Chapter 8: Yum!! Yum!!

750 23 2
                                    

*Mark's POV*

Maaga akong gumising...Naisipan ko kasing ipagluto ng breakfast ang tropa pagkatapos kung mag ikot ikot muna dito sa isla...Gusto kong sulitin ang bakasyon namin dito dahil di ko alam na baka ako na ang susunod na mamamatay....Gusto kong gawin lahat para sumaya ako at ang tropa kahit papano para maibsan kahit papano ang sakit ng kanilang nararamdaman sa mga nangyayari...Nagbihis na ako at lumabas ng bahay at nag ikot ikot na dito sa Isla...Lalakad pa pala kami ni manong Isko mamaya sa bayan para ipaalam sa pamilya ni Sammy ang nangyari sa kanya...Hindi ko lubos maiisip na mamamatay si Sammy...Gaya nga ng sinabi ni kuya nanghihinayang kaming lahat..Napabuntong hininga na lamang ako sa isiping iyon at patuloy na ini enjoy ang paglilibot sa Isla...

Pagkatapos ng ilang minutong paglilibot ay nakabalik na ako bahay...Bago ako pumunta sa kusina pinuntahan ko muna ang tropa ko sa kanya kanyang kwarto..Napagtanto kong mahimbing pa silang lahat na natutulog...Napangiti ako at bumaba na at binabaybay ang kusina...Pagdating ko dun nakarinig ako ng mga nag uusap sa may likuran ng bahay...Dahil sa kuryosidad ko lumapit ako sa may pintuan at nakita ko si Manang Adora at Isko na may kausap na isang babae...

Hindi ako nagpahalata. Nagtago ako sa likod ng pintuan at dinikit ang aking tainga para marinig ang pag uusap nila...

"Wag kang mag-alala maayos din lahat ng to!!!"-sabi ni Adora sa babae... Sa isip ko isa siguro sya sa mga santita na may ari ng lugar na ito...

"Dapat lang ayusin nyo ito!!!"-bulyaw naman ng babae kay Adora...

"Ayus na po lahat wala po kayong dapat ikatakot!!!"-sabi naman ni Isko

"Dapat kailangan mamatay silang lahat!!!"////

At tumango lang ang babae at umalis na...Papasok na naman si Adora at Isko sa may kusina kaya nagmamadali akong kumuha ng baso para magpanggap na umiinom ako ng tubig at kunwari wala akong narinig...Balisa ako sa aking mga narinig...Ibig sabihin may kinalaman si Adora at Isko sa pagkamatay ni Sammy???Bakit???Anong dahilan nila????....Hindi impossible..Wala akong ebidensya isapa mabubuti silang tao...

"Wag ka ng magpanggap Mark nakita ka namin!!!"----

Nabalik ako sa aking diwa ng magsalita si Manong Isko...Nakaramdam tuloy ako ng kaba...Pinagpawisan tuloy ako...Pakiramdam ko ako na ang susunod na mamatay...

"Huh???ano pong sinasabi nyo mang Isko???kararating ko lang po dito!!!"-,pagsisinungaling ko...na sana makalusot...

"Eh bakit ka pinagpapawisan????"- tanong naman ni Adora sa akin

"Naglibot libot po kasi ako kanina sa buong Isla kaya po ako pinagpawisan at kaya po ako nandito para uminom ng tubig!!""-pagdadahilan ko...

"Ganun ba???okay..anong gusto nyong breakfast????"-,tanong ni Adora sa akin...

"Ahm kahit ano po !!!.Akyat po muna ako!!!"-,

"Cge"

Umakyat ako sa taas at pumasok sa aking kwarto...Nakahinga rin ako ng maluwag.....Akala ko mamamatay na ako...Buti na lang nakaisip ako ng dahilan na makakalusot...Hoah!!! Pinagpawisan tuloy ako ng lalo...Nagpahinga muna ako saglit tapos naligo at nagbihis...Pabihis na sana ako ng may biglang kumatok...

"Mark handa na ang almusal baba kana nandun na mga kasama ,mo!!!"

Pilit kong pinakalma ang sarili ko bago sumagot kay Adora...

"Sige po bababa na po ako pagkatapos kung magbihis!!!"

"Cge bilisan mo ah!!!"----

At narinig ko ang mga yabag nya na bumaba na...At again nakahinga na ulit ako ng maluwag...Pagkatapos kung magbihis ay bumaba na ako na ako at nadatnan ko ang aking tropa na masayang nagkwekwentuhan...

"Good morning Mark!!!-sabay sabay na bati nila sa akin...

"Good morning din guys!!!

Umupo na ako sa mesa at nagsimula ng kumain dahil nagugutom na rin ako..Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kanila at nakatingin ako kay Adora at Isko na nakangiti sa akin makahulugan...Bigla akong kinabahan ulit dahil sa ngiting iyon...

Maya maya'y nakaramdam ako ng paninigas ng aking buong katawan at parang umiikot ang mundo ko....

"Bro okay ka lang???- nag aalalang tanong ni Jaycee sa akin...

Di na ako nakasagot pa dahil bumubula na ang aking bibig at unti unti na akong nawawalan ng hininga...Nakita ko na lang ang tropa kong alalang alala ang mukha at sina Adora at Isko ay nakangisi na parang demonyo bago ako nalagutan ng hininga...

------------------+/-/-//-/-//-//+++-++/++++++//++///////////+//-/------------------------------------------------------------

Guys halos mapiga na utak ko kakaisip kung anong susunod na mangyayari...Hahaha anyways readers paabutin sana natin to ng 100 reads and 5 comments and 100 votes para mas ma inspired pa ako sa pag uupdate ng susunod na kabanata....Thank u god bless....

Isla de Santita (Under Revision and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon