Day 21; narration

471 14 3
                                    

TRISHIA KIM'S POV

Sunday na, lonely padin ako sa bahay ko. Niyaya ako ni tita at Daehwi kasi daw aalis sila, tumanggi naman ako, tinatamad ako eh. Ayun kakatapos ko lang maligo nagsuot ako ng tshirt at pajama, oo kahit tanghali naka pajama ako. So what? Nasa bahay naman tsaka nilalamig ako, sensitive ako bakit ba. Tsaka as if na may bisita na pupunta.

Humilata ako sa sofa iniisip yung sinabi ni Euiwoong nung isang araw sa library,

"Alam kong magugulat ka, pero I like you. Di naman naging kami ni Sohye eh, may bf na pala siya hindi niya sinasabi, pinapaasa lang niya ako,"

"Halos 2 months din akong nag move on, then nakita ko nalang sa news feed ko yung bagong profile photo mo, wala ka ng glasses dun, tas yung hair mo naturally wavy na, basta ang ganda."

"Then nagstalk ako sa profile mo, andami palang nagbago. Hanggang sa naisip ko nalang yung mga ginawa mo para sakin nung mga time na gusto mo ako, masyadobg madami kung imemention ko pa,"

"Dun ko rin narealize all that time bakit si Sohye pa kung anjan ka naman. Sa tingin ko nga wala ka nang gusto sakin ngayon, pwedeg may nagustuhan ka ng iba, kaya pagbalik ko sa Seoul, ikaw agad naiisip ko,"

"Di ko alam. Basta may gusto na ako sayo, nakakainis nga ngayon ko lang narealize lahat. So Trishia, pwede ba kitang maging--"

*ding dong*

Aba puta, sino naman yun?

Napatayo ako mula sa pagkakahilata at lumabas,

"It's 13:36 at naka pajamas ka parin?" sabi ni Guanlin habang binubuksan ko yung gate,

"So what? Susuotin ko ang gusto ko suotin sa bahay ko, okay? Tsaka bakit ka andito?" tanong ko,

"Home alone ka daw sabi ni Daehwi," sagot naman niya at pumasok na sa loob,

"Aba? Di pa kita pinapapasok ah?" sambit ko,

"Papapasukin mo din naman ako eh," sabi niya ng isara ko yung gate,

Umupo siya sa sofa at tinignan lang ako,

"Tangina mo, Guanlin. Matutunaw ako," sabi ko sa kanya at napa tingin sa iba,

"Di ko naman kailangan ng kasama bakit ka andito?" tanong ko,

"Kasi gusto ko," sagot niya at sumandal,

"Order tayo," bigla niyang sabi,

"Ng ano?" tanong ko at umupo sa isang isa sofa,

"Ano gusto mo?" tanong niya,

"McDo, joke. Basta fast food," sagot ko,

"Exact food," sabi niya,

"Chicken and fries nalang tsaka sundae na rin, or kaya pero parang mas gusto ko ng baked foods," sabi ko,

"Tara bili tayo sa malapit," sabi niya,

"Katamad eh," sagot ko,

"Tinatamad ka sa pagkain?" nang aasar niyang tanong,

"Oo na nga eh, teka aakyat lang ako," sagot ko,

Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit sa jeans, kinuha ko na din yung jacket na suot ko dati nung kinuha ko gamit ni Daehwi, sa drawer ko kinuha ko yung wallet ko at bumaba,

"Tara na," sabi niya at binuksan yung pinto, lumabas kami at sinara niya yung pinto. Sinuot ko yung sapatos ko na nike, nag medyas na ako kanina sa taas.

Nang makarating kami, siyempre papasok kami sa loob. Bungad agad yung mga donuts, kagutom talaga. Agad kong tinignan isa isa, tsaka kinuha ang mga gusto ko, Bavarian Whole Wheat Donut, Strawberry Creamy Donut, Dual Filling Heart Donut, at mga 10 Munchkin. Kumuha naman si Guanlin ng Kisses Brownies, Chocolate Bundt Cake, Cinammon Churros at Milk Tea Latte. Binayaran na namin yung mga binili namin at binagay ang box samin, hiwalay na box syempre.

"Andami mong kinuha," sabi niya sakin ng makalabas kami,

"Food is life mah men," pag english ko sa kanya, inisnob niya nalang ako, kinapa ko yung pocket ko,

"Bat ko iniwan phone ko?" sabi ko sa sarili ko,

Naglakad si Guanlin sa unahan ko at tumigil,

"Bakit?" tanong ko,

"Pahawak ng latte ko," sabi niya at inabot sakin,bg makuha ko ay may kinuha siya sa bulsa niya.

LAI GUANLIN'S POV

Kinuha ko yung nasa wallet ko at itinaas,

"Tangina ka Guanlin di porket matangkad," sabi niya at nakatingin sa phone niya na nasa kamay ko,

Oo kinuha ko kasi alam kong makakalimitan niya yun dalhin, nakalapag kasi kanina sa sofa kaya kinuha ko na, lalabas naman kami.

"Tapon ko tong latte mo sayo eh, akin na yan," sabi niya at nag tiptoe, sinubukan niyang abutin pero di niya talaga maabot,

"Guanlin," para siyang naiiyak sa boses niya,

"Guanlin," pag gaya ko sa kanya,

"Eh!" sabi niya at inaabot padin,

"Eh~" pag gaya ko,

"Isa,"

"Isa~"

"Guanlin tatapon ko to sa mukha mo,"

"Guanlin~ tatapon ko to sa mukha mo~"

Ang cute niya tignan sa totoo lang.

"Eto na nga, kawawa ka eh," sabi ko ng inilagay ko sa bulsa niya ang phone niya, ibinalik niya namn yung latte ko.

Nakabalik na kami at pumasok sa loob, ng makapasok ay inilapag namin sa table yung mga box,

Umakyat ulit siya at nagpalit, suot niya na ulit yung pajama niya.

Bumaba siya at binuksan yung tv, nanonood kami ng mga Kpop groups, habang kumakain ng donuts. Ilang mga minuto, halos paubos na niya yung donuts niya pero nilagay niya yung mga munchkins sa ref, kakainin niya daw ulit mamaya pag nagutom siya. Naubos ko naman yung akin. Nagka kwentuhan kami ng mga kung ano ano, hanggang sa di na namin namalayan na nakatulog na kami.

AUTHOR'S POV

Antok na yung dalawa dahil sa lamig at sa comfortable ang inuupuan nila. Unang naka tulog si Trishia, dahan dahan bumagsak ang ulo niya sa balikat ni Guanlin, pinagmasdan naman ni Guanlin ang mukha niya, yeppeo. Ngumiti si Guanlin at ipinalibot ang brasi sabay patong ang ulo kay Trishia, at nakatulog na din.

Lagpas isang oras na silang tulog. Nang dumating si Daehwi, pumasok ito sa loob at bumungad sa kanya yung dalawa na tulog,

"Ang sweet nila tignan," bulong niya sa sarili, dali naman niyang kinuha ang phone niya at pinicturan ang dalawa,

Umupo ito sa kabilang sofa at pinatay ang tv,

"Aba nag Dunkin Donuts ang dalawa," sabi niya ng makita ang box.

"Guanlin!" ialng ulit na pabulong na tawag niya kay Guanlin, ilang segundo ay napadilat ng kaunti si Guanlin,

"Hoy gising!" pagbulong ulit niya, napadilat lalo si Guanlin at umayos ng upo,

"Kanina ka pa, Dae?" tanong ni Guanlin,

"Ngayon lang. Nawala lang kami ni Tita ng ilabg oras, ganto na kayo," sabi ni Daehwi,

"Hoy grabe ka naman. Di naman namin namalayan na makatuloh kami eh," sagot ni Guanlin,

"Akyat mo na nga sa taas si Trish, aakyat mo lang sa kwarto niya ah, wala nang iba," sabi ni Daehwi,

"Aba anong tingin mo sakin?" tanong niGuanlin at napatawa si Daehwi,

thirty days ㅡ lai guanlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon