His To Do List

2.5K 78 8
                                    

Para kay Irish na iiwan na daw ang buhay wattpad. Ganyan ka naman eh, iniiwan mo ako lagi :(( Haha loljoke. Anyway, enjoy reading.

P.S. Hoy Irish, matinong title nito.

P.P.S. Weird POV is weird.

His To Do List

Naglalakad ako noon pauwi mula sa eskwelahan. Dumaan ako saglit sa NBS para bilhin yung kailangan kong libro para sa project ko. Pagpunta ko sa kinalalagyan nito, nakita kong nag-iisa na lang ang libro. Kukuhain ko na sana nang bigla mong hinawakan ang kabilang dulo.

Doon tayo unang nag-usap. O mas tamang sabihin na una tayong nagbangayan.

Alam mo ba? Noong una kitang nakita pinangako ko na sa sarili ko na hindi ko hahayaang magkrus ang landas natin kahit nasa iisang eskwelahan tayo. Sinabi ko pa nga na iiwasan kita hangga’t maaari at pananatilihin ang ‘invisible existence’ ko. Nagawa ko iyon sa loob ng halos apat na taon. Ayoko kasing makabangga ang isang arogante, mayabang at hot-headed na basagulerong katulad mo.

At ayun na nga, magtatagumpay na sana ako kaso napansin mo yung existence ko nung hinawakan mo yung libro. Hindi mo alam kung gaano ako nagsisisi noong araw na yon. Sana pala hindi na lang ako pumuntang NBS. Sana pala hindi ko na kinuha yung libro. Sana pala, hindi na ako nakipagtalo sayo at sana talaga, hindi na lang ako gumawa ng project.

Edi sana, hindi tayo nagkakilala.

Simula nung araw na yon, naging miserable yung buhay ko. Araw-araw mo ba naman akong pagtripan eh. Mula pagkapasok ko hanggang pag-uwi. Hindi mo na nga ako tinantanan eh. Basta may naisip kayong kalokohan ng barkada mo, ako agad ang una niyong target. Naging impyerno na yung eskwelahang pinapasukan ko. At ikaw yung masamang nilalang na nagpapahirap sakin.

Umabot na nga sa puntong ayoko nang pumasok kasi natatakot ako sayo. Natatakot ako sa mga pinaggagagawa mo sakin. Palagi mo na lang akong pinapahiya, inaasar at ginagawan ng kung ano-anong kalokohan. Eto naman ako, hinahayaan ko lang. Hindi ako makalaban eh, anak ka kasi ng may-ari ng eskwelahan natin. Baka matanggal pa ako sa pagiging valedictorian ko kapag inaway kita.

Hanggang sa isang araw, nanibago ako kasi walang balita na nakasabit ang undergarment ko sa tuktok ng flagpole. Walang nabubulok na basura ang nakatambak sa locker ko. Walang pinaghalo-halong softdrinks, kape, ketchup, gravy at soup ang tatapon tuwing kumakain ako sa canteen. Walang ipis, daga o kung ano pa mang insekto ang lalabas mula sa bag ko. Walang bola ang tatama sakin tuwing P.E time. Wala ring chalkdust ang sasabog sa mukha ko kapag naglilinis ako ng room. Higit sa lahat, uuwi ako sa bahay namin nang may malinis na uniporme at maayos na buhok na hindi pinagdikit ng bubblegum.

In short, nagkaroon ng himala noong araw na yun. Wala ka, walang impyerno, natahimik ang buhay ko.

Akala ko lang pala.

Makakauwi na sana ako sa bahay namin ng ligtas nang bigla akong harangin ng isang guro. Inutusan niya akong dalhin sayo tong mga papeles na nakalimutan mo. Gustong-gusto kong tumanggi pero iniwan niya na ako dahil may meeting pa sila. Sinubukan kong ipahatid sa iba kaso tumatanggi rin sila, takot sila sayo eh. Wala akong nagawa kundi ihatid sayo to, ng personal.

Dumating ako sa mansyon niyo, kabadong-kabado kasi baka mamaya, pagtripan mo nanaman ako. Inabot ko yung mga papeles sa katulong niyo at paalis na sana ako nang bigla mo akong makita at tawagin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko non, nanginginig na rin yung mga tuhod ko. Ayaw kitang makita, natatakot ako sayo.

Inutusan mo akong sumama sayo papunta sa garden ng mansyon niyo. Hindi ako makatanggi kasi nakikita ko nanaman yung mga mata mong nagbabanta. Sa huli, sumama rin ako sayo, natatakot ako sa consenquences na makukuha ko kapag tumanggi ako sayo.

Tahimik ka lang nung mga sandaling naglalakad tayo sa hardin. Hindi ko alam kung anong sumanib sayo at tahimik kang nakatingin sa malayo. Hindi ko tuloy ma-appreciate yung makukulay na bulaklak na nakapalibot sa atin. Yung mga paru-parong nagsisiliparan kung saan-saan. Yung hardin niyo na mukhang paraiso.

Hanggang sa maya-maya, nagulat na lang ako.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata mo.

Tinanong kita kung anong problema pero pinagbantaan mo lang ako na kapag nagsalita pa ako, sisiguraduhin mo na hindi ako makakagraduate sa high school.

Akala mo susunod ako sayo? Sa pagkakataong to, hindi na.

Dahil ang ayoko sa lahat, makakita ng taong umiiyak, lalo na kapag lalaki.

Sinigawan kita non, nilabas ko lahat ng hinanakit ko sayo. Parang naghalo-halo lahat ng galit, inis, takot at lungkot na nararamdaman ko kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na sumagot sayo. Sawang-sawa na ako sa mga kalokohan mo. Katulad ngayon, umiiyak ka sa harapan ko.

Nakakainis ka, ang sarap sapakin ng pagmumukha mo. Alam mo bang sa lahat ng biro at kalokohan na ginawa mo sakin, eto yung pinaka-ayaw ko? Yung iiyak ka na lang sa harap ko nang hindi ko alam kung bakit.

Ayokong makakita ng luha, naiinis ako. May alaalang sumasagi sa isip ko kapag  nakakakita ako ng lalaking umiiyak. Ayoko nang maalala pa yun, natatakot ako.

Hindi ko na namalayan na sinapak na kita. Grabe, ang sarap pala sa feeling na nilabanan mo yung nambubully sayo sa araw-araw na pagpasok mo sa eskwela. Ang sarap sa feeling na sawakas, hindi mo na siya hahayaang pahirapan ka niya ulit.

Paalis na ako sa harap mo nang hinawakan mo yung kamay ko. Laking gulat ko sa unang salitang sinambit mo matapos ang pananapak ko sayo.

"Sorry"

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kinurot ko pa nga yung pisngi ko para gisingin ako sa panaginip na to. Imposible kasing mangyari yung ganitong bagay. Napaka-imposible.

Pero inulit mo yung katagang yun at sinamahan ng isang mahigpit na yakap. Umiyak ka ng umiyak sa balikat ko habang patuloy kang humihingi ng tawad. Para akong nacomatose sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam yung sasabihin ko.

Hanggang sa kusa na lang gumalaw yung mga kamay ko papunta sa likod mo para gantihan yung mahigpit mong pagkakayakap.

Sino nga ba namang mag-aakala na marunong palang humingi ng tawad ang isang aroganteng, mayabang, hot headed na basagulerong anak ng may-ari ng eskwelahan na pinapasukan ko?

At sino rin bang mag-aakala na magiging magkaibigan tayo simula nung araw na yon?

His To Do ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon