"Naeco"
Hi! Hindi ko alam kung mababasa mo ba 'to, o kung mababasa mo pa nga ba 'to. Pero, gusto ko lang humingi ng tawad sayo. I'm sorry for A LOT of things.. I'm sorry for everything.
Ever since the first time we met, alam ko nang mabait kang tao. Ba't ko nga ba di maiisip yun kung ang pinaka unang ginawa mo nung nagkakilala tayo ay ang punasan ang mga luha ko? On that day, I had no one, so I bursted into tears. A lot was going on in my mind that day, but you were there. Nandun ka para iabot yung panyo mo at punasan ang mga luha ko. Ever since, you were there. You made me feel happy in even the simplest way you can. But unfortunately, I wasn't able to ask your name.
Years have passed, I think fate really meant to cross our paths. It was that summer. At first, I didn't recognize you. Pero dahil sa panyo mo, nakilala kita. Dalawa pala yung panyo na yun kaya isa sayo, tas isa sakin, yung bigay mo. Not-so-fun-fact about me, I never owned a single handkerchief. Pero alam mo bang tinago ko yung panyo na binigay mo sakin? Everytime I felt alone and depressed, I used that to wipe my tears. By using it, it felt like you were actually the one who wiped them. But unfortunately, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para mag pakilala sayo. But I knew it was you. I knew you were the kid who made me feel better that day.
But then again, ewan ko ba sa universe at pinagkataon pang kaklase kita at bestfriend ka pala nung kapatid ng childhood friend ko. Nung una, na turn off ako sayo dahil topless ka nung third encounter ko sayo. Another not-so-fun-fact about me, I dislike it when boys walk around in front of me, topless. But it was an accident, but even if it is, medyo naiirita talaga ako sayo at parang naging mortal enemies pa tayo.
Pero isang araw, umiiyak nanaman ako, you caught me. Pinigilan ko yung mga pababa ko palang na luha, pero napansin mo parin na umiiyak ako. I just had so much sht going on in my life. Alam ko namang hindi lang ako ang ganun, pero hindi siya madali.
For the second time, you were there for me. But take note, hindi mo pa alam na ako pala yung batang babae na pinatahan mo nun. Kaya ayun, naisip ko tuloy kung special ba talaga ako sayo at pinapatahan mo 'ko lagi o talagang gawain mo na yun talaga kasi di mo naman alam na ako yung batang yun noon. So the 'feeling special' faded.
Pero anong ginawa mo? Ayun, you comforted me and every single word from your mouth didn't fail to make me better. Ang sabi mo, "You remind me of someone."
Medyo natahan ako nun at bigla akong naging attentive sa sinabi mo. Tahimik lang ako at hinayaan kang mag salita, "I'm not very good at comforting girls when they're crying dahil hindi ko naman gawain yun. I did do that, once. Pero pareho yung dating niyo sakin eh. Oh, panyo, sayo na. Ayaw kong ibigay sayo yan dahil may sentimental value yan sakin. Because of that girl I was talking about. Pero sayo nalang. Oh siya, aalis na ako. Wag ka nang umiyak, hindi bagay sayo."
And again, you gave me another handkerchief. The exact same one na bigay mo sakin nun. Yung panyo na nag assure sakin na ikaw nga 'yong lalakeng yun. Yung kambal nung panyong bigay mo sakin nung una. Nung naka alis ka na, pinag kumpara ko yung dalawang panyo. Parehong pareho sila. But I was really amused. I never knew someone would do such a thing because of me. Hindi ko inakalang naaalala mo parin pala ako nun. Yung batang babaeng pina gaan mo ang loob.
Matapos ang pangyayaring yun, medyo nag bago ang atmosphere sa paligid natin. Hindi na tayo madalas nag babangayan at nag tatalo. We even became best of friends. Tuwing umiiyak ako, dinadala mo ako sa seaside tapos stargazing. At naging tradition nadin nating dalawa ang kumain ng ensaimada every 28th of February.
But I had to leave. I needed to follow my parents abroad, as planned. Kaya nga ako laging umiiyak nun eh, kasi tuwing mag babakasyon yung mga magulang ko sa pinas, akala ko hindi na sila aalis ulit at hindi na ako iiwan pa. Pero kailangan talaga nilang umalis.