Chapter 5: Mysterious Room

902 24 4
                                    

Matapos naming kumain ng masarap na hapunan ay nagpasya muna akong libutin ang buong bahay...Yong mga kasama ko kanya kanyang trip... May pumunta naglalakad malapit sa tabing dagat may nagkwekwentuhan sa sala at may nagpapahinga na.

Umakyat ako sa pangatlong palapag ng bahay para tingnan kung anong meron doon...Para palang hall ang nakita ko... May music area may arcade at may konting food court meron ding videoke area... Aba ayos ah!!! Parang mall lang ang peg!! Talaga nga namang napakayaman ng mga Santita para maka gawa ng ganito sa isang resort...

Bigla nanakaw ng aking tingin ang isang kwarto na may nakamarkang ",X"... Nilapitan ko ito at ng bubuksan ko na ito may biglang humawak ng braso ko...

"Wag!!!"-Alvin

"Ano ba???!!! Bitawan mo nga ako!!! Bakit ba???at tsaka what are you doing here????!!!!"- pagtataray ko sa kanya...

"Im just looking for you baka kasi mapano ka at tsaka bawal pumasok dyan oh!!!"-sabay turo dun sa signs...

"Bawal pumasok dito by: Management"

"Eh ano ba paki nila kung papasok ako!!! Sa nacucurious ako kung anong nasa loob eh!! Isapa sino ka ba huh???,kaano ano ba kita huh???!!!!"- pagtataray kong sagot sa kanya....

Tumahimik na sya at di na ako sinagot pa... Wala syang nagawa kundi buksan ang nasa pinto...

Napakadilim ng kwarto to. Ni wala man lang ilaw tanging kandila lang nagsisilbing liwanag dito...

"Ano ba tong kwartong to???wala man lang ilaw maliban sa kandila!!"-reklamo ni Alvin

"Oo nga eh tumahimik.ka na lang!!!"-sabi ko sa kanya

Tumango tango lang sya bilang pagsang ayon sa akin...Nilibot namin ang buong kwarto...Wala namang interesadong nakalagay dito... Maliban sa mga weird paintings lang, mga sculpture ng tao at mga bungo at kalansay ng tao...

"Ang weird naman bakit may kalansay ng tao dito???!!!"-,ako

"Ewan ko!!!"-.Alvin

"Ahhhh!!!"-sigaw ko

"Okay ka lang ba???!!!"-, tanong ni Alvin sa akin na alalang alala

"Oo okay lang ako nadulas lang ako!!!"

At dahan dahan nya akong tinulungang tumayo...Biglang namayani ang katahimikan sa pamamagitan naming dalawa ng may narinig kaming nag uusap usap...

"Oo nandito na!!!"

"Kailangan natin maghanda!!!!"

"Narinig mo ba yun Alvin????!"

",Ang alin????"

"Yung mga nagsasalita!!!!"

"Oo nga eh saan nanggaling yun???tara hanapin natin!!!"-

"Sige"---

Sabay sabay kaming na pa "ahhhhhhhh!!!!!"

*Someone's POV*

"Nasaan na ang mga hinihingi ko!!!!????"""

"Paumanhin panginoon ngunit wala pa po!!!!"

"Arrrggggghhhhhh!!! Ang tagal nyong kumilos!!!"

"Wag po kayong mag alala panginoon nakahanda na naman po lahat!!! Mapapasainyo rin po ang hinihingi nyo!!!!"

"Dapat lang!!! Arrgghhhhhh!!!!

*Mizuka's POV*

Pagkatapos kumain ay pinili ko na lang pumunta sa kwartong nakalaan sa akin para mag research.... May nakikita kasi ako sa bahay na to!!! Madami sila nagpaparamdam!!! Nakita ko na sila simula palang pagdating namin dito sa isla. Ayaw ko sabihin sa mga kasamahan ko dahil ayaw kong matakot sila. At gusto ko maging masaya at mapayapa ang bakasyon nila dito sana nga!!! Nararamdam kong may panganib na nakaabang sa bawat isa sa amin dito at kailangan ko yong paghandaan....Naalala ko tuloy paano nagsimula ang pagka psychic ko.

Grade 4 ako nun. Pauwi na sa ako bahay bandang 5pm ng hapon. Nakikipaglaro pa kasi ako nun sa mga tropa ko. Nakabangga ako ng isang matandang babae. Humingi ako ng paumanhin sa kanya. Nagulat ako sa mga sinabi nya...

"Kakaiba ka bata!!! MAY kakayahan kang makakita ng kung ano anong bagay. Mapa elemental man oh hindi!!!"

Saka umalis ang matanda...Binalewala ko lang yun kasi nga bata pa ako at wala akong alam kung ano ibig sabihin nya... Makalipas ang ilang araw kung ano ano na nakikita ko... Nahuhulaan ko rin ang mga pangyayaring magaganap at nagaganap na...Halos di ako makapaniwala na may kakayahan akong makakita at makaramdam...

"Hala!!!!" Bulalas ko. Napatigil ako sa aking pag flaflashback ng may nakita na naman ako "OH MY GHOD!!! "They are in trouble!!! Dali dali akong lumabas ng kwarto para hanapin sila...

-------++++----------+---------------++-++++++++++--------------------+--+++++++------/-/-//-/-/-/////////////-----------------

Naku readers... Im sure sabik na kayo sa mga susunod na mangyayari... Will they be saved???sila nga ba ang tinutukoy ni mizuka???at saan kaya napadpad sina Alvin at Rain??? Para malaman abangan sa susunod na kabanata...
Mga readers ini encourage ko po kayo na mag votes at mag comments kayo sa story para naman malaman ko kung nagbabasa ba talaga kayo kung ano feedback nyo sa story at para naman ma inspire at mamotivate po ako agad sa pag uupdate...Yun lang god bless u all....

Isla de Santita (Under Revision and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon