikachu! Hmp!
"Zana, sagutin ko lang 'to. Hanapin mo lang ang pangalan natin diyan. I'll be right back." Paalam niya bago siya nawala sa paningin ko.
Kaya mo 'yan, Zana! Mga tao lang 'yan.
"Sa'n ba ang letter L?" Bulong ko sa sarili ko. Mas mabuti na rin 'to kaysa sa tumahimik lang ako rito.
I used my index finger as a guide para maisa-isa ko ang mga pangalan.
"Ang matimyas na sikat ng araw na nagpapaligaya sa matamlay na kaluluwa." Nagulat ako nang biglang nagsalita ang lalaking katabi ko.
That sentence suddenly made me feel . . . nostalgic.

BINABASA MO ANG
Her Forgotten Memory // VSOO
RandomIsang pusong nagmamahal; isang utak na gustong makaalala. Makikiayon kaya ang tadhana sa kanila? ∆ Her Forgotten Memory Kim Taehyung × Kim Jisoo ••• DATE STARTED: 17/06/04 DATE FINISHED: - STATUS: ON-GOING