"Pasensya na"
Pasensya na ah. Pasensya kasi hindi ako yung tipo mo. Pasensya na kung ikaw ang mahal ko. Wala akong magawa eh. Pilit kong iniaalis sa puso at isip kong wala ka talagang nararamdaman para sakin pero wala namang nangyayare. Pasensya na kung naiilang ako tuwing magkakahawak tayo ng kamay. Magaspang eh. Pasenya na ah, kasi di ako tulad ng ibang babae na malambot yung mga kamay. Ako kasi yung naghuhugas ng pinagkainan natin tuwing pumupunta ka sa bahay, tsaka sulat ako ng sulat kaya pasmado na rin. Pasensya na. Pasensya kasi kahit anong gawin ko, ikaw parin. May shota ka na nga eh peri ako, eto tinitingnan ka sa malayo habang nagtatawanan kayo. Habang ako, nakatingin lang at sinasabi sa sarili ko na sana ako nalang yung babae. Ang swerte niya eh. Bakit kasi sa lahat ng lalakeng makakahumaling sa puso ko eh ikaw pang imposibleng gumawa ng salitang tayo. Pasensya na kasi ako rin tong makulit na gusto kang pilitin mahalin ako. Pilitin habang ang puso ko ay pumipilipit sa sakit. Pasensya ka na ah? Humihingi ako ng tawad kasu pakiramdam ko, kasalanan na ang magmahal.
Pasensya na kasi mahal kita.
~Babaeng humihingi lang ng tawad sayo :)