Chapter One

104 3 3
                                    

CHAPTER ONE

"Baekhyun! Gigising ka ba o gigising ka?" Sabi ni Jongdae habang hinahampas ng unan si Baekhyun para magising. Gising na si Baekhyun pero tinatamad siyang bumangon.

"Maldita ka! Kapag ikaw inakyat ng Reyna, bahala ka sa buhay mo." Agad namang bumangon si Baekhyun kahit antok na antok pa siya.

Medyo takot kasi siya sa nanay niya. Sobrang pasaway kasi si Baekhyun. Kahit alam niyang bawal, gagawin niya pa din kaya madalas siyang grounded.

Naligo na agad si Baekhyun para naman daw presentable siya sa dining table. Actually, kahit hindi siya maligo, presentable pa din siya. Isang house rule, or palace rule ang pag-kain nang sabay-sabay ng royal family. Kapag lumiban ka, may consequence kang haharapin.

Bumaba si Baekhyun sa dining room. Nakita niya ang Hari at ang Reyna palang ang nandoon. Wala pa ang tatlo niyang kapatid. Lumapit si Baekhyun sa kanila at nag-bow.

"Wow. Ang aga mo ngayon, Baekhyun." Pag-puri ng Reyna sa anak niya. Ngumiti lang si Baekhyun.

Marami ang nag-iisip na si Baekhyun ang black sheep ng royal family pero ang totoo ay hindi. Ilang beses nang napatunayan ng Reyna na hindi malas si Baekhyun sa pamilya nila. Sa totoo lang, sobrang unique ni Baekhyun kung titignan.

Matapos ang ilang minuto, dumating din ang tatlo niyang kapatid na babae. Si Yoona ang panganay at ang tagapagmana ng korona at trono. Si Yuri naman ang pangalawa sa magkakapatid. Hindi malayo ang age gap ni Yoona at Yuri sa isa't-isa. Nang ipinanganak si Yoona ay agad siyang sinundan ng Hari at Reyna kaya wala pang isang taon ang agwat nila. Sumunod naman si Baekhyun after ng dalawang taon. Tapos ang bunso nilang kapatid na si Baekhee na 5 years old palang.

"Ate Baekhyun!" Sigaw ni Baekhee mula sa kwarto niya. Pumunta si Baekhyun sa kwarto ng bunsong kapatid.

Nakita niyang hinahanda ng kapatid niya ang makeup niya sa vanity mirror ni Yuri.

"Contour! Paturo ako." Sabi ni Baekhee na ikina-ngiti ni Baekhyun. Lumapit siya sa kapatid niya at tinabihan siya sa upuan.

"Wala ka namang cheekbones eh. Tignan mo puro taba yung pisngi mo! Ang cute cute ng baby ko." Sabi ni Baekhyun habang pinang-gigilan ang pisngi ng kapatid niya.

Si Baekhee lang ang kamukha ni Baekhyun sa kanilang mag-kakapatid. Kahawig niya lang si Yoona at Yuri pero si Baekhee talaga ang parang carbon copy niya. Parang dalagang version lang ni Baekhee si Baekhyun.

"Hmp. Kaya nga paturo ako mag-contour eh! Makeup ko ikaw, Ate!"

"Makikita ni Mommy yan!" Biro niya kay Baekhee.

"Princess naman ikaw eh! Okay lang yan." Pagpilit niya sa nakakatandang kapatid.

"Ayaw ko, baby."

"Ehhh! Ate naman eh!"

"Baekhyun." Nanigas si Baekhyun nang marinig niya ang boses ng kanyang nanay. Agad siyang tumayo at lumapit sa Reyna.

"Bakit po, Mommy?"

"Pwede ba kitang makausap?" Tumango si Baekhyun nang mabilis.

"Baekhee, kakausapin lang ni Mommy si Ate Baekhyun ha?" Sabi ng Reyna sa bunso niyang anak.

"Mommy, balik mo si Ate Baekhyunnie agad po ha!" Hinalikan niya sa pisngi si Baekhee at lumabas na ng kwarto.

Pumunta sila sa office ng Reyna kung saan ito 'daw' ang pinaka-mysterious na lugar sa palasyo. Tanging ang Reyna at ang Hari lang ang nakakapasok dito. Kaya naman sobrang na-amaze si Baekhyun.

my stylist | chanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon