Until He Returned: Kabanata 5 (Sayang) [Random]

1.3K 12 8
                                    

March 17, 2014

Ang mga susunod na eksena ay galing sa kwentong " Until He Was Gone " na isinulat ni jonaxx. Akin pong inirerekomenda ang kanyang mga gawa dahil isa ito sa mga nakapagbigay ng inspirasyon sa akin na magsulat.  

( Jonaxx/Queen J's profile ) link: http://www.wattpad.com/user/jonaxx ------>

( Until He Was Gone ) link: http://www.wattpad.com/story/11213950-until-he-was-gone

Hello ate salamat po sa pagpansin dun sa unang reaction ko. Love you much <3 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I go crazy... 

Umiyak talaga ako sa chapter na ito. Promise ! Hindi lang iyak ee humagulgol pa ako. :( 

Kasi naman nakakadala yung song tapos iniimagine ko pa yung si Klare nun. Mabigat kasi sa pakiramdam na ginawa mo na ang lahat tapos sa huli wala ka na ngang makukuha lalayasan ka pa ng lahat. LAHAT na inakala mong sila ang iintindi sayo pero ni hindin ka man lang pinakinggan ng maayos para mas maintindihan nila ang desisyon mo. 

Sa totoo lang nung nalaman ko na iniwan siya ng mga pinsan niya ee nainis ako sa kanila ng sobra. 

Hindi man lang nila naisip si Klare. Hindi man lang nila tinignan ang mararamdaman ni Klare. 

Oo may karapatan na sila ni Elijah pero damn naman ! Bakit ganun ? Di pa ba sapat na napatunayan niya na mas mahalaga ang pamilya kesa sa pag-ibig niya? 

Nakakainis ! Buti at nandyan sina Hendrix at Pierre. Saludo ako kay Klare. Ewan ko ba sa lahat ng naging bidang babae ni ate jonaxx siya ang pinaka hinahangaan ko. Masyado siyang malakas. Sa sobrang lakas niya hindi niya na maiisipan pa ang sarili niya. 

Kung pwede lang sanang pumasok sa screen at yakapin si Klare ginawa ko na. 

Elijah Rylie Montefalco is back and he's with his girlfriend but I'm still hoping that he loves Klare. 

Hahaha. Wala e yung titig kasi ee mas binigyan niya ako ng pag-asa na ipagpatuloy ko yung pagsuporta ko sa loveteam nila. 

Lahat ng anggulo titignan ko makahanap lang ako ng way para hindi bumitaw sa loveteam nila. HAHAHA ! 

Klarijah FTW kaya <3 

Welcome to hell Selena. Echos ! 

Erin and Eion OH MY GOD ! Hitad ! Joke ! Wala ee kaya naman pala masyadong affected si ate nung nasaktan si Eion kasi... 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Q: Bakit palagi kong tinitira si Erin sa mga update ko ? 

A: Sa isang kwento kasi meron at meron kang kaiinisan dun at sa kwentong ito ay si Erin ang pinakakinaiinisan ko. Ewan ko minsan kasi yung mga kumento niya sa buhay ni Klare ay hindi na dapat ee. Oo may karapatan siyang panghimasukin ang buhay ni Klare pero alam niya naman na sana ang limit niya. Sa nakikita ko kasi sa kanya hindi niya man lang tinitignan yung maffeel ni Klare. Yun lang.

Epic Reaction!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon