Kinabukasan, nagising ako sa mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Gutom na gutom na ako dahil tanghali na, tapos lalo pang kumalam sikmura ko noong maamoy ko yung mabangong amoy sa kusina.
Kaso naalala ko, ako lang pala mag-isang nakatira sa kwartong to. Baka may nakapasok na magnanakaw!
Patakbo akong pumunta sa kusina dala-dala ang walis. Ihahampas ko na sana to doon sa lalaking busy sa pagluluto nang makilala kong ikaw pala to.
Nagha-hum ka pa habang nilalagay mo yung mga ingredient. Isang mafia boss-looking na nakasuot ng pink na apron. Ang cute mo lang tignan.
Napansin mo ako at niyaya mo na akong kumain. Tinanong mo ako kung kamusta yung luto mo, para kang bata na nanghihingi ng tatak na star sa kamay.
Napansin ko yung mga benda mo sa kamay. Napangiti ako. Sinusubukan mo talagang gumawa ng gawaing bahay. Kahit na hindi ganon kasarap yung luto mo, nagthumbs up ako sayo at nagtatalon ka na parang bata na natatakan na ng star sa kamay.
Pagkatapos nating kumain, pinagligo mo ako dahil sabi mo may pupuntahan tayo para sa to do list mo. Pinakain at pinaliguan ko muna si Bugs Barney habang hinugasan mo yung mga platong pinagkainan natin.
Hindi naman kalayuan yung sinasabi mo. Nagtataka lang ako kung bakit nasa harap tayo ng isang local bank. Pwede ka namang mag-withdraw sa bangkong malapit sa apartment ko.
Pumasok tayo doon at napansin kong kaunti lang ang mga tao. Hindi rin naman kasi ganoon kalakihan ang bangko at medyo may kalayuan ito sa siyudad.
Nagulat ako nang magsuot ka ng maskara at hinila mo ako papalapit sayo. Tinakpan mo yung bibig ko at tinutukan mo ako ng baril.
Nababaliw ka na.
Sinubukan kong makawala, tanggalin yung kamay mo pero lalo mo lang idinidiin ito sakin. Kabadong-kabado ako dahil sa baril na nakatutok sakin.
Nang mga oras na iyon, nagsisisi ako na sumama pa ako sayo, na nakilala pa kita. Akala ko nagbago ka na eh. Pero bakit nangho-hold up ka ng bangko? Bakit ginawa mo pa akong hostage?
Nag-uunahan sa pagtulo yung pawis ko. Ni hindi ko nga magawang umiyak kahit na sobrang nerbyos at takot nararamdaman ko noon. Parang namanhid ako, hindi ko na magawang makapag-isip ng maayos.
Tanging nasa isip ko lang, bakit mo nagawa ito?
Bukod sa malakas na pintig ng puso ko, ang pagsigaw at pagbanta mo sa mga taong naroroon ang naririnig ko. Mabilis nilang inilabas ang pera, isinilid sa bagaheng binigay mo at iniabot sayo.
Kinaladkad mo ako palabas, papasok sa kotse mo. Tinapon mo ako sa passenger's seat kasama yung bagaheng naglalaman ng pera, sumakay ka at mabilis mong pinaharurot ang sasakyan mo.
Nang medyo makalayo na tayo, itinigil mo ang sasakyan at tumawa ka ng tumawa. Tama nga ata ako, nababaliw ka na.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nang itaas mo yung baril na hawak mo. Tumingin ka sakin at ngumiti.
"Akalain mo yun? Natakot sila sa pellet gun."
Napanganga ako sa sinabi mo. Kinalas mo yung baril at pinatunayan saking pellet gun iyon. Tapos tumawa ka ulit na tumawa.
Hindi ko na napigilan sarili ko at sinampal ka. Mukhang gulat na gulat ka sa ginawa ko pero hindi ko na talaga mapigilan.
Napaiyak na lang ako bigla.
"Nababaliw ka na ba?! Hindi mo ba alam kung ano yung ginawa mo?! Ano ba naman, hindi naman kasi lahat nadadaan sa biro!"
Marami pa akong gustong sabihin sayo pero nauunahan ako ng iyak at hikbi dala ng samu't saring emosyon na naramdaman ko kanina pa. Gusto ko nang umalis dito.