Episode 33 : Nightmares

2.1K 77 30
                                    

Episode 33 : Nightmares



Patingin po sa media. Young version of Loda, Morpheus and Jill 



********

[3rd Person's PoV] 



Matapos ang ilang araw na pamamalagi nina Maki at Lily sa ospital, sawakas ay makakalabas na rin ang mga ito. Pero gayunpaman, di padin sila masyado magaling kaya kailangan parin nila ng mahabang pahinga.


At ngayon ay pauwi na nga ang mga ito sa Palasyo ng Virgo--kung saan iilang mga myembro na ang naka abang sa pagbalik nila.


"Totoo ba yung balita? Taga protekta na din daw si Maki ngayon ng Boss!" 


"Yung batang sastre?" 


"Di naman nag nagtatahi yun gago."


"Daming karayom na dala e hahahaha kulang nalang bigyan mo ng sinulid at tela."


Rinig ni Gordon sa gilid niya ang usapan ng mga ibang myembro. Napabuntong hininga nalang siya. Pati siya ay di rin makapaniwala sa balitang nalaman nila. Binata palang siya yun na ang pangarap niyang posisyon, ang maging isa sa tagapag bantay ng isang Boss ng Virgo. Sa panahon ni Vlad hindi siya nabigyan ng pagkakataon, pati sa panahon ng anak nito ay wala na rin talagang pag asa. Lumilipas na ang panahon, tumatanda na siya, at mukhang hanggang pangarap nalang ata talaga para sa kanya ang bagay na yun.


Tapos ngayon maririnig niya nalang na ang malapit sakanya na pinakabatang kasamahan nila ay nagawa ang pangarap niya.


"Swerteng bata." Naibulong nalang nito habang nakangiti.


Maya maya pa ay dumating na nga ang sinasakyan nina Maki at huminto sa tapat nila Gordon.


Nang bumukas naman ang pintuan nito ay nagulat nalang ang lahat nang may biglang tumalon don at tsaka nag superhero landing pa kahit may benda yung isang balikat niya.


"Wooaahhh" Manghang reaksyon ng iilang myembro.


Ngumiti ito at tsaka tumayo sa harap nila at tsaka tinaas ang kamay at kinuyom pa. "EEYYOOOWWW!" Sigaw nito with feelings sabay pikit pa ng mga mata. "Meron akong ibabalita sainyo mga mahal kong kasama." Umpisa nito. Tapos ay unti unti itong nag smirk kasi feeling niya ang cool niya talaga sa mga oras na 'to.


Tinuro niya ang sarili niya at tsaka angas na binukas ang mga mata "TAGAPAG BANTAY NA AKO NG BOSS!! HAHAHAHAHHAHAH! ANO KAYO AHH?? ANG GALING KO DIBA? HAHAHAHAHAHA!!" Pagmamayabang nito habang sobrang lakas pa ng halakhak. Di niya alam na may nakatayo na pala sa likuran nya na parang papatayin na siya sa sobrang sama ng tingin.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon