Ipinikit ko ang dalawa kong mata at dinama ang simoy ng hangin. Tulad ng pagkakaalala ko noong bata ako, walang pinagkaiba, tanging mga usok lang ang pumasok sa katawan ko kaya mabilis akong nagsisi sa ginawa ko.
I can't believe it. I am finally here. Nakatapak ang dalawang paa sa bansang itinuturi kong bangungot.
Sa siyam na taon ko sa United States ay wala akong maalala ni isang beses na nagisip na bumalik dito. Kung ako lang naman kasi talaga ang masusunod, hinding-hindi na ako babalik dito.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ngayon na nandito na ako ay parang hindi naman pala ganoon kasama ang lahat. It still hurts thinking about my childhood but I can't deny that this country is still a home for me.
Tila bigla nagbalik 'yong alaala ko noong una akong makapunta ako sa Airport, hindi na naghintay si mommy at daddy noon at mabilis ang kilos na ginawa nila, matapos mapirmahan ang lahat ng papeles ay lumipad na agad kami sa United States.
Everything's strange for me back then, especially 'yong English langguage, ilang buwan pa ang nakalipas bago ako sa wakas nakagawa ng isang sentence sa English "I'm hungry mommy I want to eat." ang sabi ko.
Iginagala ko pa rin 'yong dalawa kong mata sa dagat ng mga tao na pumapasok at lumalabas sa malaking gate ng Airport ng mawala ang pansin ko doon, nalipat ang tingin ko sa harap kong kotse na bumusina.
Napahinga ako ng malalim at itinaray ang dalawa kong mata, sigurado akong si kuya Ashton 'yong pumipindot ng busina, parehas na kasi silang nakasakay samantalang ako ay napatigil sa pagpasok dahil sa rami ng ala-ala na biglang pumasok sa isipan ko.
Sandali muna akong namangha ng mapansing sports car iyong sundo namin. Well, I'm not into cars but the car is obviously hella expensive. That's really weird huh? Sinong may ari niyan at pinapa-arkila 'yong ganyang klaseng kotse?
Napalitan ng inis ang pagkamangha ko ng malakas na namang bumusina ang kotse, medyo galit na binuksan ko ang pintuan sa likurang bahagi ng kotse at pumasok na, ayon naman gusto nila 'diba?
So impatient.
The car's not that big, just like those usual average sports car size kaya noong pumasok na ako sa loob katabi ni kuya Dave at kuya Ashton ay tila naging sardinas kaming tatlo sa sikip.
I thought one of my brother is sitting next to the driver. Hindi pala, nagsiksikan tuloy kami dito ngayon sa likod.
My two big brothers are huge. Even before I arrived in their life, nagsasanay na rin sila ng iba't-ibang sports and all that kaya sobrang laki ng mga katawan nila.
Umusog ng kaunti si kuya Dave nang mapansin niyang halos hindi na ako nakaupo na dahilan nang pagbulong-bulong naman ni kuya Ashton sa tabi niya, just like before hindi ko na lang 'yon pinakinggan.
I can't think of anything. I just can't believe it, biglang nandito na lang ak sa Pilipinas at dito pa mag-aaral. It's crazy!
Dahil hindi ko alam kung saan ako titingin ay iponokus ko na lang ang pansin ko sa labas ng salamin na tabi ko, hindi mabilis ang takbo dahil sa buhol-buhol na mga sasakyan. Philippines.
Napataray na lang ako sa kawalan ng mapansin na hindi pa rin kami umuusad sa dami ng mga sasakyan na na'sa harap namin. Hindi sinasadya ay napatingin na lang ako sa lalaking nagdri-drive sa harapan namin.
Muntik na lang akong mapanganga ng makita ko ang kaunting itsura nito sa salamin sa may taas.
Tama ba 'yong nakikita ko?
BINABASA MO ANG
Loving the Demon
RomanceWould you still love a boy who's everyone telling you to be careful of? He's a demon--- they say.