Chapter 4

743 31 8
                                    


ANG TINGIN ko sa pupils ni Camille ay korteng puso habang kaharap niya si Gerard at nagse-shakehands ang dalawa. Ipinakilala ni Janice si Gerard kay Camille.

"Of course, who doesn't know the vocalist of The Juniors?" sabi ni Camille. "I'm a fan of your band, actually. Do you remember I told you that when we had a little chat at a party?"

Nakangiti si Gerard habang halatang may nire-recall. "Thank you."

"Saka nga pala," singit ni Janice dahil kailangan sa eksena. "Ito pala si Joanna, common friend namin ni Gerard."

"Hi!" Kunwari ay first time kong nakaharap si Camille. Nagkamay kami. "'Nice to meet you!"

"'Nice to meet you, too," nakangiting sabi ni Camille at pagkatapos ay tumingin ulit kay Gerard. "Anyway, nasabi sa akin ni Janice na gusto mo raw magpatulong sa lyrics."

"Ah, oo. S-in-uggest niya kasi. At saka ipinabasa niya sa 'kin 'yong isa sa poems mo na na-publish sa school paper. You're good. Okay lang ba sa 'yo?"

"Oo naman! Why not? I like music and poems at the same time. Naiisip ko nga rin na puwedeng magkaroon ng melody some of my poems."

"Really?" sabi ni Gerard. "Kung gusto mo, mag-trade na lang tayo. Arrange my lyrics at bigyan mo ng rhythmic pattern. Tapos, gagawan ko ng melody ang isa sa poems mo."

Namilog ang mga mata ni Camille. "I like that! That would be awesome."

"Good." Dinukot ni Gerard ang papel galing sa bag niya. "Ito 'yong copy ng lyrics na ginawa. Puwede mong iuwi sa bahay. Tapos magkita na lang uli tayo kapag naayos mo na para ma-check ko kung gusto ko 'yong arrangement na ginawa mo. Puwede mo ring ibigay na sa 'kin 'yong poem mo para magawan ko na rin ng melody."

Ahh... Si Gerard talaga. Halatang umiiwas talagang mapalapit sa babae. Paano siya made-develop kay Camille kung hindi sila magkasama habang inaayos ang lyrics at ginagawa ang melody? Kailangang palagi silang magkita at mag-usap.

"Alam mo, Gerard," sabad ko, sabay hawak sa balikat niya. "Dapat present ka kapag inayos ni Camille ang lyrics para hindi siya magsayang ng oras at effort. Paano kung hindi mo type 'yong atake niya? Eh, di uulitin na naman niya."

Teka. Parang may nagbago sa balikat ni Gerard. Parang kumapal. Nagwe-weights na ba siya?

"Oo nga," suporta ni Janice. "Dapat work together closely, gano'n. Hindi 'yong parang binigyan mo lang ng homework si Camille, Gerard. Tapos iche-check mo na lang kinabukasan. Gamitin n'yo 'yong vacant n'yo o kaya magkita kayo pagkatapos ng klase. Doon kayo sa headquarters ng Music Club para walang istorbo sa creative meetings n'yo."

"I'm game with that," sabi ni Camille kay Janice at pagkatapos ay bumaling kay Gerard. "Mas gusto ko nga 'yong may guidance ka habang ina-arrange ko itong lyrics mo para kung may hindi ka gusto, you could tell me right away. Hindi naman ako masyadong busy these days. I could see you at vacant time and after class."

Tumangu-tango si Gerard. "Kunsabagay. Naisip ko lang kasi na baka makaabala sa 'yo."

"Hindi naman," pa-charming na sabi ni Camille habang nakangiti. "Na-excite nga ako nang tanungin ako ni Janice kung gusto ko. I didn't expect you'd want to seek my help. Like I said, I'm a fan of The Juniors, so I'd love to be of help to you."

Halatang na-flatter si Gerard. "Thank you so much. I really appreciate it."

"No. Thank 'you.' Kasi gagawan mo ng melody ang isa sa poems ko. I'm so excited about it."

Nagngitian ang dalawa. Nagkatinginan kami ni Janice at nagkindatan. Success na naman ang second part ng plano. Wish ko lang, mag-succeed kami hanggang huli. Sana nga, si Camille na ang hinihintay ni Gerard para mabago ang view niya tungkol sa love.

Relationship Status: Friendzoned (St. Catherine High Series Book #6)Where stories live. Discover now