Isla

103 2 0
                                    

Azulan POV

Nasa isang isla kami ni Ganiel nais ko
na isama si Ganiel sa isla na ito dahil
dito nabuo namin siya nang kanyang Ina
At nandito rin and isang tanawin na
makakita nang buong kaharian nang Hathoria ,

nilakad namin ang tugaygayan
na papunta sa isang bundok .Hindi matagal at nakarating na kami sa tutktok ng bundok "ama bakit dinala mo ako dito" tinanong ako ni Ganiel , "dahil ang Isla na ito dito ka binuo namin nang iyong Ina" sinabi ko .

"Pagmasdan mo anak nakikita mo ang buong kaharian nang Hathoria , isang araw maari ikaw ang mamuno nito " at ngumiti si Ganiel at niyakap nya ako at niyakap ko din sya.

Pirena POV

Nakabalik na ako sa Hathoria mula sa
mundo ng mga tao at nakita ko si Zerah
na nasa silid niya . Narinig ko ang Ivictus
ni Ganiel kasama niya ang kanyang ama
"Avisala Ina"  sinabi nya "Avisala aking anak" sinabi ko"Mahal kailangan na natin tawagan si Zerah kakain na tayo " sinabi ni Azulan at pinuntahan ko si Zerah sa kanyang silid  para tawagin siya.

Zerah POV

Pumasok ang aking Ina sa aking silid
"Zerah kakain na tayo" sinabi ng aking Ina tumayo na ako at ginamit ko ang aking  Ivictus kasabay ng aking Ina. Umupo na ako sa aking silya "Zerah kamusta ang iyong araw " tinanong ako nang aking Ama "maayos ito ama " sinagot ko , "mabuti kung
ganoon ayaw ko na malungkot ang aking prinsesa " at ngumiti ako .

Kumakaiin ang lahat at malapit na kami
na matapos na kami "kumusta na ang
pagsasanay nyo'ng dalawa " tinanong
ng aking Ina , "mabuti ito Ina dinaig ko
si Zerah " sinabi ni Ganiel alam ko na
nagyayabang muli siya nagalit ako ngunit ayaw ko na pakita sa  aking Ama at Ina na ako ay mapusok at ako ay mainit ang ulo "shedda Ganiel" sinabi ko na lamang at umalis na ako sa lamesa  .

Pirena POV

Lumabas ako ng palasyo at pumunta sa
inilawan ko ng apoy  hardin na nilikha ni Azulan para sa akin inilawan ko ng apoy ang tanglaw na nandoon. Nag aala ako kay Zerah at Ganiel palagi sila ay nag aaway at nag tatalo ayaw ko na maging magkaribal silang dalawa .

Hindi ko napansin na sinundan ako ni Azulan narinig ko ang kanyang yapak at naramdaman ko siya "mahal mukhang malalim ang iyong naiisip" .Sinabi nya lumakad  siya sa akin at tinignan nya ang aking mga mata at hinaplos nya ang aking mukha "si Ganiel at Zerah ayaw ko na magiging karibal nila ang isa't isa palagi silang nag aaway " sinabi ko tumingin ako sa madilim na langit at sa mga bitwin na nandoon .

"Wag ka na mag alala mahal karaniwan
para sa magkapatid na mag away at
sigurado ako kahit kailan hindi sila  magiging mag karibal" sinabi ni Azulan
at nagpabuti nito ang aking pakaramdam"tama ka mahal" sinabi ko at tumingala din sa himpapawid si Azulan

,"ang mga bitwin napaka ganda nila lumiliwanag sila sa sa gabi at kahit kailan hindi sila kaya bilangin kagaya ng pagmamahal ko sa'yo" sinabi ni Azulan, siya at ang kanyang  matamis na dila . "Magpahinga na tayo Azulan" sinabi ko at tumawa ako "ngunit nais ko na gawin muna ito" sinabi niya at hinalikan niya ako at hinalikan ko din siya . Pagkatapos ay  niyakap niya ako na mahigpit at binalot niya and kanyang mga braso sa aking  katawan ito ang isang lugar na nais ko na palagi na nandoon sa braso ng aking tangi na mamahalin na Encantado .

General POV

At sa ilalim nang mga bitwin at buwan
at sa init nang apoy sila ay mga saksi sa pagmamahalan nang dalawang nilalang
na pinagtagpo ng tadhana. Ang isang
pagmamahalan na tunay at walang katapusan .

Azulan and Pirena ( A Love Untold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon