"Dhianna Cassandra Marilo-Turen, gumising ka na!" Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ang palagid ko. Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang bukang-liwayway sa silangan. Naamoy ko na kaagad ang mabangong luto ni mama. Early bird kasi yang si mama kaya sya ang human-alarm clock ko. Nag-aalarm naman ako kaso pag nag alarm ako ng alas singko, nagigising ako ng alas Sais. Kaya no'ng na late ako, si mama na ang gumising sa akin.
"Opo!" sagot ko habang umuunat sa higaan. Iniligpit ko muna ang aking higaan bago maglakad papuntang closet at kumuha ng damit na pamalit.
"Bilisan mo ang galaw, Cassandra. Alas kwatro y medya na ng umaga, maglalakad ka pa papuntang eskwelahan nyo." utos ni mama habang nagluluto ng ulam ko para sa agahan.
"Opo." sagot ko habang kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo. Binuksan ko na ang gripo at pinuno ang timba. May shower naman kami kaso ayokong gamitin ito. Ang tagal ko kasing nababasa at nilalamig na ako kaya nagtatabo na lang ako. Mas madali pa and less hassle. Nagmamadali agad akong maligo at magbihis dahil alam kong pagagalitan ako kapag alas singko y medya na ng umaga.
"Ma, yung uniform ko po?" tanong ko habang inaayos ang mga gamit sa bag ko.
"Naplansta ko na kaya magbihis ka na." utos nya habang naglalagay ng kanin sa plato ko.
Pumasok na ako sa kwarto at kumuha ng medyas sa cabinet ko. "Ma, wala akong medyas."
"Hanapin mo. Wag puro bibig ang gamitin. Ano ang gamit ng mata?" Tumahimik na lang ako at hinalungkat lahat ng damit ko. May tama rin naman si mama eh, bibig lang kasi ang ginagamit ko. "Nahanap mo na?" tanong nya.
"Opo." sagot ko at sinuot na ang medyas na nakuha ko. Kinuha ko na kaagad ang suklay ko at hairband. 'Di muna ako magpapatali ng buhok kay mama baka kasi malate ako. Ayoko pa namang malate.
"Kumain ka na dito." utos ni mama.
"Opo." Lumabas na ako ng kwarto at iniokupa ang upuan sa harap ng lamesa. Kumulo kaagad ang tyan ko pagkaamoy ko pa lang sa ulam na niluto ni mama. Pinakbet at fried chicken ang niluto nya. Gusto kasi ni mama na heavy breakfast ang kakainin ko kasi sa tanghali pa ang uwian namin. "Thank you, mama." tumingin ako kay mama na nasa hamba ng pintuan at ngumiti. Ngumiti lang sya at pumasok na sa kwarto namin. Isa lang kasi yung kwarto namin kaya magkasama kami at double-deck yung bed namin kaya sya sa ibaba at ako sa itaas. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap, may kaya lang kami. Yung stepfather ko kasi ay nagtatrabaho bilang security guard sa isang company habang yung biological father ay teacher sa probinsya namin pero konti lang ang sahod nya. May dalawang kapatid din ako, lalaki at babae, at ako yung bunso.
Binilisan ko ang pag kain dahil alas singko bente singko na ng umaga, 15 minutes pa naman ang lakad ko papuntang school. Nilalakad ko na lang kasi iniipon ko ang pera ko para pang kolehiyo. Pinagpipilian ko pa kung sa University of Caloocan City o sa UP Diliman na lang ako. Gusto ko ring mag-aral sa UP kaso hindi kaya ng mga magulang ko ang bayad do'n kahit makapasa pa ako sa UPCAT. Kung makakapasa man ako sa UPCAT then titingnan ko muna kung ano ang contributions nito para sa akin. Kung hindi ko man kaya o gusto sa UCC na lang ako. No tuition Fee naman do'n kaya alam kong kaya na namin 'to.
Pagkatapos kong kumain iniligpit ko kaagad ang pinagkainan ko at inilagay ito sa lababo. Si kuya na ang maghuhugas nyan wala naman kasi yung pasok.
"Ma, hatid mo ako sa gate." yan ang linya ko tuwing aalis na ako.
Lumabas na si mama sa kwarto at hinatid na ako sa gate. "Kiss ko, mama." paglalambing ko at hinalikan nya ako sa pisngi. "Alis na ako, ma."
"Sige. Mag-ingat ka."
"Opo." umalis na ako at naglakad na papuntang eskwelahan.
___________________________________________________________
What do you think? Maganda ba si Dhianna?
Give me names for the other characters. Gusto ko galing sa inyo. Pwede rin ang name nyo basta i-comment nyo na lang.
AN: PLEASE DO READ THIS!
Please a COMMENT if what do you think/reactions about this story. VOTE this chapter also. Isang click lang naman yan sa itaas eh. FOLLOW me, para updated kayo at wala namang masamang mag-follow. SHARE this to your friends para marami kayong makarelate at sasama sa buhay ni Dhianna.
That's all. Thank you, lovies. :*
Kung gusto nyo akong kausapin, PM nyo ako.
~Gorgeous
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Unlovable ON-HOLD
ChickLitMamahalin mo ba ang isang lalaki na ubod ng yabang, antipako, sungit, kademonyohan pero gwapo? Kaya mo ba syang pakasalan bilang kabayaran mo sa pag-aaral nila sa'yo? Papayag ka na lang ba na mawala ang gusto mong HAPPILY EVER AFTER o magiging HAP...