Theo's POV
Nakatulala lang ako habang naglalakad kame ni Hanna papuntang room namin. Di pa rin ako makapaniwala na nag bago na ang itsura ng baby ko. Hindi ko siya nakilala. Grabe.
"Wow. Parang di mo ako kasama uhh?" Biglang sabi ni Hanna
"Ayy. Huh? May sinasabi ka Han?"
"Sus maryosep Theo! Kanina pa ako nagsasalita rito ohh"
I sighed. "Sorry talaga Han. May iniisip lang."
"Si Savanna ba? Bakit? K-kilala mo ba siya?"
I sighed again. Pwede ko namang sabihin sakanya diba? We've been best friends ever since. "Naalala mo pa ba yung ex ko? Yung baby ko? Siya yun Han"
"H-huh? T-t-talaga? Edi m-mag kakabalikan ba kayo?"
'Ohh. Bakit nauutal to?'
Inakbayan ko siya. "Sana nga. Pero hindi ganun ka dali yon Han. Ang hirap suyuin niyan ni Vanna ee" napatawa ako.
"Oo nga" she said in a low voice.
"Kaklase ba natin siya? Ha? Ha?"
"Tsk. Oo! Masayang masaya ka uhh? Che! Diyan ka na nga!" Sigaw niya. Tapos iniwan ako.
'Tch. Iwan ba naman ako? Teka, bakit ba parang galit yun?'
"Hoy Hanna! Hintayin mo'ko, di ko alam saan yung room natin. Ano ba yan!" Sigaw ko habang sinusundan siya.
"Mag-isa mong hanapin, hayop ka!"
"Teka nga, ba't ba nagagalit ka---" naputol yung sasabihin ko dahil hinarangan ako ng isang matandang babae.
"Good morning. I am Ms. Florencia Cruz and I'm the school principal. You must be Mr. Theo Madrigal right?" Sabi niya pa.
"Uhmm. Opo, ako nga po. Bakit po?"
"Follow me, at dadalhin kita sa room mo" nagsimula na siyang.maglakad.
Habang naglalakad, lumilinga linga ako sa paligid. Ang laki laki pala nitong paaralang to kumpara sa paaralan ko dati. Aba kahit nakaraos kami mas pinili ko parin yung simpleng school lang noh. May nakita akong panyo at pinulot ko, akmang titignan ko na yung nakaburdang pangalan nang tumigil si Ms. Cruz sa paglalakad.
"We're here" kumatok muna siya at tinawag yung teacher. Sumilip naman ako sa bintana at nakita ko si Hanna. Kakaway na sana ako ng nahagaip ng panigin ko ang babaeng busy sa pasusulat.
'Tch. Di nakikinig sa guro ang isang to. Mukhang nag dudoodle na naman. Siraulo talaga'
"Mr. Madrigal, pasok tayo at please intruduce yourself" sabi ng teacher. Pumasok naman ako at nagsimula nang magsalita.
"Uhmm. Hi classmates, I'm Theo Ford Madrigal. I hope we can all be friends" pag introduce ko at saktong pag tingin ko kay Vanna nakatingin siya at halos lumuwa na ang mata. Ako na ang unang umiwas dahil parang hinihigop ako ng mga mata niya at umupo na ako sa tabi ni Hanna.
Hindi ko maigalaw ang aking leeg dahil nasa likuran lang siya. I can feel someone is looking at me, more on like glaring at me.
'Brr. Nakakakilabot talaga tong si baby ko ohh'
"Hoy. Bakit parang naestatwa ka dyan? Kanina ka pa wala sa sarili mo, nanggigigil na talaga ako sayo Theo ha!" Galit na sabi ni Hanna
"Ayy. Sorry na. Hindi ako makagalaw ee, andyan siya sa likuran. Naiilang ako"

BINABASA MO ANG
In love with a Nerdy boy
RomanceKung may babaeng nerd na may gwapong prince charming, syempre may lalakeng nerd rin na may perfect girlfriend. Let's meet them. I'm Savanna Lei Fuentabella! 16 years of age, mayaman, maganda, sexy, talented at matalino. For short PERFECT, yan ang sa...