Mira's POV
"Mira si Elle ito"
Narinig kong may nakatok. Elle? Yeah i Remember. Bumangon na ako para pagbuksan si Elle ng pinto nilock ko kasi yung pintuan. Hindi dahil wala akong tiwala sa kanila gusto ko lang na magpaalam muna sila bago pasukin ang kwartong tinutuluyan ko.
Pagkabukas ko ng pinto bumungad sakin si Elle na naka blue ulit na dress, di sya katulad ng kahapon. Maganda yung dress above the knee at sleeveless. Bagay sa kanya kahit anong suotin nya. Ngayon ko lang napansin sa maikli pala buhok ni Elle hanggang balikat at may highligts na Blue.
"Good thing that you're awake. Fix your self we'll go to Academy para maregistered kana. You need to train your magic and determine what's your power" bungad saakin ni Elle Academy? So kailangan ko pumasok para malaman kung anong power ko?
"Okay wait mo ako. Pasok ka "
Umoo na lang ako. Hindi ko naman kasi alam ang dapat gawin kaya si Elle muna ang bahala saakin. Pinapasok ko si Elle at umupo naman sya sa Sofa? Ngayon ko lang napansin pagkalabas ko ng kwarto living room ang bubungad sakin. Sa right side ko ang door kung saan doon pumasok si Elle. At sa left side naman ay mini kitchen .
Tinanong ko si Elle kung nasaan ang Cr. Tinuro nya naman sa may bandang right side ng kitchen.
I forgot wala pala akong damit.
"Elle wala pala akong damit na dala" nahihiya kong sabi sa kanya."Sa cabinet may inihanda na akong mga damit mo nung tulog kapa kahapon"
"Salamat Elle" tumango lang sakin si Elle na prenteng nakaupo sa sofa.
Pumasok muna ako sa kwarto para kumuha ng damit para sa loob na ng C.r magbibihis.
Tinungo ko ang cabinet at nagulat ako puro dress na above the knee, napangiwi ako kasi di na ako nagsusuot ng mga dress. Humanap ako ng ng T-shirt at pantalon. Wala akong makita! Kaya naman isang plain white dress na may manggas na 1/4.Naligo na ako. After ko maligo nagbihis na ako. Tamang tama ang sukat nito sa katawan ko.
Tumingin ako sa salamin na nasa loob ng c.r, nakita ko ang buhok ko na hanggang tuhod ko na napapansin na rin ang ilang hibla na kulay white na may pagkagray. Nung isang araw ko to kinulayan ng brown pero ewan ko sa tuwing kinukulayan ko ang buhok nabalik lang sya sa dati pati pag ginugupitan ko sya ganoon lang din ang nagyayari.Tinali ko na lang sya ng pa bun kasi di ako sanay na nakalugay ang buhok. Bukod kay kila Tita Michelle at Mitch wala pang nakakakita ng buhok ko na nakalugay. Parang naiilang ako pag may tumitingin ako sa buhok ko.
Nagpolbo lang ako at nagpabango. Lumabas na ako at pinuntahan si Elle."Elle i'm ready" tumingin sakin si Elle at kita ko panlalaki ng mata nya. Tulala sya kaya iwinasiwas ko ang kamay ko sa harap nya at tinawag ko ang panagalan nya.
"Elle!" Mukha syang natauhan. Kaya naman napaiwas sya ng tingin sakin.
"A..no ta..pos kana pala. Tara na sumunod ka saakin" Nagmartsa na sya paalis ng kwarto at sumunod na ako sa kanya. Ang weird ni Elle ha?
Sa paglabas namin sa kwarto ay namangha ako. Puro asul at white ang nakikita ko at sobrang kinis ng sahig kita ki na ang repleksyon ko. Isa nga itong palasyo. Napakaganda akala ko sa tv ko lang to nakikita, perstym again!
Lahat ng madadaanan namin ay napapayuko sa tuwing nakikita si Elle. Normal naman ang suot nila parang pang maid pero hindi halata na maid ang cute at ang gaganda nila mukhang walang panget dito ako lang ata.
Tumigil si Elle kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakatigil sya sa harap ng isang malaking bubble? Waaah ang ganda! Napatakbo ako sa tabi ni Elle at hinawakan ko ito gamit ang mga daliri ang galing! Di sya pumuputok!
YOU ARE READING
The Legend
RandomShe's just a normal person. Living in the normal world. With a mysterious past she even't know. But because of being careless she came into a magical place. Would she she know her past? Would she know what she is? Come and join her magical adventure.