Prologue

332 8 0
                                    

"Bakit nga pala tayo nandito? Diba ang sabi mo may mahalaga kang gagawin ngayon." Nakangiting tanong ni Kelianne sa kaniyang boyfriend habang magkahawak silang dalawa ng kamay at nakatingin sa kalangitan. 

Nilingon naman siya nito pero wala kang mababasang kahit na anong emosiyon dito. 

"May importante lang akong sasabihin." Mabilis na nagtaka si Kelianne dahil sa sinabi sakanya nito. 

'Ano naman kaya iyon?' Takang tanong ni Kelianne sa kaniyang sarili. Kahit na naguguluhan ay tumango na lamang siya sa kaniyang kasintahan. 

"Ano bayon baby?" Malambing na tanong ni Kelianne at nilagay ang ulo sa balikat ng kaniyang boyfriend. 

"2 years na tayo diba?" Nagtaka naman si Kelianne sa tanong nito. 

"Oo 2 years na tayo kaka-anniversy lang natin noong isang linggo diba?" Balik na tanong naman niya sa kaniyang boyfriend. 

"Oo nga." Matamlay na sagot sa kaniya nito, mabilis naman iyong napansin ni Kelianne. 

'May problema kaya siya?' Nag-aalalang tanong niya sa kaniyang sarili habang nakatingin sa kaniyang boyfriend. 

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya. Dahil baka may problema ito at gusto niyang damayan ito kung sakali nga naman na may problema ito. 

"H-huh? Ah eh, wala." Kahit na hindi siya kumbinsido ay tumango na lamang siya at nanahimik na lamang. 

"Alam mo hindi ako makapaniwala na 2 years na tayo ang tagal na natin noh?" Nakangiting tanong niya sa kaniyang kasintahan. 

"O-oo nga eh, amm." Muli nanaman siyang napatingin dito. 'May hindi ba siya sinasabi sa akin, para kaseng balisa siya hindi naman siya ganyan eh.' Nag-aalalang tanong ni Kelianne sa kaniyang sarili. 

"May problema ba? Pwede mo namang sabihin sa akin eh." Nakangusong saad ni Kelianne. Nakita naman niyang napabuntong hininga ito. At lumingon sakanya wala kang mababasa na kahit anong emosiyon manlang dito. 

Hindi alam ni Kelianne pero nakaramdam kaagad siya ng kaba, dahil sa tingin nito sakanya. 

"Kelianne." Mas lalong nagpakaba sakanya ang pagtawag ng kasintahan niya sa pangalan niya. 

'Nakakapagtaka dahil hindi naman ito ang tawag niya sakin.' Kinakabahang nasa isip ni Kelianne. 

"Ano ba kase yon? Kinakabahan ako eh." Natatawang sambit ni Kelianne at pilit na ngumiti, hindi niya alam pero nakakaramdam siya na hindi maganda ang sasabihin nito sakanya. 

"Sawa nako." Napatigil naman siya sa narinig niya. S-sawa na? Saan siya sawa? 

"S-saan dito ba?" Sabay turo sa pagkain na kinakain nilang dalawa kanina. Kahit alam na ni Kelianne ang sinabi nito pilit niyang sinasabi na 'Hindi totoo, baka hindi totoo.' 

"Kelianne seryoso ako." Mabilis na nangilid ang luha niya dahil sa sinabi sakanya nito. 

"Seryoso din ako, hindi kase kita magets baby eh ayos naman tayo diba? Masaya tayo anong problema mo may nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?" Naiiyak na tanong ni Kelianne. Pabagsak na ang mga luha niya pero pilit niya itong pinipigilan. 

"Wala. Kelianne ayoko na, mag-break na tayo." Tuluyan ng gumuho ang mundo niya dahil sa mga salita na narinig niya. 

Para siyang sinasaksak ng ilang matatalim na bagay sa puso niya, napakasakit. 

"Baby naman eh, hindi naman april fools day ngayon eh grabe yung joke mo." Natatawang sabi ni Kelianne sakanya kahit tumutulo na ang mga luha nito. 

"KELIANNE ANO BA!" Nagulat siya ng sigawan siya nito. "HINDI MO NA NAIINTINDIHAN SAWA NAKO! MANHID KABA ILANG ARAW NAKONG MALAMIG SAYO PERO NAGPAPAKATANGA KA PADIN!" Bawat salitang naririnig niya ay tumatagos sa puso niya, sobrang sakit. 

Oo naging cold siya ni hindi na niya ako nirereplyan sa mga text at tawag ko, magrereply siya pero minsan isang beses lang. Kung dati palagi siyang pinupuntahan sa bahay ngayon ay hindi na, minsan pinupuntahan niya ito sakanila pero hindi naman siya nilalabas. Sinasabi na umalis daw ito kahit ang totoo alam niya sa sarili niya na tinataguan lang siya nito. 

"Oo lahat yun napansin ko! Hindi ako manhid yung pagiging cold mo sakin, yung hindi ka nagpaparamdam yung ilang araw mo na akong dinededma lahat yun napansin ko! Lahat lahat pero nanahimik ako.." Umiiyak na sambit ni Kelianne, hindi naman makatingin sakanya ang lalaking mahal na mahal niya. "Tiniis ko lahat yun kahit sobrang sakit, tinatanong ko kung bakit? Kung bakit naging ganyan ka? Bakit moko iniiwasan bakit moko hindi kinakausap bakit -moko dinededma at kung bakit nagbago kana?" Sunod-sunod na sambit ni Kelianne habang umiiyak. "Pero hindi ko tinatanong yun, hindi ko tinanong lahat yun kase natatakot ako eh." This time ay nakatingin na sa kaniya ang lalaking mahal niya. At mas lalo siyang nasaktan ng wala manlang siyang mabasang kahit na ano dun?

'Hindi kaba nasasaktan? Hindi kaba nalulungkot? Wala naba talaga? Balewala nalang ba sayo lahat?' Umiiyak na tanong ni Kelianne sa kaniyang isipan. 

"Natatakot ako eh.." Patuloy niya sa pagsasalita at nakatingin ngayon sa kaniyang lalaking iniibig. "Natatakot ako na baka magtanong ako, baka masaktan lang ako sa maging sagot mo." 

"Ngayon may sagot na lahat, tapos na tayo." Sa pangalawang pagkakataon ay muling nabasag ang puso niya. 

"Sasayangin mo nalang ba lahat ng pinagsamahan nating dalawa? Paano na yung mga pangarap natin na magkasamang dalawa ganun ganun nalang bayon lahat?" Umiiyak na tanong ni Kelianne. 

"Sorry kung pinaasa kita, pero Kelianne hindi na talaga kita mahal mahirap bang intindihin yun." Ano bang ginawa ko? Para masaktan ng ganito nagmahal lang naman ako diba? Pero bakit ako nasasaktan ng ganito kasakit? 

"Ang dali namang sabihin sayo yan." Napapailing na sambit sakanya ni Kelianne. "Ang daling sabihin na hindi mo na ako mahal." Umiiyak na sambit ni Kelianne. 

"Ayoko na ng drama, please break na tayo." Hindi na nakapagsalita pa si Kelianne dahil tinalikuran na siya ng lalaking una niyang minahal at akala niya ay hindi siya iiwan. 

Akala ko ba mahal moko?

Akala ko ba hindi moko iiwan.

Ang sabi mo walang-iwanan diba?

Bakit ikaw itong unang nang-iwan? 

Bakit? 


The Girl Who Can't Move On (On going)Where stories live. Discover now