Breath 1: A Miracle

1 0 0
                                    

Third P.O.V

*Wee-Woo* *Wee-Woo*

"Anak, wag susuko, ha? P-please, 'nak." Umiiyak sabi ng isang Ina habang dinala ang kanyang anak sa ambulansya. Sumakay na ang Ina at kasama nito ang isang matalik na kaibigan ni Yarie.

"Yarie, wa-wag kang susuko...di ba sabi mo sabay tayo mangarap." Umiiyak sabi nang kaibigan ni Yarie.

Lalong bumilis ang pagtakbo ng ambulansya dahil tumunog ang monitor na hudyat malapit na mamatay ang kanilang pasyente.

Lalong lumakas ang pag iyak nang isang Ina at ang kaibigan ni Yarie. Hindi nila kaya mawala ang isang taong mahal nila. Hindi pa sila handa.

"W-wag p-po kayong...umi-umiyak. Ka-kayanin ko po itong sa-sakit." Kahit mahirap na siya makapagsalita pero kinaya niya ito sabihin sa kanyang Ina at kaibigan niya.

Ngumiti siya nang mapakla at pinahid niya ang luha ng kanyang mahal niyang Ina at sa kanyang kaibigan.

"Ma, Kathy? Ma-Mahal....na...mahal...ko..kayo." Mahina niyang sabi at doon tumunog na ang monitor at straight line na ang nagpakita.

"Anaaaakkk..." Sigaw ng Ina at lalong umiiyak ito. Niyakap ni Kathy ang Ina ng kanyang kaibigan, siya mismo ay nasasaktan din hindi nila inaasahan na ganito ang mangyayari.

At doon bumagsak na talaga ang kanilang mundo. Nataranta ang nurse na nasa umbalansya at nagmadali kinuha ang heart bump. Inulit nang nurse ang pag bump hanggang sa makarating na sila sa hospital.

Nilabas nila si Yarie at nagmadali silang pumunta sa Emergency Room. At may sinabi ang nurse sa kanila.

"Maam , kakayanin namin ang lahat hanggang sa makakaya namin."

Pinaupo sila sa isang nurse at binigyan sila ng tig-iisang tubig. Hindi nila kaya ang kanilang nararamdaman at muling humikbi ang Ina.

"Tita, pupunta po tayo sa chapel. Mamalangin po tayo." Pag anyaya ni Kathy sa Ina nang kanyang kaibigan.

Nang nakarating na sila sa chapel. Agad sila nagdarasal para kay Yarie.

'Diyos ko, tulungan niyo po ang anak ko. Hindi pa namin kaya mawala ang aming minamahal na anak. Hindi pa po kami handa mawala siya sa amin. Hindi pa po namin kaya. Bigyan niyo po kami nang isang pagkakataon na makasama namin siya ulit. Sana po dinggin niyo ang aking panalangin, Panginoon.'

Umiiyak nagdadarasal ang Ina at si Kathy. Para sa kanila hindi pa itong tamang panahon na mawalay sa kanila si Yarie. Bata pa lamang si Yarie may iniinda na siya nang sakit sa puso. Para sa kanila hindi ito nararapat kay Yarie, inosente ito at mabait sa pamilya, kaibigan, at kapwang niyang tao.

Tapos na sila magdasal at bumalik sila sa Emergency Room kung saan nandoon pa si Yarie na nag-aagaw buhay. Hindi nila inakala na mangyayari ito sa kanilang buhay. Akala nila ay simpleng sakit lang yun ang kay Yarie.

Lose My BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon