Chapter 2: I hate you ever since

33 5 0
                                    

** 💋
BABS, anang isip ni Via. Si Mike lamang ang tumatawag sa kanya ng ganoon. She hated that childhood nickname. She hated that ugly monster Mike!

(Via)
"Ang bastos na iyon, hinawakan ang likod ko."

Kaya pala kakaiba ang paghaplos na naramdaman niya. Hindi na nga pala niya masyadong binigyang-pansin iyon dahil inaantok siya at masakit ang kanyang ulo.

(Via's Pov💭)
"Oh, no. He even touched my butt!

She wanted to scream and cry. Wala pang lalaki na nakahawak sa katawan niya.

Padabog na umakyat siya sa fitness room ng Kuya Marco niya. Malamang ay naroon si Mike dahil wala namang magiging sadya ito sa kanilang bahay kundi ang kanyang kuya. Buhay pa pala ang hudas at bastos na iyon. Ang akala niya ay hindi na niya ito makikita kahit kailan na siya naman talagang pinakahiling-hiling niya.

Hindi pa rin niya nakakalimutan ang napakaraming atraso nito sa kanya at ang mga walang awang pambubuska nito sa kanya noon. She hated him to the core. And she would scratch his face off if she saw him again.

Malayu-layo pa siya sa pinto ay naririnig na niya ang halakhak ni Mike. Ngunit naka-lock ang pinto kaya pinagbabayo niya iyon.

(Via)
"Open this door, or elseeeeeee!!! nanggagalaiting sabi niya."

Halos gibain na niya ang pinto sa lakas ng pagpukpok niya roon.

(Via)
"I said open this door! You! I'm going to kill you!"

Natigil siya nang bumukas ang pinto. Ang kuya niya ang bumungad sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay nito.

(Marco)
"Since when did you learn to curse like that?"

(Via)
"Since I met that bloody bastard who happens to be your friend."

Tumingkayad siya at sinilip sa loob ng silid ang hinahanap.

(Via)
"Papasukin mo ako, Kuya. I'm gonna kill that ugly monkey----"

(Marco)
"Enough of cursing, Via. Malalagot ka kapag narinig ka ni Daddy."

(Via)
"Daddy's at the country club."

(Marco)
"Si Mommy?"

(Via)
"Nasa kitchen, nagluluto," napipikon na sabi niya.

"Ngayon, since sinagot ko ang lahat ng tanong mo, baka pwede mo na akong papasukin?"

(Marco)
"Ano na naman ba ang nangyari sa inyo ni Mike? Ngayon nalang ulit kayo nagkita, nag-away kaagad kayo?" usisa nito, binale-wala ang pag-usok ng mga butas ng ilong niya.

Napapikit siya sa inis. Lumapit pa siya nang husto at pinilit na hawiin ito. Napapailing na nagpahawi naman ito. Sa wakas ay nakita niya ang nakangising si Mike. Hubad-baro ito habang nakaupo sa lat machine at abala sa paghatak paibaba ng isang bahagi niyon.

Napatingin siya sa katawan nito. Sa six-pack abs nito. He was trimly muscled all over. Ano naman ngayon kung wala siyang laban dito? Isang suntok lang yata nito ay tulog na siya. Wala siyang pakialam. Basta gagawin niya ang lahat, masaktan lang niya ito.

PAANO NGA BA HUMALIK?Where stories live. Discover now