Ang pag dadalang diwata ni Pirena

272 7 0
                                    

Pirena POV

Nag aasikaso ako sa aking mga kawal at ang kanilang mga naiwan na pamilya ibinigay ko na ang mga bangkay nang mga patay na kawal at naghingi ako ng tawad sa kanilang mga pamilya ang kanilang mga asawa, anak at iba pa na pamilya na naiwan. Pagkatapos bumalik na ako sa Lireo si Danaya at  Ybrahim ang bumati sa akin ,"nagawa mo na ba sa iyong mga tungkulin Pirena " tinanong nya ako "Oo sa ngayon ,sana ay wala na magiging digmaan kahit kailan maraming buhay ang nawala " .

Ito lang aking masasabi sa aking kapatid "ako rin Pirena yan din ang nais ko ", ito ang isang bagay na magkasundo kami ni Danaya at wala akong duda. Hindi ko napansin nandito din pala si nunong Imaw malamang dahil maliit
siya ,nakabalik na pala si Alena sa kanyang pamamahinga "Avisala sa inyo lahat"  binati din namin sya .Biglang sumakit ang aking palad at ang nahimatay ako at hindi ko alam kung bakit.

General POV

"Si Pirena anong nangyayari sa kanya  mga dama tulungan nyo ako na dalhin sya sa silid nya at tawagin nyo si Azulan" sinabi ni Hara Alena ."Masusunod mahal na Hara " sinabi ng mga dama sinunod na ng dama  ang utos ni Hara Alena at dinala na nila si Hara Pirena sa silid nila ni Azulan .

Azulan POV

Tumakbo ako nung pinatawag ako ni Hara Alena dahil nahimatay ang aking asawa sa aming silid ay nandoon si Imaw,Ybrahim Hara Alena at Danaya.

"Ayos lang ba ang aking asawa " tinanong ko "wag kang mag alala Azulan maayos ang kanyang kalusugan at meron din akong magandang balita sa iyo
Azulan" sinabi sa akin ni nunong Imaw
"Ano ang magandang balita nuno "tinanong ko siya at meron na malaking ngiti sa kanyang mukha. "Nagdadalang diwata ang iyong asawa ,pagamasdan mo ang simbolo na nasa kanyang palad yan ang tanda nang isang diwata na nag dadalang diwata" napaka saya ko nang marinig ko ito nais kona mayakap na mahigpit ang asawa ko .

"Iiwan na namin kayo at binabati ko ikaw sa iyong magiging anak ni Pirena" binati ako ni Rama Ybrahim at umalis na sila sa silid namin ni Pirena. Nagising na ang aking mahal "anong nangyari Azulan bakit ako nahimatay " tinanong nya ako "mahal ko nag dadalang diwata ka na, siya ang ating magiging panganay".

Napaka laki ng ngiti na nasa mukha nya at nikayap so siya na mahigpit at sumigaw ako "mag kaka anak
na tayo" at binuhat ko siya at hinalikan ko siya .Mula sa sandaling na minahal ko sya alam ko na mababago ang aking buhay "hindi na ako makapaghintay na masilayan ang ating magiging anak Mahal ko" sinabi sa akin nang mahal kong Hara Pirena ,"ako din aking mahal" sinabi ko at binalik na siya sa kama natin at pinahinga ko na sya .

Azulan and Pirena ( A Love Untold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon