Mapusok si Zerah

91 1 0
                                    

Zerah POV

Pagkatapos ng aking pagsasanay kasama
ang aking Ina at nakita ko ang aking kapatid at kasama nya si Teza ang diwata na kaibigan nya.

Hindi ko nais na aminin ngunit naiingit ako sa kasiyahan nilang dalawa , ako walang kaibigan ngunit malakas ako hindi ko kailangan ng kahit sino sinasabi
ko ito sa aking sarili kapag nararamdaman ko na nangungulila ako.

Ganiel POV

Kasama ko si Teza at naglalaro kami hanggang naisip namin na paglaruan
si Zerah

"lalagyan natin sya ng pampaganda na ito na nagmula sa lupa ng mga punjabwe at sasabihin natin na napakaganda nito ngunit gagawin natin ito na nakakasuklam " sinabi ko kay Teza at tumawa kaming dalawa

"isang mabuting plano Ganiel" sinabi nya at hinawakan nya ang aking balikat at nag Ivictus kami sa silid nya. Nakarating na kami sa silid ni Zerah "umalis kayo ngayon din " sinabi nya nagbabasa sya sa kanyang kama .

"Mag hunos dili ka apwe , nais ko lamang na ibigay ang handog ko para sa iyo"
sinabi ko tumigil si Zerah at tinignan nya
ang kahon na hawak ko "handog para sa akin " naghihinala na siya "totoo mahal
na Sang'gre nais namin na ibigay ang handog na ito at nais din namin na ilagay ito para mas maganda ka Sang'gre Zerah" sinabi ni Teza

pinigilan ko ang aking tawa ngunit ngayon hindi na naghihinala si Zerah at ibinigay na namin ang hindog at ipahintulot na nya kami na ilagay ito sa kanyang mukha.

Natapos na namin ni Teza ang pag gamit sa pagpaganda ang nakakasuklam ang mukha ni Zerah "aking apwe tapos na kami" sinabi ko at minulat nya ang kanyang mga mata

"hindi ko parin alam kung bakit napaka
buti ka sa akin ngunit Avisala Ganiel"
sinabi nya , " nakakabighani ka mahal na
Sang'gre " sinabi ni Teza ,

" dapat ipakita mo ito sa lahat Zerah"
sinabi ko "totoo ito" sinabi ni Teza ."Kung ganon talaga ako na napakaganda dapat na ipakita ko ito sa lahat" sinabi ni Zerah at lumabas sya sa kanyang silid.

Pumunta sya sa bulwagan at tinignan sya ng lahat ng mga kawal at nag Ivictus si Zerah pagka alis nya ay tumawa ang mga kawal at hindi nya ito napansin hindi na namin napigilan ni Teza at tumawa din kami sinundan namin si Zerah

Pirena POV

nakita ko si Zerah at ipinapakita nya sa
lahat ang kanyang pampaganda tumatawa si Ganiel at Teza at pinapaglaruan nila si Zerah

"anak " tinawag ko si Zerah "Avisala Ina"
sinabi nya at nilakad ko siya sa isang
salamin sa silid ko .

Zerah POV

"GANIEL" sinigaw ko at tumatawa lamang silang dalawa sila ni Teza at pinaglaruan nila ako ,tumakbo sila at hinabol ko sila

nadulas si Ganiel at nahuli ko siya sinuntok ko ang kanyang mukha "Pashnea ka " sinabi ko at nakita ako ng aking Ama at Ina "Zerah nasasaktan na ako " sinabi ni Ganiel sinubukan nya na umiwas ngunit hindi ko siya tinigilan sinuntok ko ang kanyang mukha parin .

"Zerah itigil mo na " sinigaw nang aking Ina at tinulungan ng aking Ama si Ganiel na tumayo "Zerah hindi mo dapat sinaktan angiyong kapatid kahit kailan" sinabi nang aking Ina inilayo na nang aking Ama si Ganiel

"sasaktan ko sya , karapat dapat sa kanya

ang ginawa ko sa kanya " sinabi ko
galit na ako at ubos na ang aking pasensya

"Zerah kailangan na kita kausapin anak"
sinabi nang aking Ina "wala tayong dapat
pagusapan " sinabi ko at nag Ivictus na ako

pupunta na lamang ako sa kagubatan at maglalakad lilinisin ko rin ang aking mukha.





Azulan and Pirena ( A Love Untold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon