Until He Was Gone: Kabanata 42 - jonaxx

3.2K 22 4
                                    

March 1, 2014

Ang mga susunod na eksena ay galing sa kwentong " Until He Was Gone " na isinulat ni jonaxx. Akin pong inirerekomenda ang kanyang mga gawa dahil isa ito sa mga nakapagbigay ng inspirasyon sa akin na magsulat.  

( Jonaxx/Queen J's profile ) link: http://www.wattpad.com/user/jonaxx

( Until He Was Gone ) link: http://www.wattpad.com/story/11213950-until-he-was-gone

Hello ate salamat po sa pagpansin dun sa unang reaction ko. Love you much <3 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Until He Was Gone - Kabanata 42
"Aspial."



Kinilabutan ako sa nagsalita sa likod ko. Nilingon ko agad ang malungkot na mata ni Erin habang binasa niya ang box. Itinago ko iyon sa likod ko ngunit sa hitsura ni Claudette sa likod nilang dalawa ni Chanel, nahinuha kong huli na ang lahat.



"Kanino galing 'yan, Klare?" Tanong ni Chanel.



Mabilis ang hininga ko. What shall I do? Galing kay Daddy? Kay mommy? Kanino?



"Aspial." Inulit ni Erin ang brand na nakitang naka engrave sa labas ng box.

"Erin, Chanel, please..." Sabi ni Claudette.



Nagulat ako sa matapang niyang boses kahit na tumutulo na ang kanyang mga luha.



"Shut up, Dette!" Sabi ni Erin at kinuha agad sa likod ko ang regalo ni Elijah.



Sinubukan kong kunin ang box ngunit lumayo si Erin sa akin at pinigilan ako ni Chanel. Mabilis ang paghinga ni Erin at nanginginig ang kamay niya habang unti unting binubuksan ang kulay itim na box.



"Erin, akin 'yan." Nanginginig ang boses ko.

Nalaglag ang panga niya at marahang kinuha ang isang malaking barrette sa loob. Punong puno ito ng crystals at kulay violet ang katabing color ng mga crystals.



"Holy shit, pinagawa pa ito." Nakita kong bumuhos ang luha ni Erin.



Nabasa ang box kaya marahan niyang binaba ang barrette at pinasok ulit sa loob. Laglag panga rin si Chanel nang kinuha ang box at tiningnan ang regalo ni Elijah para sakin.



"Cousins don't give each other those kind of gifts, Klare!" Panay ang punas ni Erin ng kanyang mga luha.



Nanginig ang mga labi ko. Kinagat ko na lang ito at yumuko.



"Klare, may relasyon kayo ni Elijah." Hindi iyon tanong. Kumpirmasyon iyon galing kay Erin.

"Oh my God!" Sabay lagay ni Chanel sa box sa sink.



Tumilapon ang barrette. Nalaglag ang puso ko sa nangyari. Agad ko iyong dinampot at maingat na nilagay ulit sa loob. Habang ginagawa ko iyon ay halos mabingi ako sa sampal na natamo ko galing kay Erin.

OMyGaaaaaa... Hindi ko mabatid kung ano ba ang mararamdaman ko? 

Naiinis ako kina Erin at Chanel pero... kasi sa pagkakaalam nila e bawal yung ganun pero hate ko na talaga si Erin. Kontra bida siya sa buhay ni Klare simula ng magbreak sila ni Eion. -_-

Nawalan nga ng Cherry may Erin at Chanel naman na pumalit. 

Waaaaah ! Eto na ang tunay na nakakafrustrate promise kahit na kinikilig ako sa #KlarElijah sa eksena nila sa chapter na 'to. 

Sana totoo yung hula ko na hindi sila magpinsan. Na baka anak si Klare ng nanay niya sa mga Ty. You know yung may affair na something sa tatay nila Hendrix at Pierre yung mommy ni Klare para hindi nalang sila magkadugo ni Elijah. Naku naku. Sana naman ganun ! Mananalig talaga ko. 

Pero kahit na penge akong tissue naiiyak ako sa mga mangyayari sa susunod na kabanata ee feel ko dun na papasok yung title ng istoryang ito " Until He Was Gone " MyGaaaaaa talaga hindi ko kakayanin yan. T.T 

Penge din akong karayom at sinulid ng matahi ko ang bibig nila Erin at Chanel. T.T 

Aiii basta #KlarElijah ako forever ! At hindi magbabago yan itaga ko man sa abs ni Azi The Playboy habang nanginginig pa ! 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Salamat po sa mga nakaappreciate dun sa una kong post esp. si ate J naku naku sayang at ngayon ko lang nakita yun. 

-WoWiDaSh

Epic Reaction!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon