•1° Tree house

308 5 3
                                    

"Kyaaaaaaaaaa. Guys paparating na sina Clyde!"

Ang ingay! Kailangan ba sa unang araw ng klase ganyan agad?! Darn it.

""Kyaaaaaaaaaa! PAPA C!"

Tungunu lungs! Di ba sila nagsasawa sa pagmumuka nyan? Kasi ako? Sawang-sawa na. Aish. Ilang taon na nila yang nakikita dito makasigaw sila laging parang first time?! -_-

"OHHHH TO THE EMMMM TO THE JIIIIIIII!! Papa Skyyyy let's go to heben!" 

At Yun nga.. ! Papasok na nga sila ng classroom habang nakapaksil ang maangas nilang pangit na muka.

Pwe! Mga Feeling artista.

Well... Mga artista naman kasi talaga sila.

"Clyde notice me pleasee!" Sabi ni Sheena. Aba matinde. Pati ba naman sya?! 

At yung mga tukmol parang Wala lang sakanilang pinagkakaguluhan sila. Sapakin ko kayo jan eh.

Feeling sikat. Mmmmm. Sikat naman kasi talaga sila. Artista nga eh. Che! Mga apat na damuho. Salot sa lipunan. Taga-dala ng malas. Walang katahimikan ang mundo pag nasa paligid mo sila.

Kung pwede Lang magpalipat ng classroom eh. Hay nako.

Makatulog na nga.

.

.

.

*poke*

Aish.

*poke*

Ano baa! Natutulog yung dyosa eh.

*poke*

Tumigil nga! Pag talaga nagising kaluluwa ko sasapakin ko kung sino ka man.

*poke*

Tss. Isa pa -__-

*poke*

"Putchang gala naman oh.. Natutulog yung tao istorbo ka" ihahampas ko na sana bag ko kaso si Prof pala to.

I'm doomed!

"Hi Prof-"

"Get out of my class! NOW!"  Sabay turo sa pinto.

Tengene leng.. Aba malamang dun talaga ako pupunta. Di naman ako nagbabalak na lumabas sa bintana no.

Bahala kayo jan.

.

.

*munch*

*munch* mmmm. Heben! Ang sarap tumambay sa Cafeteria pare. Sana ito nalang classroom ko. Siguro Pag ito classroom ko baka araw-araw akong ganadong pumasok.

Teka ah... I just wanna clear something okie.

Kung ang ilan sa inyo ay nag-iisip kung tomboy ako...

Well...

Hindi -_-

Madaming nag-sasabi Sayang daw ako.

Kesyo kagandang dalaga (ehem) daw.. tapos tomboy?

Aba. Keenes Yun. Maka-accuse wagas.

Pasabugin ko kaya ng bomba bunganga nila. Shibar lang 

At dahil nga maganda ako. Aba malamang maganda din pangalan ko.

Syempre, isusumpa ko talaga parents ko Kung sobrang baho ng pinangalan nila sakin pero Hindi eh.. kasing ganda ko yung name ko. Kaya labs ko sila eh.

Ang Boyfriend kong BadingWhere stories live. Discover now