Chapter 2

1 0 0
                                    

SAV's POV

Gosh. Alam niyo yung gulat? Di lang yun yung nararamdaman ko ngayon habang nakikita ko sila ni Hannah magkatabing nakaupo sa cafeteria at masayang naghaharutan. Tss, I mean nagkwekwentuhan. Mixed feelings, that's what I'm feeling right now. Galit, Gulat, Sakit at may isa pa kong nararamdaman pero di ko alam kung ano.

"Wooii sis! Tulala ka ata dyan" sinundan niya yung tingin ko. Nandito kame ngayon sa cafeteria dahil linch na. "Uuyyy! Someone's jealous" inis akong nilingon siya.

'Jealous? The fuck. Why would I be jealous of them? Tch. Nonesense.'

"If you have nothing good to say, then you better shut your fucking mouth" inis kong sabi sakanya. Tangina kasi ee, kita nang inis na inis na ako dito, nakisabay pa.

"Che! 'To naman ohh, di na mabiro. Ee, you can't blame me sis. Yan yung nakikita ko sayo ngayon ee, SELOS! Hahaha" sabi niya habang tumitingin kina Hannah.

'Tae. Selos? Yun ba yun? Am I too obvious? Shit. What am I saying. Di to selos noh'


"Tanga ka talaga noh? Inis tong nakikita mo sakin ngayon. Walang iba kundi inis at galit lang!" Sigaw ko sakanya. "Umorder ka na lang kaya don, bruha ka" sabi ko. Sa di sinasadyang pagkakataon, nahagip ng mga mata ko ang pagtitig sakin ng nerd na yon.

'Anong tinitingin tingin mo dyan uhh?!'

"Ayy. Ako na lang pala ang oorder sis. Wait here" sabi ko. At dali dali akong tumayo at pumunta sa counter para umorder. Di ko kayang sabayan yung titig ng nerd na yun. Why is he staring by the way? Nakaka ampt.

"Anong order mo miss?" Sabi ni ateng tindera. Habang abala ako sa pagtingin sa mga pagkain. Ramdam kong may tao na sa likuran ko, pero di ko ito pinansin.

"Dalawang burger and dalawang iced tea po" ani ko. Pareho kame ng kinakain ni Faith pag nasa cafeteria kame. Burger and iced tea lang, diet ee.

Pagkakuha ko sa order namin pagtalikod ko nabungo ko yung taong nasa likod ko. Shit, pano ba kasi ang dikit dikit niya sakin. Naman ee, yan tuloy nabuhusan siya ng iced tea. Kasalanan niya naman ee. Bahala siya. Pag angat ko ng tingin, gulat na gulat ako, pero di ko pinahalata.

'Tss. Tanga tanga naman nito'

"Hell! Di ka ba tumitingin ha lampa?! Tanga tanga naman nito ee. Tingnan mo ang ginawa mo sa juice ko at sa damit ko haa?!" sigaw ko. Dahil sa sigaw ko, nakuha namin ang atensyon ng lahat dito sa cafeteria. Nagbubulungan na ang lahat.

"Lagot na siya"

"Kawawa naman siya, nasigawan ni Savanna"

"Ang tanga kasi niya, dikit na dikit kay Savanna"

"Mali siya ng kinalaban"

"S-s-sorry. Di ko naman sinasadya, bibilhan na lang kita ulit" sabi niya habang pinupunas yung damit ko, nanginginig yung kamay niya. Bakit? Kabado ba siya? Tch. Dapat lang.

"Wag mo nga akong hawakan! Hey, nerdy! Do you know how much is this dress huh?! Mahal pa ata to sa buhay mo ee!" Sigaw ko. At bahagyang umatras, tiningnan ko siya sa mata at di ko siya mabasa. Pero halatang nagulat siya sa sinabi ko, di ko kasi siya sinasabihan ng ganyan noon. Well, ibang iba na ako.

"I-i'm so so-sorry. Di ko talaga sinasadya bibilha---" I cut him off by bumping him at binuhusan ko rin siya ng natitirang iced tea.

"Ooppss! Di ko rin sinasadya! Sa susunod wag kang tatanga tanga!" sabi ko. Sabay walk out dun, sinalubong naman ako ni Faith.

"Woah sis. Nakamove on ka na nga talaga. Hahah! Ang harsh mo kay Theo uhh? Kawawa naman" sabi niya. Tch. Tumingin ako sa gawi ni Nerd at nakita kong nilapitan siya ni Hannah. Andito nanaman tong kirot. Urgh!

"Ee, sa nainis ako ee. Naaawa ka? Lapitan mo. Gawin mong kaibigan. Para masaya, che!" Singhal ko. Naiinis talaga ako, bakit ba kasi siya ganun ka lapit sakin nabuhusan tuloy ako.

"Biro lang sis. Hahaha---" natigilan kame ni Faith nang biglang may malakas na bumagsak sa mesa namin. Pagtingin ko, kamay naman pala ni Hannah. Geez.

'Ha! Wonderwoman. Paniguradong ipagtatanggol niya si Nerdy. Tch'

"Wala ka ba talagang awa huh Savanna?!" bungad niya. Letche pala to ee, pumunta lang dito para sumbatan ako.

"Yan lang ba ang ipinunta mo dita huh bitch? Kung ang tinutukoy mo ay yung pagbuhos ko ng iced tea dun sa nerd na yon, nagaaksaya ka lang ng panahon. Dahil wala akong pakealam" sabi ko at tumayo. Aalis na sana ako nang may humila ng braso ko.

"Di ka talaga nagbabago noh?! You're still an immature. Para yun lang ee, nagsorry na yung tao sayo binuhusan mo pa. Mag sorry ka!" Sigaw niya. Pinagtitinginan na kame ng lahat.

'Eto pala gusto niya uhh? Pwes sinimulan niya tatapusin ko. Palaban kaya to.'

"Han, tama na. Hayaan na lang natin. Tara na" sabi ni nerd.

'Ohh, nandito pala to. Para ano? Pagtulungan ako? Walangya.'

"Hindi ee. Ano ba! Bitawan mo nga ako Theo! Hahayaan mo na lang ba na aapihin ka dito huh?" Sabi niya s nerd. At binawi ang braso niyang hawak nito at tumingin sakin. "At ikaw, mag sorry ka na!" Sigaw niya

Tumingin ako kay nerdy. "Hoy. At talagang tumawag ka pa ng kakampi uhh? Alam mo, bagay lang yun sayo dahil tanga ka!" Nakayuko lang siya dahil batid kong nahihiya siya.

"Ang sama sama mo Savanna. Palalampasin ko muna tong pangaapi mo kay Theo ngayon" galit na sabi niya sakin at hinila na palabas si nerdy.

"Ha! Di mo'ko matatakot Hannah! Magsama kayo niyang nerd dahil pareho naman kayong tanga!" Sigaw ko. Bahagya siyang natigilan pero hinila na siya agad ni Nerdy.

Tumingn ako sa paligid at lahat sila nakatingin sakin. "Anong tinitingin tingin niyo diyan ha?!" Sigaw ko at bumalik na sila sa kanilang ginagawa.

"Sis, grabe ka. Harsh na harsh. Pakealamera talaga yang si Hannah ee. Nakakainis, di naman siya yung nabuhusan" tumingin ako kay Faith.

'Ohh. Akalain mong andito pa pala to? Di kasi nagsasalita ee'


"Bakit ngayon ka lang nagsalita? Sana sinabi mo yan kanina sakanaya" ani ko. Habang tinatapos ang burger ko.

"Ee, hahaha! Kilala mo naman.ako, di ako mahilig sa mga cat fight na yan. Hehehe" sabi niya.

'Tss! Kahit kailan walang kwenta.'

RIIIINNNGGG

Tumayo na kame at nagsimulang humakbang. Hindi parin natatapos yung bulung bulungan. What the hell? Di ba sila maka move on?

-------

Nagsimula na kameng magklase. Napaka boring naman nitong ARPAN. Tss, pamajor. Dapat introduce yourself muna ee, firstday pa lang naman. Naka sandal ako sa upuan ko nang tumingin ako sa bintana. Naknampucha naman, dudukutin ko na talaga yang mata ni Hannah! She's glaring at me more than an hour already, nakakairita na uhh.

"Okay. Tomorrow, be ready because we will be having our quiz. Class dismiss" sabi ni sir. Shit. Gago ba siya? Quiz agad? Haaay. Badtrip na nga ako ee, nadagdagan pa ng isa tssk. Pumasok yung adviser namin.


"Okay class, we will be having a sitting arrangement. Let's start now. Mr. Sanchez beside Ms. Tuazon (and so on...) Mr. Madrigal beside Ms. Fuentabella on the last row" huh? Nagbibiro ba siya? Fuck. I can't sit beside him. I have to protest! "That's it. No objection, goodbye class" nakakainis! Urghh.

Dali dali kong inayos ang gamit ko at mabilis na nilisan ang lugar na yon. Di na ako nakapagpaalam kay Faith at di ko nilingon yung SHITmate ko. Dahil badtrip ako, isa lang ang makakapagalis nito. I found myself grinning.

In love with a Nerdy boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon