Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga tao ang hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.
Ang punto ng may akda ay nagpapahiwatig siya upang maipakita niya ang isang anyo na dapat nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na sila’y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.
Ang napansin kong kakaiba na ginagawa niya ay wala dahil ginawa niya naman ang sanaysay upang ang mambabasa ay makaunawa sa pangyayari at makapulot ng aral sa Alegorya ng Yungib . Ang may akda ay gumagawa ng paraan upang ang kanyang sanaysay ay maihahalintulad sa naging karanasan ng tao , di mapagkaila na sa paggawa niya nito ay nakaranas din sya ng kadiliman na siya’y tumungo sa kaliwanagan.
Oo , nakaranas din kasi ako ng mga paghihirap sa buhay at hindi ko ito binalewala kundi gumawa ako ng solusyon sa tulong ng Panginoon akoy kanyang binangon at binuksan muli ang puso at tumayo na syang maghahatid sa akin patungo sa liwanag.
Tanong ko lang sa may akda ay :
Una , May karanasan ka din ba sa iyong ginawang sanaysay ?
Pangalawa , Sino ang naging o Ano ang naging inspirasyon mo sa paggawa ng iyong sanaysay ?
At huli , Sa iyong palagay makakagawa din ba ako ng sanaysay kagaya mo ?