Chapter One

17 0 1
                                    

"Tol, puta dalian mo naman wag ka nang magsalsal jan malelate na ko!!", reklamo ng boardmate ko habang kinakatok yung pinto ng cr. Dahil sa boarding house lang naman ako natuloy at bedspacer pa ko, common cr talaga kami. "Tanginamo wag kang maingay dyan baka mahiya yung tae ko, pag ito umurong isusubsob kita sa inidoro!!", sigaw ko naman sa kanya pagkatapos kong ibuga yung usok ng yosi. Nakaugalian ko na kasing magyosi habang nagbabawas, para di ako massuffocate sa amoy ng sarili kong etat. "Basta dalian mo dyan walangya ka", maya maya ay rinig ko na yung padabog na hakbang ni kumag palayo ng pinto. Bobo din kasi siya, kung maaga siya gumising edi sana naunahan niya kong gumamit ng cr. Sorry na lang siya, sa umaga talaga ako nagdideposit ehh. Hahaha 😂
Siya nga pala si Bryan, merchandiser sa isang grocery store dito sa bayan. Medyo malayo yung pinapasukan niyang tindahan dito sa boarding house, kaya naiimagine ko na yung mukha niya na nagdadasal na sana matapos na ko kaagad. Pero dahil natural na gago ako, mas tatagalan ko pa lalo. Yung nakagawian kong kinse minutos na ligo at deposito, dusoblehin ko pa.
Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!
Sunod sunod na katok na naman yung ng istorbo sa pinto, "ANO NA WENG? BUHAY KA PA BA DYAN? O TATAWAG NA KO NG SOCO PARA MALAMAN NA CAUSE OF DEATH MO?!!!!", yung sigaw ni bry parang naiiyak na. "Hahaha, eto na bulbol ka dadalian ko na naawa ako sayo. Pagkalipas ng mala instant noodles na ligo ko (just add hot water, de joke lang!!) Lumabas na ko ng naka boxer brief naman, "ayan na maligo ka na, istorbo amputa!!" Pero puta wala na si bry sa kwarto. Wala na din yung mga gamit niya. Mukhang naghilamos at toothbrush lang ata yun, hahahaha!!
Tibay ng panga ni kumag pumasok ng alaws goli.
Habang nagbibihis ako, napansin ko na anong oraa na pala. Mukhang late din ako ahh, pero ayos lang walking distance lang naman yung pinagtatrabahuhan ko mula dito sa bhaus (pinaiksing boarding house) ehh. Pagkatapos kong isuot yung kaliwang pares ng sapatos ko, saka ko nakita na de putang yawa! Walang sintas yung sa kanan. Tangina naisahan ako ni bry puta!! Hanap ako sa may ilalim ng kama, likod ng orocan, sa may multi box, sapatusan, buong kwarto hinalughog ko na pero wala talaga. Ang ending? Ayun binaklas ko yung sintas ng Nike na sapatos niya at yun ang ginamit ko sa dalawang safety shoes ko. Kaya ayun, nalate din ako. Tangina bilis ng karma.

"Goodmorning Mr. Darwin Gonzales!", bati sakin ng Manager namin. Natsambahan ako na mag papunch pa lang ng timecard ehh. Malas!
"Goodmorning mam! Ang ganda ganda niyo naman ngayon mam, blooming na blooming!! Naku mam kung magkasing edad lang tayo at dalaga pa kayo, liligawan ko talaga kayo agad mam. Siya nga pala mam, dumaan ako dun sa canteem kanina. May BakedMac sila ahh, nag breakfast na ba kayo mam? Bili muna ko libre ko na kayo mam ano? Gusto niyo samahan ko na din ng kape?" Di ko napigilan sarili ko, bobolahin ko lang sana para di ako mapagalitan pero puta naalok ko pa ng umagahan, at nasabi ko pang libre ko pa!! Langyaa mam wag kang umOO!!
"Ayy, grabe ka naman darwin", medyo nagpacute pa siya pagkasabi niya niyan. "Osige nagugutom na nga ako ehh, di kasi ako inasikaso ni mister kanina. Hintayin kita sa office ahh", sabay kindat at may pahabol pang tapik sa pwet ko. "Osige po mam, bili po muna ko", sabay ngiti na lang ako sa kanya. Pero pagtalikod niya, napasampal na lang ako sa mukha ko. Teteng kursunada pa ata ako ni mam. Yuck!!

"BAKEDMAC NGA DALAWA TSAKA ISANG KAPE, MAY MOTHBALLS BA KAYO JAN? PAKILAGAY SA KAPE. TAPOS KONTING BILIS!!", pasigaw na sabi ko dun sa bantay sa karinderya na si Carlo, tropa tropa ko din naman yun kaya ok lang sa kanya na ginaganun ko siya. Kumbaga nasanay na lang siya. " Mothballs talaga weng? Bakit sino lalasunin mo?" Bopols lang, sineryoso ni unano yung sinabi ko. Naghahanap dun sa likuran ng ref nila ehh. "Tanga joke lang yun!! Isa lang ibalot mong bakedmac, yung isa kainin ko na dito chong!!", umupo na ko at kumuha ng tinidor. Si unano naman, inuna pa yung take out at kape. Bopols talaga!!
" Hi baby boy!!", sabay tapik sa balikat ko. Boses pa lang kilala ko na. Pabebe na pilit, "Chong ibalot mo na parehas yan, malelate na ko ehh". Malas naman talaga ng araw na to. " Ohh, bakit parang nagmamadali ka baby boy?", si unano nagpipigil na ng tawa. Sarap sapakin. "Ahh, ehh kasi baka mapagalitan ako ni mam. Anong oras na ohh!!" Sabay tingin ako sa relo ko. "Osige baby boy, wait kita mamayang lunch ahh" at pinisil pisil yung braso ko. "Alam mo Bernie, babayaran naman kita ehh", sabay inalis ko yung kamay niya sa braso ko. " Hindi porket may utang ako sayo ehh pwede mo na kong harasin!!", sabay kuha ng binili ko. Sisibat na sana ako pero nakalimutan ko yunh kape. Kaya no choice babalikan ko pa. "Ok, bigyan kita ng one month baby boy. Pag di mo nabayaran yung 5k, one night stand tayo", sabay kindat sakin at umalis na. Pag tingin ko kay Carlo, yung unano nakaupo na sa sahig kakatawa. Nakahawak sa pa tiyan. Gusto ko sanang itapon sa kanya yung kape kaso wala nang magdadagdag ng kanin sakin pag kumain ako dito. Ayun, puta talo ako.

(Updating pa to mga chong!! Kalma lang kayo. Busy pa sa pamamakla si darwin este busy pa sa trabaho si mes kaya chill lang!!)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon