Episode 38 : Ally in Disguise

1.5K 59 8
                                    

Episode 38: Ally in Disguise



Hi. Di ko nalang i o on-hold to. Tatapusin ko nalang talaga muna to bago ako babalik sa Book 1 para mag ayos hahah tutal lapit na rin namang matapos to. Siguro Mga 6 to 10 Episodes nalang hahah kapit lang, malapit na tayo :) 


( Pakitingin sa media. Uranos Corsica of Gangsta as Gideon Saquin)


************


[3rd Person's PoV]


--Fuego's Mansion--


"Nakita mo ba sila Veronica?" Kanina pa hinahanap ni Elrien sina Veronica at Stephan bitbit ang isang sulat. 


"Baka nandun lang ulit sila sa basement, Ma'am." Sagot ng isang tauhan na nakasalubong niya. 


"Nandun na naman sila? Tambayan ba talaga nila ang lugar na yun?" Curious na tanong nito. Kasi halos araw araw, simula nung mawala si Vlad ay palagi nalang namamalagi yung dalawa dun sa basement para magpalipas ng oras. 


"Opo Ma'am eh." 


"Sige." Tinahak nalang ni Elrien ang daan papuntang basement. Di naman na sana siya mag aaksaya ng lakas para maglakad pero kailangang  malaman ng dalawa tong sulat na hawak hawak niya ngayon.


Pagkapasok niya, as usual, sobrang tahimik parin, tanging ingay ng nagbabanggaang mga bola ng billiard lang ang maririnig mo na kasalukuyang nilalaro ni Nica. Di niya talaga maintindihan ba't nila nagagawang tumambay sa lugar na 'to e napaka boring ng awra. 


"Napadaan ka." Wika ni Nica ng hindi siya tinitignan. 


"Dumating na ba?" Tanong naman ni Stephan na kasalukuyan ring naka laptop lang sa gilid ng upuan. Mejo nagulat naman si Elrien sa tanong nito. "Alam mo na?" 


"Naman."


"Laptop ba naman kasama buong araw." Singit ni NIca kaya natawa ng konti si Steph. "Ano ba yang pinag uusapan niyo?" Pahabol pa nito.


"Eto." Inabot ito ni Elrien at kinuha ni Nica para tignan.


At nang mabasa niya ang mga nakasulat dito, kunot noo itong tumingin kay Steph. "Totoo ba to?"


"Oo. Ang presidente mismo ang gumawa ng liham na yan para ipadala satin." 


"Ba't naman tayo iniimbitahan ng Presidente sa isang meeting bukas? May problema ba?"


Nagkibit balikat lang si Steph habang nakatingin lang sa laptop. "Di ko rin alam."


VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon