"Shaina ace pov'sTeka nasan ako.Kaninong bahay ito.
Nilibot ko ang mga mata ko napakalaking bahay .Parang pamilyar ito sa akin nakarating na ba ako dati dito .Sa may hagdan may malaking Picture Frame Ng mag asawa masayang masaya sila sa litrato habang hawak hawak ng babae ang sanggol.Sino sila ? BAKIT parang kilala ko sila .Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang Kusina malapit sa bintana .Ano yun?Sinundan ko ang pinagmumulan ng ingay ,at nakita ko ang dalawang lalaki na binubuhusan ng gas ang buong lugar .Anong ginagawa nila ?
Lumapit ako para pigilan sila .Sinuntok ko ang isang lalaki na May hawak na lighter pero tumagos lang ito.Bakit tumagos lang ? Anong nangyayare ? Sumigaw ako ng Sumigaw para humingi ng tulong .Hanggang sa nagliyab na ang buong lugar .Nakarinig ako ng Sigaw sa taas Agad akong tumakbo at nakita ko ang mag asawa na pababa ng hagdan at humihingi ng tulong.Narinig ko pang sinasabi nito na balikan ang anak nya.
Sila yung nasa picture Frame .
Tumakbo ulit ako papuntang taas sa kabilang silid .Nakita ko ulit ang dalawang lalaki na hawak hawak ang sanggol habang tumatakas .Umikot ang paligid .Nakakahilo! Iminulat ko ang mata ko at nakita kong nasa ibang lugar na naman ako .Parang hospital .Naglakad ako sa kabilang hallway .Nandun ang mag asawa sa sunog kanina.Umiiyak ang babae .Unti unti akong lumapit sa kanila.
Nag uusap sila ."Evan ang anak natin balikan mo ang anak natin"
"Fel ! Bumalik na ko sa bahay natin Pero walang sanggol na nakita ang mga pulis kahit bangkay wala!"
"Patay na ba ang anak natin evan "
Hindi ! Hindi pa paty ang anak nyo nakita ko! Nakita kong tinangay sya ng dalawang lalaki .Gusto ko sanang sabihin ito sa kanila kaso Hindi nila ako maririnig .Umiyak lang ng umiyak ang babae .Naawa ako sa kanila bakit kaylangan mangyare yun .
Umikot ulit ang paligid .nakakahilo ano ba talagang nangyayare .
Nagising ako.Nasa room ako nagtuturo na pala ang prof buti nalang hnd ako napansin dito sa likod .panaginip lang pala .Anong ibig sabihin ng panaginip na yun ?
Natapos ang Klase .Dumiretsyo ako sa Cafeteria .Umorder lang ako ng paborito kong pizza at isang bottle ng tubig .Nagsimula na akong kumain ng nagsigawan ang mga tao sa cafeteria.
Ang iba ay nagtakbuhan pa sa labas .
Nakita kong papalapit sa akin ang dalawang roommate ko."Hi .Zhie nandito ka pala" Emerald
"Ah - oo "
"Tara sa labas ,may riot na naman siguro .tingnan natin "Lexa
Seryoso ba sila riot? Mas gugustuhin ko pang Kumain kesa manuod ng away sa labas .Pero bigla nalang akong hinigit nitong si emerald .Lumabas kami ng cafeteria at nakita namin na nag kakagulo nga ang dalawang grupo ng lalaki .Teka ? Kilala ko yun ah ! Yung halimaw na si Hell at Yung nabugbog kahapon sa likod ng school.
"Sino sila ?.Bakit nag aaway ang mga yan ?" Hindi ko na naiwasang magtanong bago lang kase ako dito kaya hindi ko mapigilang magtanong
"Hindi mo alam!" Emerald
Gulat na gulat na sabi nya .Syempre bago lang ako diba ?"Yung nasa kaliwa na grupo .Grupo yan ni Hell kadalasang ang tawag sa grupo nila ay HELL.Ang member nila ay si Kyrie ,Kyle at Zhyler At syempre ang lider nilang si Hell treavant .Ang gwapo nya no" Kinikilig pa nasabi nito .
"At sila ng rank 1 dito sa school .Apo din sya ng may ari ng school na to.Kinatatakutan ang grupo nila dito .Ang Infinity lang naman ang nag iisang bumabangga sa kanila" LEXA
"Infinity?"
"Oo .sila yung nasa kanan Sila ang infinity ! Magkalaban na talaga ang dalawang grupo na yan .Pero dati dw silang mag kaibigan .Balita ko nga Nag away sila sa iisang babae kaya nagkaganyan sila .Yung medyo blonde ang buhok ay ang lider ng infinity .Siya si Franco Lee .Sila ang rank 2 dito ."