Chapter 9: So Much Pain

724 19 20
                                    

"Jaycee's POV"

"Bro ba't mo kami iniwan!!!"---- labis labis na paghihinagpis ang aking nararamdaman...Napakawalang puso naman ng taong pumapatay na yun...Di ko akalain na yung kapatid ko na ang isusunod niya...Napahagulhol ako habang yakap yakap ang bangkay ng kapatid kong namayapa na...

"Bakit si Mark pa!!!???"---hagulhol na iyak ni Trishia...Pati si Jesha at Mizuka napaiyak na rin....Si Alvin naman pinipigilan lang ang matang kanina pa namumuo...

Puro hagulhol ang namayani sa loob ng kusina maliban nalang kay Adora at Isko na nakatingin lang sa amin at sa bangkay ni Mark...Biglang namuo ang galit sa aking dibdib...Tumayo ako bigla at "booqqsshhhh!!! Tumba si Mang Isko...Di ko na napigilan ang sarili ko...

"Ikaw???kayo???siguro kayo ang naglason sa kapatid ko noh!!! Kayo lang naman ang naghanda ng pagkain namin kaya kayo lang ang maaring pumatay sa kanya!!!!"-----

Duguan si Mang Isko sa bibig at tinulungan siya ni Adora na tumayo at saka ako hinarap ni Adora...

"Bakit nyo ba kami pinagbibintangan??? Di naman namin alam na may lason ang pagkain ah!!!

"Bakit hindi???!- nag mamaang maangan pa kayo!!!- sagot ni Alvin kay Adora na sasampalin sana sya kaso inawat sya ni Mizuka...

"Malay namin!!! Hindi naman kami namili nyan!!! Naka stock na yan dyan!!! Porket kami ang naghahanda ng pagkain nyo kami na pagbibintangan nyo!!! Ang sama nyo!!!- sabay walk out nilang dalawa ng napahinto sila sa paglalakad ng magsalita si Mizuka...

"Alam kong may tinatago kayo at alam ko rin na may kinalaman kayo sa pagkamatay ng mga kasama namin!!!"- sabi ni Mizuka

Pati kami napatigil sa paghagulhol at  napalingon na nalilito sa sinabi ni Mizuka....

"Anong ibig mong sabihin Mizuka???- tanong ko sa kanya...

"Wala!!-.matipid nyang sagot...

At nawala na sa aming paningin ang dalawa....Ano kayang ibig sabihin ni Mizuka...????

"Mizuka's POV"

Alam ko na may kinalaman si Adora at Isko sa mga nangyayari...Unang tingin ko palang sa kanila iba na ang pakiramdam ko kaya minabuti kong manmanan sila hanggang sa nalaman ko ang sekreto nila...Pero kanina muntikan ng nadulas ang dila ko...Ayaw ko munang sabihin sa kanila ang totoo kahit kinukulit nila ako at inuulan ng maraming tanong...Natatakot rin ako para sa sarili ko dahil alam ko ako na ang isusunod nila...Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ko sila ililigtas at kung paano ko sasabihin sa kanila ang.nalalaman ko bago mahuli ang lahat...Haixt ....

"THEY'RE POV "

"Hahaha may namatay na naman!!! Ang galing!!!!

Sobrang saya ko ng may nakita na naman akong dugo na umaagos sa may tubo...Sobra nila akong  pinapasaya...

"Magaling!!! Magaling!!! Magaling!!!

"Pero may konting problema ate???!!!""

Nawala ang tuwa sa aking labi ng marinig ko ang sinasabi nila na ikinakunot ng noo ko...

"Anong problema sinasabi mo???!!!""

"May nakakaalam na po tungkol sa.atin at sa mga plano natin!!!"

"Ano!!! Arrghhhhh!!! Hindi to maari!!!! Sino????""

"Kasamahan din nila!!!!

"Arrgghhhh!!! Hindi kayo nag iingat!!! Paano nya nalaman???!!!"""

"Hindi namin alam ate!!!

"Anong gagawin natin ate????!!!"

"Isunod na natin ate!!!"

"Wag!!! Hayaan muna natin sya...Manmanan nyo sya!!! At alamin nyo kung hanggang saan ang nalalaman nya!!!

"Masusunod ate!!!"

"Rain's POV"

Nagising ako na nakatali ang aking kamay at paa...Nagpalinga linga ako sa paligid ng mapagtanto ko na nasa isang kulungan ako na bakal ang nakapalibot at ang tanging kandila lang sa mesa ang nagsisilbing ilaw...
Nasaan kaya ako??? Sino may gawa sa akin nito???Ano kayang kailangan nila sa akin???

"Tulong!!! Tulong!!!"

"Tumahimik ka!!!!"

Napatigil ako sa pagtili ng isang babae ang pumasok sa kulungan at nilapitan ako...

"Sino ka???!!!"----tanong ko sa kanya...Bagkus na sumagot ay isang sampal ang inabot ko sa kanya sabay pakawala ng malakas na tawa na nakakapangilabot...

"Malalaman mo rin soon!!!- at tumawa ulit sabay labas ng kulungan...

"Pakawalan nyo ako dito!!!"""

---------------------------------_-----------------------------------------------------------/--++--++++--------------------------------------------------------------

A/N: ANO kaya susunod na.mangyayari???Malapit nato magtapos at abangan ang twist...Mga readers nagsusumano ako sa inyo sana pagbigyan nyo ako...Mahirap magsulat ng kwento dahil mahirap humanap ng inspirasyon at malaking oras ang ginugogol ko dito para lang makapag update...Kaya sana naman do votes and comments sa story para naman makapag update ako at mas ma inspired ma magsulat at sa mga authors dito na silent readers please mag comment kayo at magbigay feedback sa story...I accept correction coz Im not perfect...Thanks God Bless...

Isla de Santita (Under Revision and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon