Chapter 22

2.8K 56 4
                                    



A S H POV

I have never felt this good in my whole life again.

She was once my sunshine that makes my life livelier but she is the same reason who made my life turn to colorless.

But here she is, she made my life turn upside down again.

Hinawakan ko na yung kamay niya at hinila papalabas sa kwarto nila.

Nang makalabas kami ay nakita ko yung tatlong nanonood sa sala bahagya namang napatingin si Malcolm sa kinaroroonan namin at tinanguan ko ito

Naintindihan niya yung nais kong iparating sa kaniya at tinawag niya na rin yung dalawang tutok na tutok sa telebisyon.

Nang makita kong tumayo na sila ay nauna na kaming pumasol ni Aphrodite sa loob naman ng kwarto naming boys.

Malinis naman ang kwarto namin dahil aware kaming may mga babae dito at bala biglang pumasok din ang mga iyon.

Pinaupo siya sa kama ko at inilibot niya ang paningin niya sa paligid namin.

"Akala ko pa naman magulo itong kwarto niyo." Pangangasar nito sa akin

"Well sorry for breaking your expectation, baka kasi may makita pa kayong hindi niyo ninanais." Makahulugang sagot ko.

Nakita kong may hinablot ito at agad na binato sa akin pero naisalo ko ito.

"Really? A ballpen?" Sarkastikong tugon sa kaniya.

"Eh kung normal ka lang na tao baka patay ka na nga niyan eh." Dinig ko ang pagka inis sa boses nito at sa kaniya ko naman binato pabalik ang ballpen

Alam ko namang masasalo niya ito at as expected, binali niya pa ito gamit ang isang kamay.

Kukunin na niya sana yung kutsilyong nasa ilalim ng unan ko nang pumasok na yung tatlong hinihintay namin.

"Oh kakarating lang namin nagpapatayan na kayo." Bungad ni Malcolm sa akin.

"Maawa naman kayo sa mga gamit namin." Rinig kong pahayag ni Neo

"Amen, brothers. Amen." Pagsamba ni Brendan at nag sign of the cross pa ito.

Mga loko loko talaga ito.

"Oh ano bang pag-uusapan natin?" Pagbabalik ni Malcolm sa usapan.

Pinalapit ko sila sa kinalalagyan namin at naupo naman sila na para bang wala lang si Skye dito

Sinulyapan ko si Skye na nakaupo sa kama ko at naka pa ekis ang braso at masamanv tinitignan ang tatlo.

Tignan natin kung paano niya papaayusin itong tatlo.

"Hoy kayong tatlong kulugo baka gusto niyong umayos." Banta niya sa tatlo bahagyang napatigil si Brendan pero yung dalawa hindi pa tumitigil.

Si brendan kasi ang pinaka takot kay Skye.

"Pag ako nakabilang ng tatlo at hindi pa kayo umayos maghanda kayo." Panimula nito tinignan naman siya nung tatlo at nagdadalawang isip kung anong gagawin

Le' Fortressa Academia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon