12

361 3 0
                                    

Author: nylcoen

~*~

Naglalakad si Maya sa mall kasama si Emman. Ayaw sana niyang sumama pero baka magtampo na naman kaya kahit nag-aalala kay Richard napilitan na rin siyang sumama sa gala ng kaibigan.

“Maya grabe ka naman girl! Ilang shops na ba ang napasukan natin pero hanggang ngayon wala ka paring bitbit?!”

“Eh kasi Emman wala din naman akong balak mamili ngayon. Alam mo namang nagtitipid ako di ba?”

“Tipid? Lagi ka na lang nagtitipid, pero kung sa family mo naman hayy naku..”

“Eh hayaan mo na ako Emman, masaya ako pag masaya din yung pamilya ko. Makita ko lang ang ngiti nila okay na din ako dun.”

“hmmmp ikaw na nga ang bahala..ay teka, ano na balita sa jowa mo?”

“Eh, wala pa nga eh..Nag-alala nga ako, pero sabi naman ni Nikki tatawagan niya daw ako just in case magkakaproblema sa mansyon.”

“Ganun naman pala, so huwag ka na masyado mag-worry.”

“Eh kasi Emman si Sir Chief ayaw nun na pinagsisilbihan siya ni Manang Fe. Baka mamaya ayaw lang sabihin tapos may sakit na naman pala siya. Grabe kasi kung magtrabaho yung taong yun, pati pagkain nakakalimutan na minsan.”

Panay ang silip ni Maya sa cellphone niya para tingnan kung may text ba or tawag siyang natatanggap pero wala siyang makita. Di man lang niya napansin na wala pala siyang signal kaya hindi siya nakakatanggap ng tawag o text galing kay Richard.

Si Richard naman on the way na sa airport para sa flight niya papuntang Palawan. Si Joma ang nagmamaneho habang nasa back seat naman siya,  panay ang tawag sa cellphone ni Maya pero di parin niya ito ma-contact.

“Joma may nakausap ba sa inyo si Maya kanina bago tayo umalis sa bahay?”

“Wala po Sir, bakit po?”

“Di ko kasi macontact si Maya. Di pa niya alam na paalis ako ngayon.”

Nag-aalala na talaga si Richard. With how they parted last night, it’s not good if pati ngayon aalis siyang hindi man lang makapag-paalam sa kanya. He’s sure Maya won’t like it and baka nga mas lalo magtampo si Maya sa kanya kasi aalis siyang walang paalam.

While waiting for their order, kinuha ni Maya ang cellphone niya para tawagan si Abby, nang di maka tawag, saka pa niya nalaman wala pa siyang signal.

“Naku Emman!!! Wala pala akong signal. Yung phone mo ba meron? Pahiram naman.”

Emman fished his phone from his pocket and checked it.

“eh Maya wala din eh. Ganito, wala pa naman ang order natin kaya go, hanap ka ng area na meron para makatawag or maka text ka.”

“Oh sige, thank you Emman. Babalik ako dito kaagad.”

“Sige na..go!”

Lumabas si Maya sa fastfood chain at naghanap ng area kung saan may  masagap na signal ang cellphone niya. Fortunately nakahanap siya ng signal malapit sa isang shop kaya  nakatawag siya kay Nikki.

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon