Episode 12 : Chasing Target

2.1K 97 10
                                    

Episode 12 : Chasing Target


*Guys pakitingin sa media, perfect photo para sa Virgo Mafia Hahaha ang astig (ctto)


( Sorry sa typos and errors )


***********


[3rd Person's PoV]


*Flashback*


Sa isang maulang gabi, habang mahimbing na natutulog si Almira katabi ang sanggol nyang anak na si Virgel ay marahas nalang na bumukas ang pintuan ng kwarto--dahilan para magising ang mag ina.


Sa sobrang kaba ay mabilis na binuksan ni Almira ang ilaw para tignan ang lalaking nasa gitna ng pintuan na parang hinihingal pa. Nung mabuksan niya ito ay takhang taka ito sa nakita niya. Basang basa ang damit at katawan ng asawa niya at puno ng putik ang dalawang binti nito na para bang galing sa pag aararo.


"Vlad? Anong nangyari sayo? Ba't basang basa ka?" Takhang tanong ni Mira. "Saan ka ba galing?" Pahabol pa nito. Pero sa halip na sagutin, ay pumunta lang si Vlad sa may cabinet nilang mag asawa at kumuha ng luggage at mga damit.


"Teka anong ginagawa mo??" Tila naguguluhan na si Mira sa inaakto ni Vlademir. Base kasi sa mukha nito ay parang tarantang taranta ito.


"Umalis na kayo." Tipid na sagot ni Vlad habang kinukuha ang mga damit ni Mira at tsaka mabilis na tinatambak sa luggage.


"A-ano? Ano bang nangyayari sayo?!" Nagtaas na ito ng boses dahil hindi na niya alam ang nangyayari. Biglang umiyak si Virgel kaya kinarga niya ito. "Huminahon ka nga jan."


"Dalhin mo si Virgel." Matapos ipasok ang iilang damit ni Mira sa luggage ay tumayo na si Vlad at tsaka hinarap ang asawa nito at tinignan sa mga mata.


Pansin naman ni Mira na punong puno ng takot ang mga mata ni Vlademir kaya mas lalo itong kinakabahan. "A-ano bang problema?"


"P-pakiusap, Mira. Umalis na kayo." Tanging sambit lang nito. Di na mapigilan ni Mira ang mapaiyak. Napansin naman niya ang kaonting pulang mansta sa puting polo ni Vlad.


"Bat ba ayaw mong sabihin sakin kung anong problema?!!" Di na mapigilan ni Mira ang nararamdaman niya. Bakit siya pinapaalis sa sarili nilang bahay ng ganito lang?


Yayakapin sana ni Vlad ang asawa niya pero tinulak lang siya palayo. "Sabihin mo sakin!!"


"Di ko kayo kayang protektahan ngayon.." Mahinang sagot ni Vlad habang nakadungo. Hinawakan ni Vlad ang magkabilang balikat ni Mira at tsaka tinignan ulit sa mga mata "Hindi ko kayo kayang protektahan laban sa sarili ko ngayon!" Sigaw nito na nagpatigil kay Almira sa paghagulhol.


"Pakiusap.." Niyakap ni Vlad ang asawa niya at sa pagkakataong 'to ay di na ito pumalag. "Ayokong may mangyari masama sa inyo, kaya pakiusap, umalis na kayo." Humiwalay sa pagkakayakap si Vlad at tinignan ulit ang asawa, at halos manginig lahat ng katawan ni Mira nung makita nito ang mga mata ng asawa niya. Tila nag iiba na naman ito.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon