Chapter 1: Good news and Bad news

73 5 0
                                    

** 💕
Napakagat nalang sa labi si Via nang mabasa niya ang text message ng best friend niya na si Ella. Nang hindi na nakayanan ang nararamdaman ay tumili na siya ng ubod-lakas. Napatayo pa siya mula sa kanyang kinauupuan at iwinagayway sa ere ang hawak na cellphone. Pagkatapos ay hindi niya napigilan na basahin uli ang text message.


(Through Text)

Girl, it's confirmed. Single na ulit si Charles. His ex ditched him for an actor. And I'm pretty sure, wala nang mangyayaring balikan.

Tumili ulit siya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilang mapasayaw. "At last! At last!" Sa ganoong eksena siya naabutan ng Mommy Vicky niya. Nanlaki ang mga mata nito at halos mabitiwan ang hawak na tray nang sugurin niya ito at yakapin. "Mommy!" aniya, sabay tili.

(Mommy Vicky)
"Ano'ng nangyayari sa iyo, anak?"

Ibinaba nito sa mesa sa ilalim ng pool umbrella ang tray na may laman na isang basong juice at sandwich.

(Mommy Vicky)
"Kanina lang ay tahimik kang nakahiga sa pool bench at tila wala sa sa mood. Kaya nga ipinaghanda kita ng merienda. Tapos ngayon, halos magsasayaw ka sa galak habang naka bikini."

(Via)
"Mommy, I'm so happy!"

Niyakap uli niya ito at muling inilayo. Nananatiling nakahawak siya sa magkabilang balikat nito. She was grinning from ear to ear.

(Via)
"Mom, break na sina Charles at Sophie! Pwede nang maging kami ni Charles!"

(Mommy Vicky)
"Really?"

Maski ito ay halatang natuwa rin sa nalaman.

Batid ng mommy niya na si Charles ang first love niya. Dating schoolmate niya si Charles sa high school at college. Nasa first year ng high school pa lang siya ay crush na niya ito. Charles was a senior then. Nang gum-raduate ito ay nalungkot siya. Pero dagli ring nawala iyon nang sa unibersidad na pinapasukan ng Kuya Marco niya nag enroll ito. Kaya naman nang magkolehiyo siya ay doon din siya nag-aral.

Charles was an Engineering student and a guitarist, vocalist of his band. Natalo pa nga ng banda nito ang banda ng kuya niya sa kompetisyong sinalihan ng mga ito. Iyon ang dahilan kung bakit bad trip dito ang kuya niya.

Tutol din ang kuya niya sa pagsunud-sunod niya kay Charles. May nobya ito, Sophie, isang beauty titlist. Ilang libong beses na yata niyang hiniling na sana ay magkahiwalay ang mga ito para makapasok na siya sa eksena. Nasa kolehiyo pa lamang kasi sila ni Charles ay kasintahan na nito si Sophie.

She had been stalking Charles even after graduated from college. Kasama niya ang best friend niya na si Ella. Kahit nang sumikat sa music industry ang banda ni Charles at hanggang sa ma-disband iyon ay hindi pa rin nawala ang damdamin niya para dito. Ngayon ay may-ari na ito ng isang bar sa Makati na parati niyang pinupuntahan upang makita lang ito.

For her, it was true love, that they were really meant to be. Hindi pa rin ito nawawala sa puso niya. Ito rin ang dahilan kung bakit sa edad na bente-tres ay hindi pa rin siya nagbo-boyfriend. Wala siyang sinagot isa man sa mga manliligaw niya.

PAANO NGA BA HUMALIK?Where stories live. Discover now