Chapter 10 (First Piece of the Puzzle)

1.5K 96 4
                                    

Hi. Back to school na naman bukas yung iba. I mean mamaya pala since madaling araw na. HAHAHA.

Buti nalang sa July pa pasukan namin. Hihi. Good luck sa mga may pasok na mamaya! Gising ng maaga para hindi malate sa first day! Yung mga team puyat diyan.

Ang daldal ko na. Hahaha. Anyway, enjoy the chapter 10 guys!
---

Adreana Kali's POV

I am here at our classroom, fvcking trying hard to focus on what Sir Xavier is discussing. But the hell!

Sinong makakapagfocus kung ganito kagwapo yung teacher sa harapan. Kahapon, super babae siya kung kumilos pero damn.

Mukhang nagbago ang ihip ng hangin at kilos lalaki na siya ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang titigan siya.

Inilapit ko ang upuan ko kay Selene para sana magtanong habang nakatingin parin sa harapan. Duh. Mahirap na, baka mahuli pa niya akong di nakikinig.

"What's wrong with him?"

Sinulyapan niya naman ako saglit sabay tingin ulit sa harapan.

"Masanay kana. Bipolar ang isang yan."

Nagulat naman ako sa sagot niya. Bakit parang barkdada niya lang si Sir Xavier base sa pananalita niya. Haha.

Inilayo ko na ulit ang upuan ko at sinubukang makinig. Hayy. I have this feeling na this will be a long tiring day.

---

I guess I was wrong. Mabilis lang natapos ang oras and it's already lunch time.

Pero Selene and I decided not to eat on the cafeteria. Simply because we don't want to eat there. Para narin makaiwas kami sa gulo. And I have this feeling na may mangyayari na namang masama if doon kami kakain. To think na nandon ang Council.

May dalang pagkain si Selene and hindi ko alam kung saan lupalop niya nakuha yon. Knowing na wala namang kusina ang mga dorm rooms.

"Tell me, Selene. Saan mo ba talaga nakuha yang pagkain dala mo?"

Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa soccer field. Sabi niya kasi wala man daw estudyante don kapag lunch time so ibig sabihin tahimik.

Ang daming students sa hallway since lunch na. Pero same as kahapon, tahimik lang silang naglalakad.

"Magic."

"Damn. What a brilliant answer." Pabulong na sabi ko.

Huminto naman siya sa paglalalad at tinignan ako ng masama.

"What?" Painosenteng tanong ko. Don't tell me narinig niya ko?

"How old are you?" Naguluhan naman ako sa tanong niya. Anong meron sa age ko?

"17. Why?" Kumunot naman yung kilay niya sa sagot ko.

"Nah. Just asking." Pagkasabing pagkasabi niya non ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Tignan mo tong babaeng to. Pagkatapos akong tanungin, iiwan pa ko.

Sinundan ko nalang siya at nagpatuloy na sa paglalaad.

Pero habang tinutungo namin ang hallway papunta sa soccer field ay may mga nakasalubong kaming grupo ng mga babaeng estudyante na naguusap ng mahina habang nakaupo sa isa sa mga bench sa hallway. Binagalan ko ang paglakad ko para sana marinig ko kung anong pinaguusapan nila.

Transcendent Love (A Vampire Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon