Chapter 3

45 0 0
                                    

"Shaina Ace Pov's"

Nandito na ko ngayon sa school.Hindi narin ako pumasok sa next class ko ,late na rin kase mapagalitan pa ako ng prof ko .Dumiretsyo ako sa office ni maam ivy ,kung natatandaan nyo sya ng nag hatid sakin sa room at sya din ang nagpafill up upang makapasok ako rito .Iniharap nya panga sakin yung limang lalake na napatumba ko nun .Sya lang din ang nakakaalam ng kakayahan ko sa pakikipaglaban .

Baka pwede pa kong umatras sa school na to.Hindi naman sa duwag ako ,Paano sa paglaban ko mabunyag ang katotohanan na hindi ako isang nerd .Paano kapag nahuli nila ako  ,Hindi pa naman ako sigurdo na nandito ang mga tauhan ng arthur na yun .Sabi ko nga ayoko pang mamatay .Tss

Nakarating ako sa office ni maam ivy .Kumatok muna ako bago pumasok.

"Oh Zhie ? Napadalaw ka"

"Alam kong alam mo kung ano ang pinunta ko dito maam .Bakit hindi nyo sinabi sa akin na hindi basta bastang school ito para sa mga normal na istudyante"

Nakakainis kase alam nya sa una palang na school ito ng mga gangster at mga kabilang sa mafia .Kaya pala ganun nalang ang pakiramdam ko dito.Ibang iba ang aura ng school.

"Hmmm.Normal na istudyante pa yung halos mapatay muna ang limang lalake na yun. Oh ? Baka naman natatakot kana ms.lopez !"

Nakangisi pa sya .Iniinis talaga ako ng isang to .Kung wala lang talaga kong galang sa mga matatanda kanina pang bumulagta ito .

"Kaya mong ipagtanggol ang sarili mo ms.lopez pero nag papaapi ka .Oh baka naman natatakot ka ?"

"Wala akong kinakatakutan maam . gusto kulang po ng normal na buhay.Kaya aalis na school na to"

"Ms lopez may patakaran tayo dito sa loob ng school na to .Ang sino mang pumasok dito ay hnd na pwedeng umurong pa .Wala kana ring magagawa ms.lopez "

Ano pa nga ba .Psh Busettt talaga pano na to.Umalis na ako bago pa ko maiinis ng tuluyan . Nagpunta ako sa likod ng school .Mas trip ko kaseng tumambay sa walang tao .

Papalapit na ako sa Likod ng marinig akong ingay  .Agad akong nagtago sa may puno at hinanap kung saan galing ang ingay na yun .Mukang may nagkakagulo .Unti unti akong lumapit sa Likod ng School at natanaw ko ang tatlong lalake na pinagtutulungan ang isa pang lalake .

Seryoso ba sila ,iisa lang yun pero kung mapagtulungan nila .Heller ! Tatlo sila tapos isa lang yun .Baliw ba sya bakit hindi sya lumalaban samantalang kayang kaya naman nya ang tatlong iyon . Kita ko kung pano sumuka ng dugo ang lalaking yun .Nagawa nya pang ngumisi sa tayo na yun .Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanila.

"Hoy unggoy .Isa lang yan tapos tatlo kayo .Hindi nyo ba kayang lumaban ng patas " pagtataray ko sa kanila

"Anong sabi mo miss .At sinong unggoy huh "   sabi nung isang lalaki na may hawak na tubo

"Buti pa kung ako sayo wag kanang makialam pa babae " sabi nung binubugbog nila

Aba .sya na tong tinutulungan .
Anak ng ? Babae ? Kung tadyakan ko kaya ang damuhong ito. Shaina pangalan ko Shaina ! Ayy zhie na pala muna.

Tinuloy na nila ang pangbubugbog sa damuhong yun .aba hndi ako pinansin ng mga to .

"Sabi ng wag nyo syang pagtulungan .Bingi ba kayo mga unggoy kayo "

"Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan miss "

Lumapit yung isa sakin at hinampas ako ng tubo  buti nalang nakailag ako tinuhod ko sya at napaluhod nalang ito sa sakit .Hindi pa ko nakuntento sinipa ko sya sa muka at napa aray naman ito sa sakit .

Lumapit ang dalawa nyang kasama at hinawakan ako sa mgkabilang kamay.Bago pa nila ako suntukin ibinalibang ko na sila sa sahig.Tinadyakan ko silang pareho.Susuntukin ko pa sana ang pagmumuka nila pero nagtakbuhan na sila .Buti nlng tlaga nagsanay ako.

"Diba sabi ko wag kanang makialam pa babae "

Lumapit sya sa akin agad naman akong napaurong mamaya banatan la ko nito

"Paano kung napahamak ka kargo pa kita huh" Lumapit ulit sya .Teka bakit ba sya lapit ng lapit sakin.

"Bakit ba ang kulit nyong mga babae huh "Lumapit ulit sya isang dangkal na ang lapit nya.Pader na rin ang sinasandalan ko

"Ah - eh ? Pw-Pwedeng lumayo ka"

Hindi sya lumayo kaya tinulak ko sya.
 

"Bakit hindi ka kase lumaban di sana hindi ako nangialam .Binubugbog ka nila"

"Wala kang pakialam"

Tumalikod na sya at naglakad.Aba ang damuho hnd manlang nagpasalamat .Bakit ko nga ba tinulungan yun .Hmp

Umalis na ako sa likod at dumiretsyo sa dorm ko.Siguradong nandun ang mga kadorm mate ko .Hndi ko pa sila nakikilala .Sana naman mababait mahirap din kase kapag madaming kaaway.

Medyo malayo ng konti ang Dorm.
Nakadating nako sa secondFloor kung nasan ang Room Ko dito .Kumatok ako.Bago buksan ng dalawang babae.

"Hi ikaw na siguro si Zhie "

Bati sa akin ng isang babae .may pagka morena ang kulay ng balat nito matangkad ako ng konti sa kanya at ang buhok nitong brown na umabot sa balakang nito ,muka syang barbie .

"Ah .Oo ako na nga"

"Tuloy ka " Sabi naman nung isang babae. Mag kasing tangkad lang kami nito ,Matangos ang ilong at maputi kumpara sa unang bumati sakin .Namimilog ang mga mata nito na may mahabang pilikmata .Kulay itim na kulot kulot na buhok na hanggang siko ang haba .Model ba sya ?

"Hi ako nga pala si alexa tawagin mo nalang akong Lexa Ito naman si Emerald" Nakipagkamay sila sa akin .

"Ako naman si Zhie "

"Ahm.gusto mo tulungan ka namin sa pag aayos ng gamit mo Zhie .Kanina kapa kase naming hinihntay Excited na nga itong si emerald sa bagong roommate .Hindi ka kase Dumaan dito kaninang umaga .san mo nilagay ang gamit mo? " Lexa

Dirediretsyong sabi nito .Madaldal siguro to .

"Late narin kase akong nkapunta dito sa school.Kaya iniwan ko nalang sa locker ang mga gamit ko para mkahabol sa klase "

"Gusto mo na bang matulog pagkatapos mo dyan .Oh kaya sumama kanalang samin mag mall ni Lexa para naman makilala kapa namin "Emerald

"Hindi na muna siguro ,pagod na rin ako siguro itutulog ko nalang to "

"Cge una na kame Zhie "

Umalis na sila .Naiwan akong mag isa sa Dito.Mukang makakasundo ko ang dalawang yun.Mga bandang 6 Natapos narin ako sa pagtitiklop ng mga damit ko .Hindi parin bumabalik ang mga roomnate ko .Medyo antok narin ako kaya Hindi na muna ako kakain .Siguro bukas nalang .Masyadong nakakapagod ang araw na ito .

Paano kaya kung hindi ako pinagbili ng mga magulang ko .Ano kayang kalagayan ko kung hnd nangyare yun.
Siguro Normal lahat ,Yung pumapasok lang ako sa normal na school .Yung hnd kuna kaylangang makipag away at pumatay ng tao .

Siguro hindi ako nagtatago ngayon .
Unti unting bumigat ang talukap ko  .Kaya hinayaan ko nalang lamunin ng antok ang sarili ko .

-------+





BLack ButterFlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon