[Chapter Six] Unveiling the Mask

84 6 1
                                    

zana • six. unveiling the mask

"I-Ikaw? Ikaw ang nagligtas sa akin kahapon?" Tanong ko habang nakaturo ako sa kanya. Siya talaga 'yon?

Tinignan ko siya nang masinsinan.

Hala! What in the world?!

Kamukhang-kamukha niya si André! As in, they really look identical. Kakambal ba 'to ni André?

Para silang pinagbiyak na buto. Mas matangkad nga lang si André sa kanya.

So . . . ibig sabihin, maaaring siya nga 'yong nagligtas sa akin? Siya 'yong nakita ko kahapon at hindi si André?

"Yes, sorry to keep you waiting yesterday. Nag-expire na kasi ang load ko kahapon kaya hindi ako nakapag-reply kaagad." Pagpapaliwanag niya sabay ngiti. P-pero—

"Ako talaga 'yon. You can call me if you're still in doubt." Since sinabi niya na, i-dinial ko ang number ng nag-text sa akin kahapon.

Nagring naman ang cellphone na hawak-hawak niya. "See?" Siya nga. Siya nga talaga 'yon.

"I-I'm sorry for doubting you. Sorry po talaga." I apologized habang nakayuko. Kinuwestiyon ko pa ang identity ng tumulong sa akin. Shame on you, Zana.

"Okay lang. Shall we go downstairs? I think my brother wants to have the rooftop all to himself." What? B-Brother?

"Magkapatid kayo?" Mas mabilis pa 'ko sa langaw na nakapag-react. Talagang tama 'yong hinala ko kanina. Hindi nga lang sila magkakambal.

"Unfortunately." Singhal ni André. Napailing naman habang ngumingiti si—uhm, who is he?

"By the way, I'm Kieth Alexis Madrid. You can call me Alex. I'm André's younger brother." He said while offering his hands for a shake. I took it and smiled at him.

"I'm—"

"You're Harlequin Lorenzana Lim. Everyone calls you Zana. Yeah, I know." How did he know that?

DON'T TELL ME HE'S MY STALKER?!

"I know all of these kasi sa totoo lang . . . a, ano kasi, e." Nag-aalangang sabi niya. Napakamot siya sa batok niya at iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"I-I like you."

He—WHAAAT?!

•••

It's been a week after that scene in the rooftop. Ewan ko kung jino-joke-time lang ako ni Alex pero simula noon, palagi na siyang nakabuntot sa 'kin.

Na-creepy-han nga 'ko, e. Lalo na noong tinanong ko siya kung ano pa ang alam niya tungkol sa 'kin. At nang sumagot siya, para siyang nag-recite ng isang libro.

Mas marami pa ata siyang alam kaysa sa 'kin. He even knows my LRN, my blood type, and the password to my phone. Now, how creepy is that?

I asked him kung saan niya nalaman ang lahat ng 'yon. Sabi niya, sinusulsulan niya raw si Enzo na bigyan siya ng impormasiyon tungkol sa 'kin. I can't believe na ibinibenta na pala ako ni Enzo habang nakatalikod ako. Walang hiyang kumag na 'yon. Nabugbog ko tuloy siya sa bahay. Tsk!

It was unbelievable na gusto niya 'ko kasi this is my first time to study normally in a school. He also explained that to me.

He saw me during enrolment pa pala. At sabi niya, na-love at first sight raw siya at that time. Hindi na raw ako mawala sa isip niya. Kahit anong pagpigil niya, wala pa rin daw. Kaya hinayaan niya nalang ang nararamdaman niya.

Simula noon, nag-research siya tungkol sa akin. Doon niya nalamang kapatid ko pala si Enzo, na coincidentally, kaibigan niya rin. He decided to ask help from Enzo at ang hinayupak na 'yon, pumayag rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Forgotten Memory // VSOOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon