Chapter 2

1.3K 37 14
                                    




MAG-ISA akong nakaupo sa bench habang hinihintay si Janice nang biglang may umupo sa tabi ko. Natigilan ako nang makitang hindi si Janice ang tumabi sa akin. Ngumiti sa akin si Camille. Si Camille Villados. Pinsan siya ni Derrick! Hindi kami personal na magkakilala. Kaya nabigla ako ng tabihan at ngitian niya ako.

"Hi!" bati niya.

At binati pa niya ako. "Hi!" Alanganin ang ngiting ibinigay ko sa kanya. Iniisip ko kung bakit out of the blue ay lumapit ang pinsan ng crush ko sa akin.

Dahil pinsan ni Derrick, pretty si Camille. Very girly ang porma. Obvious na pink ang favorite color niya dahil pink ang kulay ng headband at bag niya.

"I'm Camille Villados." Inalok niya ang kamay niya. "Derrick's cousin."

Talagang binanggit pa niya si Derrick na para bang alam niyang magic word sa akin ang pangalan ng pinsan niya. "A-Alam ko." Tinanggap ko ang kamay niya. "I'm—"

"Joanna Sevilla," siya na ang nagpatuloy.

Nanlaki nang slight ang mga mata ko. "Kilala mo ako?"

"Not really. All I know is... we could help each other."

Kumunot ang noo ko. "Help?" Ano namang tulong ang maibibigay ko sa kanya at siya sa akin?

"Yes. I saw you a few days ago pulling hair with Kara."

Lalong kumunot ang noo ko. Ano namang kaugnayan ni Kara sa tulong na maibibigay namin sa isa't-isa? Biglang may umilaw sa isip ko. Ah, baka naman isa si Camille sa mga buwisit na buwisit sa kamalditahan ni Kara. Baka enemies sila. At gusto ni Camille na magsanib-puwersa kami para mapabagsak si Kara.

"Then, I saw Gerard pulled you out of the gymnasium. Na-curious ako kung ano ang relationship n'yo kasi ipinagtanggol ka niya kay Kara. Then I found out that you two are friends since childhood."

Naguluhan na naman ako. Hindi ko alam kung saan papunta ang sinasabi ni Camille. Bakit siya magkakainteres sa friendship namin ni Gerard?

"I like Gerard." Lumaki ang ngiti niya at pagkatapos ay humagikgik nang konti.

Ahh... Iyon naman pala. May crush pala kay Gerardo.

Nalusaw ang ngiti ni Camille at biglang sumibi. "Kaso hindi niya ako pinapansin. Am I not pretty enough?"

"Ha? Ah..." Sasabihin ko ba na hindi mahilig sa babae at wala pa sa isip ni Gerard ang love? "Pretty ka. Promise."

"So, bakit hindi niya ako pinapansin?"

"Uhm..." Gusto ko sanang sabihin ang alam ko tungkol kay Gerard. Kaya lang, pakiramdam ko, wala na akong karapatan para gawin iyon dahil hindi naman na kami friends.

"Wala siyang girlfriend, 'di ba?"

Umiling ako. Nakita ko ang relief sa mukha ni Camille pero biglang nagkaroon ng disappointment ang mga mata niya.

"Maybe I'm not his type of girl."

Napa-recall tuloy ako sa qualities ng mga naging crush ni Gerard. Walang specific. Basta maganda silang lahat.

"Since you're friends since childhood, siguro naman, you know his type of girl."

Nilapitan pala ako ni Camille para kumalap ng information tungkol kay Gerard. Parang gusto ko nang sabihin kay Camille na F.O. na kami ni Gerard para tigilan na niya ang pagtatanong. Kaya lang ay naalala ko ang sinabi niya kanina. Puwede daw kaming magtulungan. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

Relationship Status: Friendzoned (St. Catherine High Series Book #6)Where stories live. Discover now