Her Life

15 0 0
                                    

Napakamalas nga naman. Sa mga araw pa na pedeng tanghali ang gising ngayon pa! sigurado di na naman nila ako papakainin ng buong araw.

"Alipin you're dead kay mommy at ngayon ka pa lang gigising ano tingin mo prinsesa ka sa pamamahay nato for your information alipin ka dito! Kaya umayos ka ha!" Mitch habang dinuduro ako sa ulo ko. Napayuko na lang ako.

"Mitch sorry na kasi ako sa trabaho kahapon kaya tinanghali na ako ng gising. Sorry" nakayuko kong banggit.

Kasi naman bakit ngayon pa ako napasarap ng tulog. Wala pagod eh. Birthday kasi ngayon ni tita Michelle mommy ni mitch, parang witch lang din bagay sila mag inang witchy!

"Wala ka talagang silbi. Palamunin ka na nga pabigat kapa. Di ko alam kung bakit ka pa pinapatira ni mommy sa bahay. Hala! Bumangon ka na dyan at gawin ang dapat gawin!" Mitch na palabas na sa attic.

Mayaman sila Tita Michelle pero bakit nga ba si mitch ang gumising sakin eh pede namang iba nilang katulong. Simple lang para ipamukha sakin na Alipin lang ako at sila ang amo mo na dapat igalang. Hays napaka babaw na dahilan. Mitch..mitch bakit ang sama nyo sakin ng mommy mo eh wala naman akong natatandaan na ginawang mali nila sa inyo.

Buti wala na yang witch na yun. Ano pa bang aasahan ko kay tita di nila ako tunay na kamag anak kaya ganito ang trato nila sa akin alipin.

Life is really unfair but make it fair for you to be happy.

Motto ng bestfriend ko. Naiiling na lang ako ng maalala si Riyel. Tiffany Riyel Magnus ang nag-iisang kaibigan ko sya lang ang tumanggap sakin bilang ako. Mayaman nga mga tita ko pero alipin o kasambahay ang trato nila sakin. Nang makilala ko si Riyel nung First Year college ako, mayaman din si Riyel pero di sya matapobre na kagaya ni Mitch kaya sobra akong natuwa kasi bukod sa kanya eh may tumanggap ulit kay Mira.

Miracle Sapphire Stark
Ang aking pangalan o Mira, 19 years old na ako at HRS ang course ko sa kolehiyo na pinapasukan ko. Simula nung High school ako eh ako na ang nagpapa-aral sa sarili ko kasi di na ako hinayaan ni tita michelle na mag aral ng High School at dahil ipinangako ko sa magulang ko na magtatapos ako ng pag-aaral nagtrabaho na ako para lang makapag-aral.
sampung taon pa lang ako ng mawala sila. Kapatid ni mommy si Tita Michelle pero kay tita ko nalaman na ampon lang pala si mommy. Sobrang inggit ni tita kay mommy kasi natutuwa si grams kay mommy dahil napakabait at mapagmahal, lumaking salat sa pagmamahal si Tita kahit na sya ang tunay na anak. Kaya naman nung mawala sila mommy kinupkop ako ni grams labing dalawang taon ako nun ng sila grams naman ang nawala. Sobrang lungkot ko kasi pati sila grams iniwan ako napakabait ni grams. Nasa will ni grams na dapat alagaan ako ni Tita Michelle bago makuha ang kanyang pamana. Ang kay mommy? Ninakaw nila Tita Michelle. Di ko alam kung paano pero nung maglalabingwalong taon gulang na ako, tamang edad para makuha ang pamana para kay mommy eh nasa kamay na nila Tita Michelle. Wala akong magawa kasi baka palayasin nila ako wala na akong matitirhan.

Magulang... mommy at daddy kung nasan man po kayo lagi nyo po akong bantayan. Miss na miss ko na po kayo. Bakit po ganito ang buhay ko? Mas gusto ko pong nandito kayo kasama ko para lahat ng problema malampasan ko kasi alam ko pong lagi kayong nasa tabi ako. Naiiyak na ako. Sana po masaya na po kayo kasi ako malaman ko lang po na masaya kayo dyan masaya na rin po ako. I Love You Ma..Pa

***

Hays enough for drama.
Naligo na ako at nagbihis. Napatingin ako sa suot ko lumang t-shirt at kupas pantalon sirang sapatos na itim. Lahat ng maganda kong damit at mga gamit kinuha nila Tita para ibenta kaso di nila ako binigyan ng pera.

Ano ba tong buhay ko pang teleserye na. Lumabas na ako sa attic para magtrabaho at para may pangkain.

Nasa baba na ako ng makita ako ni Tita Michelle! Sheeet! Paktay ako nito!

The LegendWhere stories live. Discover now