Intro

4 0 0
                                    

"Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sino man ang namamatay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa......"

Nasa jeep na ko pero umaalingawngaw pa din sa isipan ko yang kantang yan ni father kanina. Gusto ko pa sanang mag ikot dito sa plaza kaso kailangan ko nang umuwi ng boarding house at maglalaba pa ko. Tsaka baka maligaw ako at hindi ko kabisado itong probinsya ni nanay.
Tatlong buwan na din ang nakakalipas mula ng masunugan kami sa maynila, dahil sa hirap ng buhay sa maynila at hirap muling makabangon dahil ultimo bacon brief ko ay di pinatawad ng sunog. Nagpasya na lang akong umalis ng maynila, pumunta sa dito probinsya nila nanay at dito ulit magsimula ng bagong buhay.
Nakahanap naman ako agad ng trabaho dito, bilang isang maintenance sa isang commercial establishment. Maayos naman ang sahod, minimum wage naman pero provincial rate. Di naman ako nahihirapan makipag usap dahil tagalog pa din naman ang salita ng mga taga dito, malalalim nga lang yung mga ginagamit nila salita. At ok na din to, malayo sa maynila. Malayo sa heartache, madaling makakamove on. Haha ang drama. 😂😂
Pero isang pangyayari ang sumubok sa tibay ko, pangyayari na hindi ko inaasahan, pangyayari na nag ayos sa magulo at walang direksyon na buhay ko pero gumulo sa tahimik at low profile na nakasanayan kong pamumuhay.
Hayaan niyo na ikwento ko sa inyo ang buhay na puro bullshit, drama, at kalokohan. At ako nga pala si Darwin ;)

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon