Epilogue

1.1K 85 32
                                        

Lumipas ang mga araw at buwan. Naka-graduate na tayo lahat-lahat pero ang nararamdaman ko para sa'yo.. hindi pa.

Simula nang sinabi mo sa akin iyon, hindi ka na nagpakita pa. Hindi ka na pumasok. Nawala ka na lang na parang bula. Marami sa mga kaklase natin ang nagtatanong sa akin kung anong nangyari sa'yo. Tanging ngiti lang ang nasasagot ko.

Sa totoo lang, may mga pagkakataong gusto kitang sugurin sa bahay niyo at pagsasapakin. Nakakainis ka kasi. Bakit ba sa dinami-dami ng makikilala ko, ikaw pa?

Bakit ba sa dinami-dami ng lalaking pwede kong magustuhan, ikaw pa? Yan tuloy, nung nahulog ako sa'yo, walang sumalo sakin.

Minsan, pinagsisisihan ko yung araw na pagpunta ko sa NBS para bilhin yung libro. Kung hindi ko sana kinuha iyon, edi sana hindi tayo nagkakilala talaga. Edi sana ngayon tahimik pa buhay ko.

Edi sana hindi ako gulong-gulo sa nararamdaman ko para sa'yo.

~

Sinarado ko ang notebook na matagal nang nakaimbak sa pinaka-ilalim ng aparador ko. Ilang taon na rin pala no? Sa pagkakatanda ko, huli ko tong sinulat pagkatapos ng graduation natin. Nakatulugan ko to eh, kaya hanggan doon lang natapos.

Nakakatawa lang na nabasa ko ulit ito matapos ang apat na taon. Ngayong araw, gagraduate na ako ng college, kursong bachelor in elementary education.

Nakagraduate ako dahil sa scholarship na ibinigay mo. Salamat ha. Salamat kasi tinulungan mo akong tuparin ang isa sa mga pangarap ko.

Gusto ko kasing maging teacher at turuan yung mga bata sa children's home na pinuntahan natin dati. Hanggang ngayon, bumibisita pa rin ako sakanila. Tinuring ko na kasi silang pamilya. Isang beses nang pumunta ako doon dalawang araw matapos ang stageplay, tinanong ka nila sa akin. Umiling lang ako at ngumiti, hindi na naulit pa ang ganoong pangyayari.

Naghanda na ako para sa aking pagtatapos. Kinuha ko ang diploma ko at saglit na nagpaalam sa mga taong naging parte ng buhay ko sa kolehiyo. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa children's home kung saan nagpahanda si Sister ng maliit na handaan para sa akin.

Kaso kahit gusto ko pang magtagal, hindi ko magawa. Ngayon kasi ang lipad ko papuntang America para ayusin ang kompanyang naiwan ng namayapa kong lola.

Lola ko ito mula sa mother's side. Hindi siya kilala ni mama dahil iniwan siya nito noong sanggol pa lang siya. Kailan ko lang nalaman na ipinahanap pala kami ni lola para iiwan ang mga kayamanan niya. Doon niya nalaman na matagal nang namatay si mama at tanging ako na lang ang naiwan.

Ilang araw bago ang graduation, pumunta ako ng America para pormal siyang makita. Laking tuwa niya nung makita ako. Kahit na hindi niya daw nakita ang paglaki ng mama ko, alam niyang kamukhang-kamukha ko ito. Nagkausap pa kami at doon, inihabilin niya ang kompanya niya sa akin. Bahala na daw ako sa mga gusto kong gawin dito.

Nangako naman ako kay lola na maganda ang kapupuntahan nito. Nginitian niya ako sa huling pagkakataon at saka tuluyan nang nagpaalam sa akin.

Nagpaalam na ako sa mga bata at kay Sister at bumalik na sa apartment. Pinasadahan ko ulit ng huling tingin ang naging tahanan ko ng ilang taon. Nagpaalam na rin ako sa landlady at sumaglit sa backyard ng apartment para puntahan ang puntod ni Bugs Barney. Kinausap ko ito saglit at saka nagpaalam.

Palabas na ako ng gate nang may humarang saking lalaki at may inabot na maliit na envelope. Nginitian ko siya at nagpasalamat. Sakto namang may dumaan na taxi at pinara ko ito. Sinabi ko sakanyang ihatid ako sa airport. habang nag-aantay, doon ko binuksan ang maliit na envelope at kinuha ang maliit na papel.

Nagulat ako nang mapansing ito rin yung papel na inabot mo sa akin noong nasa swing tayo. Dito nakasulat ang mga to do list mo sa buhay. Hindi ko pa nabubuksan ito at binalik ko ito sayo kasama ang ATM card mo noong mismong araw na sinabi mo sa aking gusto mo nang tapusin ang lahat. Ano pang saysay ng paghawak ko dito diba? Maaalala lang kita.

His To Do ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon