Chapter 6

2.2K 53 27
                                    


"WALA na talagang pakialam sa 'kin si Gerard," maktol ko kay Janice habang umaakyat kami ng hagdan papunta sa classroom.

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari noong Sabado. Bumili ako ng dalawang milk tea at dalawang clubhouse at binitbit ko papunta sa bahay ni Gerard. Ine-expect ko na magkakaroon pa rin ako ng chance na makausap siya dahil sasabay akong kumain sa kanya sa bahay nila sa ayaw at sa gusto niya. Pero ang naabutan ko sa bahay ay si Aling Pining lang. Umalis daw si Gerard. Pumunta daw sa kabanda niya. May practice daw.

Ang sama niya. Pinapunta niya ako sa hapon kahit alam niyang aalis siya. Iniwan ko na lang kay Aling Pining ang isang milk tea at clubhouse at kinain ko lang sa bahay ang sa akin habang naghihimutok.

"Bale-wala na talaga sa kanya 'yong pinagsamahan namin. Alam kong nasaktan ko siya noon pero isang taon na ang nakakalipas. Bakit hindi pa rin niya ako mapatawad?"

"Nanghingi ka na ba ng tawad sa kanya?" tanong ni Janice.

"Oo, 'di ba? Ilang beses akong nag-sorry sa kanya noon pero hindi niya ako pinansin."

"Noon 'yon. Eh, ngayon?"

"Paano naman ako makakahingi ng tawad ulit? Eh, ayaw niya nga akong bigyan ng chance na makausap siya. Siyempre, kailangan ko ng pasakalye kaya kailangang makausap ko siya nang matagal-tagal. Hindi naman puwede 'yong makasalubong ko siya tapos, sasabihin ko agad 'sorry na, please? Bati na tayo.' Nakakatawa naman 'yon. Ang awkward."

"Ano bang pasakalye ang sasabihin mo?" tanong ni Janice habang naglalakad kami sa corridor.

"Eh di, memories. Masasayang memories namin noong close pa kami. Baka kapag ipinaalala ko, bigla niyang ma-miss. Kaya kapag nag-sorry ako, baka ma-realize niyang panahon na para patawarin na niya ako at ibalik ang friendship namin noon. Pero paano ko naman magagawa 'yon kung ayaw niya akong makausap nang matagal?"

"Ano ka ba? Nawawalan ka agad ng pag-asa, eh. Subukan mo ulit."

Napabuntonghininga ako. 'Yong lungkot ko simula pa noong Sabado ng hapon, hindi pa nawawala hanggang ngayon. Ganito 'yong lungkot na naramdaman ko noong humihingi ako ng tawad kay Gerard one year ago pero hindi niya ako pinakinggan at hindi na kinausap pa ulit. Alam kong nasaktan ko siya pero nasaktan din ako dahil nasaktan ko siya. Dinibdib ko rin na nasaktan siya nang dahil sa akin. Hindi madali na sanayin ang sarili na wala na akong male best friend na tulad ni Gerard na kasama ko simula pagkabata. Kahit na lumipas ang isang taon at nasanay na ako na wala na siya para samahan, tulungan, asarin at maging kaibigan sa akin, hinahanap-hanap ko pa rin iyong moments na nasa tabi ko siya.

"Hindi na talaga siya nagke-care sa akin. Tinanggal na talaga niya ako sa buhay niya."

"Ang drama naman," comment ni Janice. "Imbes na mag-drama ka diyan, subukan mo na lang nang subukang maibalik 'yong friendship n'yo. Malay mo, kapag nakita ni Gerard 'yong effort mo, patawarin ka na niya."

"Sa tingin mo?"

"Oo! Basta try and try until you succeed. Ay, nga pala. Laban na nila Gary bukas. Gawa na tayo ng banner mamaya. Pupunta ako sa bahay n'yo."

Tumango na lang ako. Dapat ay excited ako kasi finals na ng interschool competition sa basketball. Doon na malalaman kung mananalo ang SCH team pero hindi maalis niyon ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa pambabale-wala ni Gerard sa akin.



MAY UPUAN na kami ni Janice sa gymnasium pero nang makita ko si Gerard at ang mga kabanda niya na lumalakad sa isang row sa kabilang column ng mga upuan, bigla akong napatayo. Tamang-tama, si Gerard ang huling umupo kaya wala siyang katabi sa kaliwa niya.

Relationship Status: Friendzoned (St. Catherine High Series Book #6)Where stories live. Discover now