11

416 3 1
                                    

Author: nylcoen

~*~

“Answer me Maya.”

His voice louder than it was moments ago.

“Hindi! And bakit naman kita ikakahiya?Ako nga na probinsyana at naging yaya pa ng anak mo di mo kinahiya tapos ikaw ikahihiya ko?”

Paliwanag ni Maya ng mahinahon. At this point alam ni Maya na hindi niya pwedeng sabayan ang init ng ulo ni Richard. Aminado naman siyang may mali siya sa nangyari kanina pero di niya inasahan na iba ang dating nun kay Richard.

“Sorry kung di kita napakilala kay Bart ng maayos. Pero huwag mo namang isipin na ikinahiya kita kasi wala akong karapatan gawin yun sa’yo. “

She shifted position so that she’ll be facing him, took his hand that rests at the steering wheel and  held it tightly.

“Sorry na, huwag ka na magtampo please? Di ko kasi naisip na kailangan kong sabihin yon kay Bart. Di rin naman siya nagtanong. Pero di ba given na yon kasi kasama kita?”

“Hindi nga siya nagtanong, but when he said boss mo ako sana man lang sinabi mo na.”

“Eh kasi totoo naman yun di ba, before kita naging boyfriend naging empleyada mo ako. Nagtaka lang naman kasi ako kung saan niya nalaman na naging boss kita eh wala pa naman akong nabanggit sa kanya.”

‘Di naman sa masyado ako demanding Maya pero minsan kasi it means alot na ipagmalaki ka din ng girlfriend mo and one thing,lalaki din ako..alam ko kung kailan may gusto sa isang babae ang kapwa lalaki. Yung hindi mo pagpapakilala sa akin kay Bart feeling ko tuloy kasi alam mong may gusto din siya sayo kaya iniiwasan mong banggitin ang relasyon natin. “

Maya remembered Simon telling her na may gusto si Richard sa kanya and he’s right. After that night, Richard asked her out for a date.

“Pero sa tingin mo ba if may gusto siya sa akin papatulan ko siya?”

“I’d like to believe na hindi. Pero..”

“Chard! Alam mo namang hindi talaga di ba? Bakit pa kita sasagutin kung mag-entertain pa ako ng iba…” (she look away from him and stared outside the window)

Si Maya naman ngayon ang nagtampo. Naiintindihan naman niya kung saan nanggaling ang selos pero yung pagkasabi ni Richard na gusto parang gusto niyang magpaligaw kay Bart at yung parang pinagdududahan niya ang pagiging faithful niya kay Richard nasaktan siya dun.

Nanahimik sila pareho, kapwa malalim ang iniisip. Nang wala ng gustong magsalita, Richard started the engine and drove away from there. Dumating na sila sa tinutuluyang building ni Maya, hinatid naman siya ni Richard hanggang sa pinto ng condo kahit walang imikan. Pati tuloy ang receptionist napansin ang matamlay na mga mata nilang dalawa kaya di na nag-atubiling bumati sa kanila. Pagdating sa unit ni Emman, papasok na sana si Maya ng di nagpapaalam ng hawakan ni Richard ang kamay niya. Tiningnan niya ang kamay ni Richard na nakahawak  kamay niya saka niya ito tiningnan sa mga mata . Nang di parin ito kumibo hinintay lang niya itong aalisin ang pagkakahawak sa kanya saka pumasok ng tuluyan sa unit.

Pagdating sa bahay diretso na si Richard sa room niya para magbihis at humiga na. Gusto na niyang ipikit ang mata niya para matulog pero si Maya parin ang naaalala niya. Whenever he remember the look on Maya’s face pagpasok nito sa unit ni Emman di siya mapakali. He knows he did something wrong kaya ganun ang reaction ni Maya... Hay Maya, mahirap ka pa naman suyuin.. Yun na lang ang tanging nasa isip niya. Gusto niya tumawag kay Maya para suyuin ito pero nang maalala niya si Bart, di maiwasang bumalik ang tampo ni Ricardo sa girlfriend niya.

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon