3: The Demon

10.4K 273 17
                                    


Same old nightmares...

Ilang taon na ba nang huli kong mapanaginipan ulit iyon?

Madiin kong kinagat ang ibabang labi ko upang hindi ko magising si kuya Dave na natutulog pa rin ng mahimbing sa malaking niyang kama. 

Tumutulo ang mga luha sa mata ko habang nakayakap ako sa dalawa kong tuhod, kahit nararamdaman ko na ang sakit ng pagkagat ko sa ibabang labi ko ay patuloy ko pa ring ginagawa iyon 'wag lang makagawa ng ingay.

'Yong mga mata na iyon... muli kong nakita, walang emosyon, walang buhay at tila gusto akong paslangin.

Ano bang ginawa ko? 

Alam kong kahit masamang panaginip lang 'yon ay may isang pagkakataon sa buhay ko na nagkakatotoo 'yon, 'yung bangungot na iyon ay ang eksato ko ring napapanaginipan noong na'sa ampunan pa ako. 

I don't know. Hindi ko alam kung ilang buwan akong nagdusa at natatakot na matulog dahil baka mangyari na naman iyon sa panaginip ko.

Ilang beses ko ba kailangan maramdamang kalimutan at iwanan? 

What's wrong with me? Bakit ba mahirap akong mahalin? Half my life, ang pagkuha lang sa pagmamahal ng magulang ko at ng dalawa kong kapatid ang lagi kong iniintindi. Kahit madalas ay hindi ko ipinapakita ang emosyon ko ay alam ko namang sa sarili ko na ayon lang ang hiling ko.

Na mahalin rin nila ako... na para bang iyong pagmamahal na makukuha ko sa kanila ay matatakpan lahat ng sugat nang nakaraan ko.

"Makota?" Nagulat ako ng bigla kong marinig ang boses ni kuya Dave.

Nandito ako ngayon sa kwarto niya sa Building nila ng 'group' nila. I haven't done my research yet pero tingin ko ay bago ka makapasok sa eskwelahan na ito ay kailangan mong magkaroon ng grupo, hindi ko alam kung para saan. 

Grupo na iisa lang kayo ng titirahan?

O grupo kayo kasi pare-parehas lang kayo nang lahat ng subject?

I am honestly confused kung bakit parang sobrang big deal para sa kanila ng mga grupo pero sinabihan na ako ni kuya Dave na doon daw ako sa bagong gawang grupo ng mga babae. 

Huli na at hindi ko na naitago ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko ng biglang magbukas ang ilaw at mahinahon kong marinig ang boses ni kuya Dave. "What the fuck?" Halata ang kuryusidad sa boses nito at hindi siya tunog galit... tunog nagtataka siya actually.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, hindi niya dapat ako nakikitang ganito.

Sa unang beses ay nakita ni kuya ang mga luha ko.

"Makota?" May pag-aalala sa boses na tanong ni kuya.... meron nga ba o naririndi lang ako dahil hindi ako makaisip ng maayos matapos ang bangungot ko?

Sobrang sakit na ng ibaba kong labi dahil sa pagkagat ko dito upang pigilan ang mga luha ko na tumulo pa....I was just about to wipe my tears when I suddenly saw Kuya Dave's worried face.

Sobrang lapit niya.

"You're crying because.... you don't want to sleep in that tiny sofa?" Kung hindi lang una sa mga iniisip ko ang bangungot ko na kangyayari lang ay malamang baka natawa pa ako sa inosente niyang tanong.

"You can take my bed." Sandaling inayos ni kuya ang kama na magulo na dahil sa katutulog lang nn malaki niyang katawan. "I hate seeing you cry."


*****

"Fuck you King!" Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay ang malutong na mura na agad ni kuya Dave ang narinig ko, kahit inaantok pa ako ay di ko mapigilan ang sarili ko na mag-unat na.

Loving the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon