Anne POV
“Dayan, may naligaw ba akong dress dun sa closet mo?. Parang ang konti ng damit ko dun eh”
“Konti ?? Konti pa ba yung halos hindi na masara yung coset mo sa sobrang dami ng mga damit mo na nandun. Tell me Anne, konti pa ba yun?. Tss. Tingnan mo na lang sa closet ko kung meron.”
Ang aga-aga nagtataray na agad tong si Dayan. Daig pa may dalaw eh. Hahahaha PMS lang. Ay ! by the way, hello nga pala sa inyong lahat. I’m Anne Crisostomo, the new and improved Anne haha. Hindi na ako yung Anne na kilala nyu, nagbago na ako but still mabait pa din ako, may pagka-makulit nga lang. Tsaka lumalabas lang naman ang new version ko kapag mei something na hindi maganda na nangyari. At yung babaeng daig pa ang may PMS na yun ay si Dayan Foster, isa sa mga bestfriend ko, Fil-Korean nga pala sya. Sadyang may pagkamataray lang talaga sya pero mabait din naman sya once you know her more.
“Okay ! Titingnan ko na lang kung nandun nga.. BYYeeeee” sabi ko sa kanya sabay takbo papunta sa room nya. Dahil sa pagmamadali ko ay may nabunggo ako at ayun, napaupo ako sa sahig.
“Ouch !!!” rinig kong sabi ng nakabunggo ko na nakasalampak na rin ngayon sa sahig.
“Ayy..Sorry Mitch. Di kasi kita nakita.”
“Bulag lang Anne?. Tss. Syempre di mo ako nakita. Kaya nga nagka-bungguan tayo oh. Patulong na nga lang tumayo.” Tumayo naman ako at hinila pataas si Mitch.
Mitch Yson, ang simple at mabait kong bestfriend pero wagas kung makapangbara tapus mamilosopo, at may pagka-palabiro din. Minsan nga baradong-barado kami sa kanya. -___- . Fil-Korean din pala sya katulad ni Dayan, kaya nagkakaintindihan ang dalawang yan eh.
“Okay na… Sorry ulit Mitch. Cge punta muna ako sa room ni Dayan.”
“Ingat-ingat din kasi minsan Anne, baka sa susunod hindi na tao mabunggo mo at pader na, hindi na ako magtataka kung mabukulan ka.”
“Hahaha..Yes mam” Sabi ko sa kanya at tuluan ng naglakad papuntang room ni Dayan.
Pagbukas ko ng pinto, may nakita agad akong nakaupo malapit sa bintana at nagbabasa pa siya, ng precious books nya.
“Oh..Bakit ka andito Rhon?” tanung ko sa kanya.
“Ha?. Uhh, kasi kwarto ko to?”
Yan naman si Rhon ur Noomrevol. Ang tahimik at bookworm kong bestfriend. Pero napakatalino nyan, bookworm nga siya diba. May bookworm bang hindi matalino. Hahaha barahin ba ang sarili.
“Ay. Sayong room ba to? Akala ko kay Dayan.”
“Ah. Sa kabilang room pa yung kay Dayan.” Sabi nya
“he-he-he, sabi ko nga. Cge basa ka na ulit dyan.” At sinara ko na ang pinto nya.
Bago ang kay Dayan, may isang kwarto pa akong nadaanan, siguro kay Mhae to. Mhae Orlanda, ang bestfriend ko na mahilig sa music then may pagkawarfreak in a good way, tska masiyahin din sya, shopaholic nga minsan eh. ^__^
Kung mapapansin nyu lahat kami halos nagbago na, nagbago nga ba?.. hahaha. Sa 3 taon ba naman naming pag stay dun sa Amerika, sinu ba naman ang hindi magbabago dun. Though I prefer to speak tagalong most of the time, kahit na nasa Amerika kami, nagtatagalog padin naman kami. At ou nga pala, nung umalis kami ng bansa, ilang months lang at na promote si Dad sa company na pinagtratrabahuhan nya. Kaya nagbago din ang lifestyle namin, kung dati nasa Middle Class family lang kami, ngayon hindi na, kaya na naming makipagsabayan sa mga business tycoons sa bansa, ang sipag kasi ni Mom and Dad, kaya lumago ang business na itinayo nila. Marami na din kaming mga business ventures naipatayo in and out of the country.
![](https://img.wattpad.com/cover/13637752-288-k203223.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Manhid na Hearthrob
Teen FictionMeet Jezsie Quezon hearthrob but playboy...handsome but arrogant..He's rich and wants to be the center of attention..what he want he gets.. a master of bully.. This is Anne Crisostomo simple but smart..shy but talented..she's not that rich compared...