Chapter 1: DA INFAMOUS ANGELS

2.8K 29 43
                                    

"Pandesal! Pandesal kayo diyan!" sigaw ni manong panadero sa labas

"Punyeta! aga aga nambubulabog!" inis na sabi niya at nagtalakbong na lamang.

'Oo, alam kong naghahanap buhay lamang si manong pero to think na alas kwatro pa lang ng umaga ay nambubulabog na siya? aba'y nakaka asar lang talaga." iritableng sabi ni Mikkaela sa isip

sigaw pa rin ng sigaw si manong sa labas ng biglang may nag ring na phone. Tinignan niya ito kung kanino, pero nagtataka siya dahil hindi naman sakaniya ito.

"Ah baka kay Sabreena." sabi na lang niya at nahiga ulit

Hindi niya ito pinapansin dahil hindi naman iyon sakaniya.

Ring pa rin ito ng ring at dahil na rin sa kairitahan at naririndi na siya ay kinuha niya ang cellphone at sinagot ang caller.

"Who's this?" iritableng tanong niya sa caller

[ Jane? ] sa kabilang linya

"Fvck you! My name is not fvcking Jane, understand? You, idiot!" galit na galit na pin ress niya ang end button saka hinagis ito sa pader, na siya namang ikinawasak ng cellphone, kung kanino man iyon.

Nagtakip siya ng unan sa tainga.

"Bullshit! Of all names, bakit yung name na iyon pa?" galit na galit na tanong niya habang pinipilit na kumalma dahil sa pagkakataong ito, alam niya sa sarili niya na kayang kaya niyang manakit ngayon, kahit sino pa ito. Buti na lang at magkahiwalay ang kwarto nila ng kaibigan niyang si Sabreena.

Ilang saglit pa ay kumalma na din si Mikkaela at sinubukan uling matulog

'Lintek naman oh! Bat ngayong gusto ko uling matulog, ngayon naman ayaw dumalaw ni antok, letcheng buhay!' inis na inis na sabi ni Mikkaela.

sa huli ay bumangon na lang uli siya at tinignan ang wall clock

'Alas singko ng umaga, hmm' napag isip isip niya na maaga pa kaya humiga ulit siya

*Knock knock

bumungad ang mukha ng kaniyang kaibigan sa pinto na parang aso kung maka ngiti.

"Ano nanaman kaya kelangan nitong, lukaret na to!" isip isip niya

"Besssy!" lumapit ang kaniyang kaibigan sakaniya ngunit siya ay nananatiling nakahiga sa kaniyang kama.

"Oh?" inis niyang tanong

"A-ano.. kasi eh." parang nahihiyang tanong ni Sab

'muntanga naman nito' isip isip ni Mikkaela

"Spill it, bitch!" seryosong sabi ni Mikkaela

She's a Wicked Bitch [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon