Chapter 4

32 0 0
                                    

Arthur pov's

"Boss "

"Ano nakita nyo na ba sya? "

"Hindi pa boss. Mailap ang isang to boss.Sigurado ba kayong nandito pa sya sa pilipinas 3months na nating hinahanap sya "

Lintik na !

"Gawin mo nalang ang ipinagagawa ko hanapin nyo sya",

Sang lupalop ka nagtatago Shaina Ace at hindi kita matunton.Hahalugurin ko ang pilipinas makita kalang .Hindi ka makakatakas sa akin lalo nat alam mo ang mga connection ko sa mga ilegal . Hindi ko naisip na magtatraydor ka sa akin,Muntik ng masira ng babaeng yun ang negosyo ko ginawa ko pa naman siyang kanang kamay dahil magaling sya sa lahat ng bagay  .

Kung alam kulang na ganito ang kalalabasan maaga palang pinatay na kita.Hindi na sana kita kinuha sa mga magulang mo na pumatay sa ama ko .
Pero ayos lang yun nasiraan ko sila sayo .

Kawawang Shaina. Kung alam mulang sana ang totoo na Hindi ka talaga pinag bili ng mga magulang mo .Nakakatawa at napaglaruan ko ang mga magulang mo lalo na si evan.
Magiging miserable kapa shaina lalo na ang pamilya mo .Papatayin kita katulad ng pagpatay ng mga magulang mo sa Ama ko .

FLASH BACK
-------+

Kagagaling kulang sa school noon .
Pagdating ko sa bahay nakita ko ang mga bodyguard ng ama ko na nakahandusay sa gate palang lahat sila patay na ata may tama ng baril sa ulo .May nakaparada din na sasakyan sa harap ng bahay kung kanino man ito.

Nagmadali akong pumasok .Pabalibag kung binuksan ang pinto walang tao sa baba .Naglakad ako at nakarinig ako ng ingay sa taas .Si papa ? Tumakbo ako sa taas at unti unting sumilip sa kabilang silid kung saan nagmumula ang ingay na yun .
Abalang abala ako sa paligid ko baka may makakkita sa akin . Hanggang sa nakarinig ako ng putok ng baril .Agad akong sumilip sa loob.Nakita ko si Tito Evan na hawak ang baril at nakatutok sa ama ko. Nandun din Si tita Fella at ang mga tauhan nito
Nakabulagta sa sahig ang ama ko.

----End OF FlashBack

Hindi ko makakalimutan ang araw na yun .Si Evan at Si Fella ang mag asawang yun ang pumatay sa ama ko .Sila na tinuring kong Parang pamilya paano nila nagawa ito .Kaya pinangako ko sa Harap ng puntod ng papa na maghihiganti ako para sa pagkamatay nya .Gagawin kong misirable ang buhay ng mag asawa .Kaya naman ng malaman kong nagkaanak sila saka lang ako kumilos .

----FLASHBACK

"Boss anong gagawin nyo sa batang iyan .Bakit nyo pa pinakuha samin yan .Dalat sinama nalang natin yan sa pagsunog ng bahay ng mga lopez"

"Siya ang pagbabayadin ko sa atraso ng mag asawang yun"

-----End Of Flashback

Sinunog ko ang bahay ng mag asawa at pinadukot ang anak nila.Hindi ko alam kung buhay pa talaga ang mag asawang yun dahil sa sunog .Nakuha ko naman ang anak nila na Si shaina ,plano ko ang lahat maging sa pagsunog at pagdukot sa anak nila pati narin ang pagsasabi kay Shaina na pinagbili siya ng kanyang magulang para sa pera .Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya ng malaman nya na pinagbili sya ng sarili nyang magulang  Bagay na ikinatuwa ko. Hanggang sa dumating ang araw na pwede ko na siyang gamitin ,sinanay ko sya upang maging kanang kamay ko sa ilegal na gawain Hindi nya alam lahat ng pinapagawa ko sa kanya ay ilegal .Natuto syang pumatay para sa akin .Pero Hindi ko alm na magtratraydor sya at magsusumbong sa pulis.

Traydor ang babaeng yun .Nalaman nya ang totoo sa ginagawa namin .Kaya nagsumbong sya sa mga pulis .Buti nalang napatahimik namin ang mga pulis na yun .Pero ang babaeng yun nakatakas .Sanay pinatay ko nalng sya habang maaga pa .

Kahit saan kapa magtago shaina mahahanap kita  .papatayin kita at ipapadala ko ang bangkay mo sa magulang mo HAHAHA.


-------+

BLack ButterFlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon