Monday. Labasan ng results ng periodical test.
Nakisiksik ako papalapit sa bulletin board para hanapin ang pangalan ko. Gaya ng inaasahan, kasunod nito ang rank 1 dahil sa perfect score na nakuha ko mula sa iba't ibang subjects.
Sanay na ako sa ganoong scenaryo. Pero ang kakaiba lang eh ang pangalan sa baba ko.
Pangalan mo. Katabi nito ang Rank 2. Ikaw ang pangalawa sa pinakamataas na nakakuha ng overall score sa periodical exam. Kung hindi lang dahil sa isang mali mo sa Math test, edi sana tie na tayo.
Dumiretso ako sa classroom at sinalubong ako ng mukha mong may malawak na ngiti. Nagulat na lang ako ng bigla mo akong niyakap dahil sa sobrang saya mo.
"Ang saya pala sa feeling kapag kino-congratulate ka dahil mataas nakuha mo no?" Nagtu-twinkle pa yung mga mata mo nang sinabi mo iyon.
Ang saya-saya ko para sayo. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang dating estudyanteng nasa lower rank eh biglang tumalon sa rank 2?
Halos lahat ng teachers, hindi makapaniwala sa nagawa mo. Ang saya-saya nila para sa'yo. 'Sawakas, bumalik ka na ulit sa tamang landas,' sabi nila.
Sa bawat nadaraanan natin, kino-congratulate ka ng mga estudyante. Pati yung papa mo, sobrang proud sa'yo.
"Ang laki na ng ipinagbago mo. Ang gandang impluwensya nito sa'yo ng girlfriend mo," sabi ng terror teacher natin sa Math. Yung dahilan kung bakit napalipat tayo sa likod.
Sasabihin ko sanang magkaibigan lang tayo pero naunahan mo akong magsalita.
"Oo nga po eh. Ang galing po kasing magturo nitong girlfriend ko."
Hindi ko alam kung bakit pero.. ang sarap palang pakinggan nung sinabi mo. Yun nga lang, hindi totoo.
Lumipas ang araw at inutusan mo akong ilibre kita dahil mataas ang nakuha mong grade.
"Wala akong pera. Ikaw dapat tong nanlilibre."
"Nasa'yo kaya ATM ko. Tara na, kain tayo."
Oo nga pala, bakit ba kasi pinahawak mo sakin yun? Ahh. kasi pinagbantaan mo ako na kumain ako habang nag-aaral para sa periodical exam dahil kundi, yari ako sa'yo.
Ayun, dumiretso tayo sa sinehan para manood ng Monsters University. Tawa ka ng tawa kay Mike Wazowski. Para ka talagang bata.
Mabuti na lang at ngayong gabi, maaga mo akong hinatid sa amin. Nilaro mo saglit si Bugs Barney pagkatapos ay nagpaalam ka na sakin.
"Oo nga pala, umabsent ka bukas. May pupuntahan tayo," sabi mo bago ka pumasok ng sasakyan.
"Wag ka nang magtanong kung bakit. Basta umabsent ka. Nagpaalam na ako sa mga teachers natin. Kapag di ka sumama, yari ka sakin."
Iyon lang ang sinabi mo bago mo pinaharurot ang sasakyan. Kahit kelan ka talaga.
Kinabukasan, dumiretso tayo sa puntod ng mama mo. Death anniversary niya pala ngayon.
Binigyan kita ng panahon para makipag-usap sakanya. Lumabas muna ako sa mausoleum para magkaroon kayo ng privacy.
Maya-maya, sinundo mo naman ako at ipinakilala sa mama mo. Sabi mo sakin, kausapin ko siya kaya ikaw naman ang lumabas. Medyo awkward noong una pero nasabi ko rin ang mga gusto kong sabihin.
At dahil nagkaroon rin ako ng pagkakataon na makipag-usap, inamin ko na rin sakanya na nagkakagusto na ako sa'yo.
Maggagabi na nang makaalis tayo roon. Kumain muna tayo sa restaurant saglit at dinala mo na naman ako sa abandonadong building. Katulad ng dati, dumiretso tayo sa rooftop at nagstar gazing.