Mira's POVMmmh. Ang sarap ng pakiramdam para akong nasa ulap ang lambot at ang bango! Heheheh
"Gisingin mo na sya"
"Why me? Ikaw na lang"
May narinig akong mga boses. Pamilyar yung huling nagsalita kaboses nya si ateng nakakapa.
Wait. Si ateng nakakapa?! Abo? Espada? Mumu!!
Hala! At dahil naalala ko ang mga pangyayari bago ako mawalan ng malay eh napabangon ako ng wala sa oras.Dlawang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin yung isa asul si ateng nakakapa at yung isa naman berde ang kanyang mga mata. Tiningnan ako nung may berdeng mga mata at sinusuri? Tiningnan ko din sila, yung may berdeng mata naksuot sya ng pang nurse at mahaba ang kanyang buhok nasa mga 20+ siguro sya.
Iba na rin ang suot ni ateng nakakapa ngunit asul pa rin ito isang bistida na bagay sa kanya ang puti nya.Nasa isang kwarto ako. Tama lang ang laki. Halong asul at puti ang tema. May lamesa sa gilid ng kama, isang aparador. Mas maganda to kesa sa attic na tinutuluyan ko sa mansion ni Tita Michelle . Teka yung mga pinamili ko. Lagot na talaga ako nito kay tita. Napatingin ako sa nagsalita, si miss nurse.
"ehem. Miss anong pangalan mo?" Si nurse .
Sasabihin ko ba sa kanya? Pero di ko sila kilala at si ateng nakakapa. Tumingin ako sa kanya sya siguro ang nagpatulog sakin pero paano?
"How rude na di mo pa kami kilala. By the way I'm Alyana Roberts the school nurse" sabay ngiti nya. Alyana? At nurse, school nurse?
Ang ganda ni ate Yana wait. Pwede ko ba syang tawaging Ate Yana?
"Yes you may" huh?
Napatingin na naman ako kay ateng nakakapa i mean naka dress na pala. Bigla syang siniko ni Ate nurse nakakahiya kung tawagin ko syang Ate Yana feeling close naman ako sa kanya. Tumingin sakin si ateng nakadress.
"Roxell Xandra Ricafort. Elle na lang" ang tipid nun ah. Pero Elle? Her name . Napangiti ako. Pero biglang nabura ang ngiti ko at ang aking kalamadong sisitema ay biglang nagwala ng maalala ko ulit kung anong nangyari.
Tumingin ako sa kanila na may halong pangamba ang aking mga mata.
"Nasaan ako at bakit ako nandito! Saka sino kayo?" Alam ko na pala mga pangalan nila "i mean sino ba talaga kayo? Ikaw ateng nakakapa anong ginawa mo dun kila kuyang mumu at naging abo sila? Ano kaba?!" Kinakabahan na tuloy ako baka gawin din nya akong abo!"Elle ang pangalan ko! At dapat lang yun sa kanila mga lapastangan!" May halong inis ang boses nya. sabagay ikaw ba naman ipulupot sa isang latigo maiinis ka rin.
"Elle lumabas kana naman sa boundary? Eh pano kung malaman yan ng nakakataas at abo? May nakalaban kang Drask?"
Si Nurse alyana ang haba kasi ng ateng nurse? Eh parang same lang yun ah? .wait nga ano daw? Boundary? Drask?"Eh Alyana nakakainis kasi sila mama at papa ayaw nila akong pasamahin kasi baka daw mapahamak ako! Eh malaki na ako at malakas pa! Kaya ayun nagpahangin lang naman ako" si Elle na nagmamaktol na parang bata. Ang cute nya.
"Nagpahangin eh mu--"
Di na natuloy ni Nurse Alyana kasi sumabat na ako naguguluhan kasi ako."Wait lang ha? Bago kayo magatalo sagutin nyo muna ang mga tanong ko . Kasi naguguluhan na ako"
Ang hirap ng wala kang alam sa mga nangyayari lalo na sa buhay mo pa. Si Elle ang nagsalita pero bago sya magsalita e bumuntong hininga muna sya.
"Nasa Water Kingdom ka. Dito kita dinala ng mapatulog na kita. Dahil isa ka saamin" daretso ang tingin nya saakin.
YOU ARE READING
The Legend
RandomShe's just a normal person. Living in the normal world. With a mysterious past she even't know. But because of being careless she came into a magical place. Would she she know her past? Would she know what she is? Come and join her magical adventure.