Chapter Two

63 3 7
                                    

CHAPTER TWO


"BaekBaek, mag-iingat ka dun ha! Napaka-ganda mo pa naman tsaka sexy baka bigla ka nalang hablutin ng mga lalaki dun. Hay nako basta, bilin ko sayo ha! Tsaka pag nahanap mo yung forever mo dun, sabihin mo agad saken." Sabi ni Yoona sa nakababatang kapatid niya. Si Baekhyun naman napatulala sa sinasabi ng ate niya.

"Ate, chill. Kaya ko toh tsaka kasama ko naman si Jongdae eh. Di ako pababayaan nun." Ngumiti siya nang matamis kay Yoona.

"Aigoo, ang laki mo na pala BaekBaek. Dalaga ka na huhu." Biglang naging emotional ang ate niya kaya naman biglang naweirduhan si Baekhyun.

"Mamimiss ka din daw niya Yoona. Hi Baekkieee~!" Naiinip na sabi ni Yuri ang pangalawa sa kanilang magkakapatid.

"Grabe mamimiss kita. Umayos ka dun ha. Tsaka marami daw gwapo dun! Siguraduhin mong pagbalik mo dito may boyfriend ka na ha. Mag-iingat ka dun, memakeup-an mo pa ko." Natigilan si Baekhyun sa pagbanggit ng Ate niya sa salitang 'boyfriend'. Wala siyang ibang nagawa kundi yakapin nalang ang Ate niya.

Hinanap niya ang bunso niyang kapatid. Nakita niyang nagtatago si Baekhee sa likod ng Daddy niya, umiiyak.

"Baekhee? Hindi ka ba magpapaalam kay Ate Baekhyunnie?" Malungkot na tanong niya. Napansin ni Baekhee na naging matamlay ang tono ng boses ng ate niya kaya humiwalay siya sa Daddy niya.

"Ate Baekhyunnie, wag na ikaw alis. Mag-isa nalang ako!"

"Nandyan naman si Ate Yoona at Ate Yuri eh."

"Gusto ko ikaw!" Umiiyak na si Baekhee kaya biglang nanlambot si Baekhyun.

"Shh. Baby, wag ka na umiyak. Sige ka, di na kita tuturuan ng contour pag bumalik ako." Pananakot niya sa batang kapatid.

"Promise ikaw, Ate." Sabi pa ni Baekhee bago tuluyang tumahan.

"I promise, Baekhee. Kapag bumalik ako di lang contour tuturo ko sa'yo okay? Love ikaw ni Ate Baekhyun." Sabi niya at hinalikan pa ang pisngi ni Baekhee.

Humarap si Baekhyun sa mga magulang niya. Ngumiti nang matamis ang Hari sa pangatlo niyang anak.

"Anak, wag ka magtatampo sa amin ng Mommy mo ha? Alam namin na di ka natutuwa sa ngayon pero pagdating mo sa Seoul, sigurado akong matutuwa ka dun."

"Hindi naman po ako nagtatampo eh. Tsaka alam ko po na ginawa niyo toh para sa ikasasaya ko kaya thank you po Daddy. Mamimiss ko po kayo. Pasabi din po kay Mommy na mamimiss ko po siya." Tumango ang Hari at niyakap ang anak.

Wala ang Reyna kasi mayroon siyang lakad sa karatig na bansa. Yun ang akala ni Baekhyun. Pero ang totoo ay may inasikaso ang Reyna sa Seoul.

---

Maayos na nakarating si Baekhyun at Jongdae sa Seoul. Nasa isang van sila ngayon kasama ang royal bodyguards. Dadalhin sila sa isang penthouse na magiging address nila Baekhyun for the meantime.

Hindi na pinagsuot ni Jongdae ng mga damit na hindi makikilala si Baekhyun dahil hindi naman siya masyadong exposed sa public. Sunglasses lang ang pinasuot niya.

my stylist | chanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon